i am forgiven - ptr. vetty gutierrez - 7am tagalog service

Post on 14-Feb-2017

578 Views

Category:

Spiritual

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

AKO AY PINATAWAD

EFESO 4:25-3225 Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

EFESO 4:25-3227 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.

EFESO 4:25-3229 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig. 30 At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat Siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw.

EFESO 4:25-3231 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

NASUBUKAN NYO NA BANG NAKARANAS NG KAPAITAN SA

IYONG BUHAY?

RUTH 1:2020 Sumagot naman si Naomi, "Huwag na ninyo akong tawaging Naomi. Tawagin ninyo akong Mara, sapagkat ako'y pinabayaang magdusa ng Makapangyarihang Diyos.

MGA KATANGIANG NAKIKITA NATIN SA MGA TAONG NAKARANAS NG

KAPAITAN SA BUHAY:

1. Ang mga taong nakaranas ng kapaitan sa buhay ay parang

arkeologo, laging inaalungkat ang mga nakaraan.

2. Ang mga taong nakaranas ng kapaitan sa buhay ay naglilista ng iyong kamalian kaya alam na alam

nila ang mga detalye.

1 CORINTO 13:1-131 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag.

1 CORINTO 13:1-132 Kung ako man ay may kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya na anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit kung wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.

1 CORINTO 13:1-133 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala! 4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

1 CORINTO 13:1-135 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.6 Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.7 Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.

1 CORINTO 13:1-138 Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan. 9 Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan nating magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos,

1 CORINTO 13:1-1310 ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap. 11 Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.

1 CORINTO 13:1-1312 Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala Niya sa akin.

1 CORINTO 13:1-1313 Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

3. Mas masakit o mas mapait sa taong nakaranas ng kapaitan kapag

ang mahal niya sa buhay ang nakasakit sa kanya kaysa ibang tao.

RUTH 1:2020 Sumagot naman si Naomi, "Huwag na ninyo akong tawaging Naomi. Tawagin ninyo akong Mara, sapagkat ako'y pinabayaang magdusa ng Makapangyarihang Diyos.

4. Matuwid ang tingin sa kanyang sarili ang taong nakaranas ng

kapaitan sa buhay sapagkat ang akala niya ay laging siya ang

biktima.

5. Ang taong nakaranas ng kapaitan sa buhay ay laging

pinanghahawakan na siya ay ginawan ng masama.

LIMANG KAPARAANAN KAYA NAKAKARANAS

NG KAPAITAN ANG ISANG TAO:

1. Mali ang iyong iniisip na ikaw ay ginawan ng kasalanan.

2. Hindi niya nakuha ang kanyang hindi makatuwirang inaasahan.

3. Pinagsabihan ka pero matigas ang iyong ulo at nasaktan ka. At

dahil diyan masama na ang loob mo sa kaniya.

4. Nagseselos ka sa kanila.

SANTIAGO 3:1414 Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan.

5. Nagawan ka ng kasalanan ng ibang tao.

Pag ikaw ay nagawan ng kasalanan ng ibang tao, dalawang bagay ang iyong pwedeng gawin:

1. Maaring sumama ang loob mo at magiging mapait ka sa kanya

2. PATATAWARIN mo siya.

Pag ikaw ay ginawan ng masama, huwag kang mag-alala sapagkat

pananagutan niya sa Diyos ang masamang ginawa niya sa iyo.

Siya ang magtatamasa ng kaparusahan at hindi ka mananagot

sa kanyang ginawa.

ANIM NA UTOS SA MGA KRISTIYANONG

NAKARANAS NG KAPAITAN SA BUHAY:

EFESO 4:25-2925 Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

EFESO 4:25-2927 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.

EFESO 4:25-2929 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.

1. INGATAN MO ANG MGA SALITANG

SINASABI MO SA IBA.

KAWIKAAN 26:2020 Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

MATEO 18:15-1715 "Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid.

MATEO 18:15-1716 Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. 17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari.

MATEO 18:15-17At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis."

2. BANTAYAN MO ANG IYONG DAMDAMIN.

EXODO 34:66 Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi Niya, "Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi Ako madaling magalit; patuloy Kong ipinadarama ang Aking pag-ibig at Ako'y nananatiling tapat.

3. BANTAYAN MO ANG IYONG ORAS.

4. BANTAYAN MO ANG IYONG KALABAN.

5. INGATAN MO ANG IYONG KAMAY.

6. INGATAN MO ANG IYONG BIBIG.

SIKLO O IKOT NG KAPAITAN

EFESO 4:3131 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.

HUKAYIN ANG UGAT NG KAPAITAN

HEBREO 12:1515 Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasama ang iba.

Kung ang kapaitan ay may ugat, may pala naman na siyang huhukay

sa ugat at ang palang yan ay ang pagpapatawad.

PAANO NAGSISIMULA ANG

APOY?

KAWIKAAN 26:2020 Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

GALIT - ito ay maliit na apoy pa lamangSIGAW - lumalaki na ang apoyPANINIRANG PURI - “mainit” na ang apoyLAHAT NG MALISYA - hindi na mapigilan

ang apoy.

Ang taong nakakaranas ng kapaitan ay hindi dapat sunugin ang kaniyang dinadaanan o wasakin ang tulay na kaniyang dinadaanan. Dalawa ang pwede niyang gawin: mananatili

siyang galit o magpapatawad siya.

NAGPAPATAWAD ANG ISANG TAONG NAPATAWAD.

Kailangan ang himala para ang isang taong nakaranas ng kapaitan o nasaktan ay makapagpatawad.

At ang pwede lang gumawa ng himala ay ang Banal na Santong Espiritu

sapagkat Siya lang ang nagbibigay ng kapangyarihan at lakas ng loob sa isang

taong nasaktan para siya ay makapagpatawad.

Ang Banal na Santong Espiritu ay personal na Diyos. Mahal na mahal Niya tayong lahat at binibigyan tayo

ng kagalakan at kapayapaan para makapagpatawad.

Sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus, pinatawad tayo

ng Diyos Ama.

AWIT 51:1-191 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,sang-ayon sa Iyong kagandahang- loob;mga kasalanan ko'y Iyong pawiin,ayon din sa Iyong pag-ibig sa akin! 2 Linisin Mo sana ang aking karumihan,at patawarin Mo'ng aking kasalanan!

AWIT 51:1-193 Mga pagkakasala ko'y kinikilala,di ko malilimutan, laging alaala. 4 Sa Iyo lang ako nagkasalang tunay,at ang ginawa ko'y di Mo kinalugdan;kaya may katuwiran Ka na ako'y hatulan,marapat na ako'y Iyong parusahan.

AWIT 51:1-195 Ako'y masama na buhat nang isilang,makasalanan na nang ako'y iluwal. 6 Nais Mo sa aki'y isang pusong tapat;puspusin Mo ako ng dunong mong wagas. 7 Ako ay linisin, sala ko'y hugasanat ako'y puputi nang lubus-lubusan.

AWIT 51:1-198 Sa galak at tuwa ako ay puspusin;butong nanghihina'y muling palakasin. 9 Ang kasalanan ko'y Iyo nang limutin,lahat kong nagawang masama'y pawiin. 10 Isang pusong tapat sa aki'y likhain,bigyan Mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

AWIT 51:1-1911 Sa Iyong harapa'y huwag akong alisin;Iyong banal na Espiritu'y paghariin. 12 Ang galak na dulot ng Iyong pagliligtas,ibalik at ako po'y gawin Mong tapat. 13 Kung magkagayon na, aking tuturuangsa Iyo lumapit ang makasalanan.

AWIT 51:1-1914 Ingatan Mo ako, Tagapagligtas koat aking ihahayag ang pagliligtas Mo. 15 Tulungan Mo akong makapagsalita,at pupurihin Ka sa gitna ng madla. 16 Hindi Mo na nais ang mga handog;di Ka nalulugod, sa haing sinunog;

AWIT 51:1-1917 ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat. 18 Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion; at ang Jerusalem ay muling ibangon. 19 At kung magkagayon, ang handog na haing dala sa dambana, torong susunugin, malugod na ito'y Iyong tatanggapin.

Ang Panginoon Hesus ay gumawa ng kamangha-manghang bagay.

Namatay Siya sa krus ng kalbaryo. Sa halip na tayo dapat ang ipako, Siya

ang pinako.

Namatay Siya para sa Kanyang kaaway.

Kaya ang unang sinabi Niya sa kanyang pitong huling salita ay

“Ama patawarin Mo sila”.

Kaya dapat tayong magpasalamat sa kapatawaran na iginawad ng

Diyos Ama sa atin. Kung ganoon, kailangan din tayong magpatawad

sa iba.

PITONG BAGAY KUNG ANO ANG IBIG

SABIHIN NG PAGPAPATAWAD:

1. Ang pagpapatawad ay pagkansela mo ng kanilang utang

sa iyo.

2. Ang pagpapatawad ay pag-alis mo ng kapangyarihan ng taong

nakasakit sa iyo.

3. Ang pagpapatawad ay parang nagbibigay ka ng regalo sa iyong sarili at sa taong nakasakit sa iyo.

4. Ang pagpapatawad ay tinatalikdan ang pagganti.

ROMA 12:1919 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Akin ang paghihiganti, Ako ang gaganti, sabi ng Panginoon."

5. Ang pagpapatawad ay pagpapaubaya mo sa kamay ng

Diyos ang hustisya.

6. Ang pagpapatawad ay tuloy-tuloy na proseso.

7. Ang pagpapatawad ay nagnanais ng mabuti para sa

nakasakit sa iyo.

PITONG BAGAY KUNG SAAN ANG

PAGPAPATAWAD AY HINDI GANITO:

1. Ang pagpapatawad ay hindi itinatanggi na may kasalanang

nagawa o pinaliliit ang kasamaan.

2. Ang pagpapatawad ay hindi itinutulot na magkasala ka muli.

3. Ang pagpapatawad ay hindi kinakailangang ito’y tugon mo sa

humihingi ng paumanhin.

4. Ang pagpapatawad ay hindi tinatakpan ang kasalanang nagawa

nila sa atin.

5. Ang pagpapatawad ay hindi para kalimutan. Hindi na natin iniisip ang mga nagawang kasalanan dahil ang iniisip na lamang ay ang ginawa ng Panginoong Hesus sa ating buhay.

6. Ang pagpapatawad ay hindi pagtitiwala.

7. Ang pagpapatawad ay hindi pagbabati-bati.

Kailangan ang isang tao ay magsisi at kailangan naman ng isang tao ay

magpatawad.

SINO ANG DAPAT NINYONG PATAWARIN?

SINU-SINO ANG NANGANGAILANGAN NG INYONG PAGPAPATAWAD?

top related