iba’t ibang pagpapahayag ng damdamin o nararamdaman. · 2020. 8. 21. · daga sa kuweba. nakita...

Post on 01-Apr-2021

8 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Pagbasa

1Layunin: Nailalarawan ang damdamin ng isang

tauhan sa kuwentong nabasa/napakinggan.

F1-M1

“Ang Daga at si

Haring Leon”

Isang araw, di sinasadyang nakapasok si

Daga sa kuweba.

Nakita niyang natutulog si Haring Leon.

Natakot si Daga.

Hindi kasi niya alam na mabait na si

Haring Leon.

Dahan-dahang naglakad si Daga.

Maingat at walang ingay siyang naglakad.

Pero, biglang dumilat si Haring Leon.

Nakita niya ang munting daga. Hinuli niya

sa buntot ang nanginginig na daga.

‘Aha! Huli ka!’

‘Patawad po, Sori po,’ wika ni Daga.

‘Hindi na po ako papasok dito.’

‘Ha! Ha! Ha!’ tawa ni haring leon.

‘Wala akong gagawin sa iyo. Sige,

lumakad ka na.’

Kinabukasan, lumabas ng kuweba si

haring leon. Maghahanap siya ng pagkain.

Subalit siya ay nagkakamali. Natapakan

niya ang isang bitag. Nahuli ng bitag si

haring leon. Umungol ng malakas si haring

leon.

Narinig ni daga ang atungal ni haring

leon.

‘Si haring leon!’ sabi ni daga. ‘Bakit

kaya?’

Mabilis na tumakbo si daga. Umakyat

siya sa puno. Tuwawid siya sa mga sanga.

Lumundag siya sa mga bato.

‘Hayun si haring leon!’ muling sigaw ni

daga. ‘Nabitag siya!’

‘Diyan lang kayo, haring leon!’ muling

sigaw ni daga.

Tutulungan ko po kayo.’ Mabilis na

umakyat sa puno ang daga.

Mabilis na kinagat ni daga ang bitag.

Hanggang sa mailabas na ni haring leon

ang kanyang isang paa.

‘Kagat, kagat, kagat, Nailabas uli ni

haring leon ang isa pa niyang paa.

Hindi tumigil si daga. Kagat, kagat,

kagat, kagat. Hanggang tuluyang nakalas

si haring leon. ‘Salamat, daga’ sabi ni

haring leon. ‘Salamat sa tulong mo.’

Wala pong anuman.’ Sabi ni daga. At

lumakad nang magkasama ang dalawa

patungo sa kuweba.

top related