gamit at kaukulan ng pangngalan gr6

Post on 03-Dec-2014

1.779 Views

Category:

Documents

54 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

GAMIT NG PANGNGALAN

SIMUNO

SIMUNO = ang pangngalang pinag-

uusapan sa pangungusap.

Halimbawa. Si Doming ay masipag na

empleyado. Ang mga bata ay

masayang naglalaro ng tumbang-preso.

KAGANAPAN NG PANSIMUNO

Ang simuno at ang isa pang pangngalang

nasa panaguring tinutukoy rito ay iisa

lamang.

Hal. Si Apo Kayan ay mahusay na pinuno

paksa panaguri

PAMUNO

Ang simuno at isa pang pangngalang

nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang .

Hal.

1.Si Apo Kayan, ang pinuno, ay dapat igala

ng at sundin

2. Si Raquel, ang kapatid ko, ay nasa Espanya.

PANTAWAG

pangngalang ipinantatawag sa

pangungusap.

Halimbawa:

Rosie, wag mong kalimutan ang iyong baon.

Anak, mag-aral ka na ng iyong leksyon.

TUWIRANG LAYON/ LAYON NG PANDIWA

Layon ng Pandiwa= pangngalan

pagkatapos ng pandiwa at sumasagot sa

tanong na ano

Halimbawa: Naglinis ng kwarto si ate kanina.

Nagluto ng turon si nanay para sa merienda.

LAYON NG PANG-UKOL

Pangngalang

pinaglalaanan ng kilos.

Hal. Ang konting pagkain at inumin ay

para kay Lolong nagugutom.

Kaukulan ng

Pangngalan

PALAGYOPALAGYO = kung ang pangngalan ay ginagamit

na Simuno, Pantawag, Kaganapang Pansimuno,

Pangngalang Pamuno.

Halimbawa: Ang panahon ngayon ay pabagu-bago.

Ama at Ina, salamat po sa pagpapa-aral sa amin.

Si Gng. Andres ay mabuting guro.

Si Bantay, ang aking aso, ay marunong magbukas ng

aming pinto.

PALAYON

PALAYON = kung ang pangngalan ay

ginagamit na Layon ng Pandiwa at Layon ng

Pang-ukol.

Halimbawa: Magdadala ako ng ulam bukas.

Ang pagsisikap ni Jason ay para sa kanyang

mga magulang.

PAARI

PAARI= may dalawang pangngalang

magkasunod, ang ikalawang pangalawan ay

nagsasaad ng pagmamay-ari.

Halimbawa: Ang pagpapatawad ni ama ang

sanhi ng aking pagbabago.

Anak ni Reynaldo si Romel.

MARAMING SALAMAT

top related