hakbang sa pagpapasya

Post on 11-Jan-2015

24.539 Views

Category:

Education

60 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Presented by:

Arnel O. Rivera

Mga Hakbang sa Pagpapasya

Balik Aral• Ang bawat pangyayari sa buhay ng

tao ay mula sa kanyang pagpapasya.

• Ang paggawa ng pasya ay nakalaan pa rin sa iyong sarili. Kailangang maging matalino at maingat sa paggawa ng pasya.

Apat na Salik sa Pagpapasya

Impormasyon

Sitwasyon

Mga Payo

Pagkakataon (Oportunidad)

Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Kumpletuhin ang mga

sumusunod na mga

pangungusap ng unang bagay

na pumasok sa iyong isipan.

Sagutin ng mabilis.

HALIMBAWA:

Gusto kong makapagtapos ng

_____________ upang ako ay

_______________________.

Medesina

makatulong sa may sakit

1. Gusto kong magkaroon ng ________ upang ako ay _______.

2. Nais kong _____________ kapag Sabado at Linggo upang ako ay ____________.

3. Gusto kong pumunta sa ________ upang ako ay _________.

4. Gusto kong maging ________ na tao upang ako ay __________.

5. Gusto kong matuto kung paano ________ upang makapag__________.

Kaalaman:Sa pagpapasya, iniisip ng tao ang magiging sanhi at bunga ng kanyang pasya.

Film Analysis: Wheels of Misfortune

Tukuyin ang tatlong (3) posibleng dahilan ng aksidente na ipinakita sa video.

Ang maling pagpapasya ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao.

Kaalaman:

Hakbang sa Pagpapasya

1. Alamin ang suliranin.2. Pag-aralan ang lahat ng

posibleng solusyon.3. Isaalang-alang ang mga

maaring ibunga ng bawat solusyon.

Hakbang sa Pagpapasya

4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga.

5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon.

6. Pag-aralan ang kinalabasan.

Halimbawa:

Gutom ka. Ano ang maari mong bilhin sa halagang 20

pesos?

Nilagang maisChampuradoTinapay Biskuwit

MuraMasarapNakabubusog

Pagpapasya kung ano ang bibilhin.

Nabusog ba ako?

Alamin ang suliranin.Mahalagang matukoy ang tunay na suliranin upang ito ay masuri ng mabuti. Alamin ang pinaka-ugat ng suliranin. Mas mainam kung maisusulat mo ito.

Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.Isipin ang maaring maging solusyon sa suliranin. Alamin ang mga paraan upang maging madali ang paglutas nito. Isipin ang mga taong maaring makatulong sa paglutas nito.

Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon.Mula sa mga itinalagang solusyon

sa suliranin, isipin ang maaring maging kalabasan o kahihinatnan. Mabuting malaman ang mga ito upang maging handa rito at maiwasan ang pagsisisi sa maaring kahihinatnan ng naisip na solusyon.

Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga.

Isipin ang mga pagpapahalagang pampamilya at pansarili. Alalahaning hindi ka lamang kumikilos para sa paglutas ng suliranin kundi isinasaalang alang mo rin ang kabutihan ng iyong pamilya at sarili.

Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon.Magpasya at isagawa ito. Huwag mag-alinlangan dahil alam mong ito ay iyong pinag-isipan, sinuri at pinahalagahan. Lakasan ang loob at manalanging maisakatuparan ang pasya ng maayos.

Pag-aralan ang kinalabasan.Timbangin ang naidulot na kabutihan at ginhawa sa sarili at sa pamilya. Kung nagkaroon ng pagkukulang sa plano, maaring iangkop ang nararapat na pagbabago.

top related