gr 5 panahon at klima

Post on 24-Jun-2015

500 Views

Category:

Documents

8 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Panahon at Klima

June 24, 2014

Matapos matalakay ang aralin ng guro sa araw na ito, ang mga mag-aaral ay

inaasahang . . .

• malalaman ang kahulugan ng klima at panahon.

• matutukoy ang pagkakaiba ng klima sa panahon.

• Makagagawa ng isang poster-slogan na

makapagpapahayag ng kanilang saloobin tungkol sa

pangangalaga ng kapaligiran.

Core Values

Community – Pagpreserba ng

kapaligiran

KLIMA=PANAHON

KLIMA

Ay kabuuang lagay ng panahon sa loob ng

ilang buwan ng isang taon o mahaba-

habang panahon.

Halimbawa:

Sa NCR ay mainit ang klima mula Nobyembre hanggang Abril – at ang ibang buwan ay tag-ulan na.

Ang lugar na malapit sa dagat ay may klima na malamig o madalas ang pag-ulan.

PANAHON

Ay ang pangkalahatang lagay ng atmospera,

gaya ng temperatura, halumigmig at hangin sa

isang takdang oras at panahon.

PANAHON

Sa loob ng 24 oras paulit-ulit ang pagbabago ng

panahon.

Halimbawa:

Ngayong umaga ay magpapakita si Haring Araw ngunit mamayang hapon ay

bahadyang kukulimlim at may tsansang umulan ng kaunti.

Ano ang KLIMA na nararanasan ng Pilipinas?

Dahilan bakit ganito ang klima sa Pilipinas

1. Ang lokasyon ng Pilipinas sa Asya ay naglagay sa Pilipinas sa direksyon

ng mga hanging masang kontinente, bagyo o unos, at kalagayang pwersang panghimpapawid.

2. Ang pagiging arkipelago nito ay tumitiyak sa malaking pagbabago sa mga elemento ng panlupang klima.

Dahilan bakit ganito ang klima sa Pilipinas

3. Nasa landas ng marahas na tropikong cyclone na kumikilos pakanluran. Matatagpuan ang

Pilipinas sa pagitan ng ekwador at tropiko ng kanser.

4. Ang Pilipinas ay maraming bulubundukin na sumasangga sa mga hanging masa at nagiging

sanhi ng mababang temperatura.

• Ano-ano ang mga kalamidad na nararanasan ng mga Pilipino sa

kasalukuyan? Bakit kaya ito nangyayari?

• Sa papaanong paraan ninyo mapapangalagaan ang ating kalikasan? Magbigay ng mga

halimbawa.

TAKDANG ARALIN

Ano ang iba’t ibang teorya na pinaniniwalaang pinagmulan

ng Pilipinas?

top related