iba't ibang uri ng mga tayutay

Post on 21-Jan-2018

9.112 Views

Category:

Education

138 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

PAGBATI NANG

KAPAYAPAAN!

TAYUTAY

Ito ang pinakamakapangyarihangparaan ng pagpapahayag ng isangkaisipang natatangi para sa isangmakata.

Rubin (1986), ang tayutay ay isang sinadyang paglayo saordinaryong paggamit ng salita. Kaiba ang pagkakalahad. Di tahasang kahulugan kaya’t masasabing lumilikha ito ng larawan oimahen.Di karaniwan ang pagkakapahayag, natatangi ang bisa nito,maharaya, kaakit-akit at matulain. Ang pahayag ay hindi tiyakangtinutukoy. Sa halip ang pagpapahayag ay dinaraan sa paggamit ngpahiwatig o figurative expression.

URI NG TAYUTAY

1. PAGTUTULAD (SIMILE) ito ay isang simpleng paghahambing ng dalawang bagay na

magkaiba sa pangkalahatang anyo ngunit may mga magkakatuladna katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa. ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad

ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.

HALIMBAWA (PAGTUTULAD/ SIMILE)

1. Gaya ng halamang lumaki sa tubig2. Ako’y tila isang nakadipang kurus3. Parang hinahagkan ang paa ng Diyos4. Ang buhay ay tulad ng isang batis

2. PAGWAWANGIS (METAPHOR) ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga

salitang nangangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayag ngibang bagay.

dito inaalis ang hambingang salita’t papiralang ginamit sapagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ang A

ay B.

HALIMBAWA (PAGWAWANGIS/METAPHOR)

Ang kanyang kahapon ay isang tanghalanNg mga lihim nya’t mga karanasan

Ang buhay nyang hiram ay naging tanghalanSa kanyang gunita ay ayaw alpasan.

MBM

PAUNAWA Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaring palawakin sa

isang pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli namaaring tipiin naman sa isang pagwawangis.

HALIMBAWA

PAGTUTULAD Kaakit-akit ang KANYANG MGA MATANGANAKI’Y BITUIN.

PAGWAWANGIS Kaakit-akit ang kanyang mga MATANGBITUIN.

3. PAHALINTULAD (ANALOGY) ito ay isang tayutay na may isang tambalang paghahambing

na nangangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagakkaugnay. Balangkas: Ang ugnayang AB ay tulad ng ugnayang CD.

HALIMBAWA (PAHALINTULAD/ANALOGY)

“At siya’y namangha at kanyang namalasNaganap ang tagpo’y mistulang pangarap.

SAANMAN TUMITIGDILAG AY NAGLIGID

SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG GUBAT“MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.”

-sa tulang HIMALA”Dominador B. Silos

4. PAHAMBING (COMPARISON) ito ay tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o

nagpapalagay na ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian okauring kapwa angkin ng mga ito.

BALANGKAS: Si A ay ............. ni B.

HALIMBAWA (PAHAMBING/COMPARISON)

MABANGONG BULAKLAK! ....... SIMBANGOng di pa nahahagkang PISNGI ng isang dalaga.....

MAPUTING BULAKLAK! ...... SIMPUTI ng PURING alaalaga pa ng napakahinhi’t mutyang dalagita.

- Sa tulang “SAMPAGITA”- Pedro Gatmaitan

TANDAAN

Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ngunlaping sing-, magsing-, at magkasing-, at iba pang anyongmaramihan ng mga ito; gayundin ay maaring gamitin ang gaga- ogangga- bilang unlapi sa hambingang magkatulad.

5. PAGSASATAO (PERSONIFICATION)

ito ay tayutay na nauukol sa paglilipat ng katangian ngisang tao sa mga walang buhay.

HALIMBAWA (PAGSASATAO/PERSONIFICATION)

PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGINSa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim

IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirinAy biglang nawala dahil sa bagyong darating.

ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAPAALALANGAng tao ay marupok sadyang makasalananAng gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan

Ang gawang masama’y kanyang kaluwalhatian.

6. PAURINTAO (TRANSFER EPITHET) ito ay isang tayutay na paharaya at pasalaysay ang paraan

ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay okaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.

HALIMBAWA (PAURINTAO)“Kung minsa’y Buwan kang

Ang MAYUMING GANDA at iwing liwanagSa TULOG KONG PUSO’Y

Kay limit sugpuin ang TUKSONG PANGARAP;Ang katauhan ko:

Likas mang pihikan sa kaway ng galakDi mamakailang

Binalisa mo rin kung ilang magdamagPagkaumaga na.....

Ang iyong karikta’y siyang hinahanapSubalit Buwan kang

Kaydaling maglahong luningning at dilag!”Sa tulang “O, “Babae”Leonicio S. Gonzales

7. PANAWAGAN (APOSTROPHE) ito ay isang tayutay na may kagyat na pagtutol sa naunang

paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ngisang tao o bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahingbagay.

HALIMBAWA (PANAWAGAN)

“Nakapugal ako sa kasunong saklapNa sa aking dibdib ay halos gumahak

Kaluluwa ko’y tigib, puso ko ay wasak,Sa piitang sakit, aliping nalagmak...O ibon, maamong sa iyong paglipad,

Isakay mo ako sa angkin mong pakpak.Tutulungan mo nganing sa dusa’y umalpas,Ibig kong malimot ang huling magdamag!

Sa tulang “O Ibon”Batumbalani

8. PADAMDAM (EXCLAMATION) ito ay isang tayutay na nagmumula sa bulalas ng isang

masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin oisang talata na may gayong pananalita.

HALIMBAWA (PADAMDAM)

“Ayan, ang kabaong na pasan ng tao.Irog, sumama ka at kakilala mo!

May ilaang karamay, korona’t musiko,Ihahatid na raw sa wakas ng mundo!

Nang ihuhulog na ang kabaong.... NAKU!Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!!

Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita”Jose Corazon de Jesus

9. PATALINGHAGA (ALLEGORY) ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi tahasang

ipinapahiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng mgatalinghaga.

1. HALIMBAWA (PATALINGHAGA)

“Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay sumikad,Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.

Dumadamba, dumadamba kapag renda’y hinahatakO, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.”

Sa tulang “Erotique”Federico Licsi Espino Jr.

2. HALIMBAWA (PATALINGHAGA)

“Ang magdamag niyaAy nakipaglamay sa gabing naidlip

Na may simulaingMay bigkis na giting na hindi mapatid,

Taglay ang pag-asaAt init, adhikaing hindi rin manlamig

Sa huling hantungangHihimlayan niyang sariling daigdig

Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaenana walang pamagat.

10. PANGITAIN (VISION) Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang nilalarawan ng

isip ay animo’y tunay na kaharap o nakikita ng makata.

2. HALIMBAWA (PANGITAIN)

Tayo na pangarap at ating galainAng di nakikitang pook-salamisim

ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWINAT ANG MGA TALA’Y ATING DALAWIN

Tayo ay magpakpakNg bagwis ng hangin

At kita’y lalapagSa may panginorin.

Sa tulang “Isang Patunguhan”A.G. Angeles

11. BALINTUNA (IRONY) ito ay isang tayutay na sa pamamagitan nito ang

kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ngtangkang sabihin, dahil sa isang bagay na sinabi ay may ibangpakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.

HALIMBAWA (BALINTUNA)

“Ang tao kung minsa’y batang nagagalak,Utal pa ang dila, kung mangusap, pantas!

Ipako si Kristo ang sabi ng lahatAt ang pakawala’y itong si Barrabas.......!

Sa tulang “Ang Sasabihin ng Tao”Jose Corazon de Jesus

12. PAUROY O MAPANG-UYAM (SARCASM) ito ay isang tayutay, na ipinapahiwatig sa paraan o tono

ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagayat pangyayari.

HALIMBAWA (PAUROY)

1. Iginagalang. Dinarakila sa gawaing niyang banal.Niyuyukuran. Pinupuri ng balana; siya ayMinamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan,Siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ayisang halimaw.

HALIMBAWA (PAUROY)

2. Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa bahay nagumigiray at kayrami pa ng ipis.

3. Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking anglayunin, bilugin ang kanyang ulo.

TANDAAN

Sa pauroy, ang taong tinutudyo ay tahasang inilalagay sa anyongkatawa-tawa, iyan ang kaibhan nito sa balintuna, gayunpaman, angtunguhin ang balintuna ay ang hayaang ganapin ang tungkulin ngpauroy.

13. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) ito ay isang tayutay na ang kaigtingan ay sobra sa normal

na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag. Maari ito’ypagpapakulang sa tunay na kalagayan upang makatawag pansin okaya’y isang lampas-lampas na pagpapahayag ng katangian ngmalayo sa tunay na katotohanan.

HALIMBAWA (PAGMAMALABIS)

Dadanak ang dugo sa lupaing ito,Kapag di nangyari itong aking gusto,

Susumpain ka pa ng dinidiyos mo!Daraanan mo ibabaw ng bangkay ko!

14. PARADOHA (PARADOX) ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang pahayag na

sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung masusuing lilimiin oipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan.

HALIMBAWA (PARADOHA)

“Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay“Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!”

Kung ito’y totoo, siya ay bulaan.

Lirio G. Mendoza

TANDAAN

Ang paradoha ay maaring higit pa sa paglalaro sa salita. Kungsasabihin ng makata na ang itim ay puti, o ang pag-ibig aypagkamuhi, ang ginagawa niya ay paglulubid na rin ng salita.Gumagamit siya ng paradoha para galitin ang mambabasa at upangipabatid na sadyang masalimuot at mahiwaga ang daigdig.

15. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE) ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang

bagay o kaisipan bilang katapat at kabuuan. Maaring ang kabuuannaman ay katapat ng isang bahagi.

HALIMBAWA (PAGPAPALIT-SAKLAW)

1. “Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko3. Ipakilala natin sa buong bayan na tayo’y may pagkakaisa

16. PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMY) ito ay isang tayutay na ginagamit ang pagpapalit ng

pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’ypansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkaugnay.Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan.

HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG)

“Siya’y laking iskwater,” – basagulero o palaaway“Si Bonifacio ay buhat sa paaralan ng karanasan.” – natuto sasariling sikap at mga karanasan.

HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG)

“Ang pananalig ay ating kaligtasanBanal na pag-ibig at katotohanan.”

Pananalig - sandata

17. PATAMBIS (ANTITHESIS) ito ay isang pagpapalagay ng isang sugnay o ibang bahagi

ng pangungusap laban sa isa pa na sinasalungatan niyon.

HALIMBAWA (PATAMBIS)

“Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno,Sa akin ay pawis ang dapat ibugso;Sudsod hindi sundang! Punla hindi punlo!Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!”

Sa tulang “Pawis Hindi Dugo”Teo S. Baylen

18. PATIWAS (EPIGRAM) ito ay isang mahayap o patambis na kasabihang tungo at

nagwawakas sa isang malundo o matalinong pihit ng kaisipan.

HALIMBAWA (PATIWAS)

At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkinAng tawag ng bayan ay maginoo rin!Ating ugali nang ang sawi ng saging,

Gadangkal pa lamang saging nang tawagin!

Mana-manang yaman sa habang panahon,Walang anu-ano ang bata’y naulol!At ang mga tao ay nakapagtanong:

“Kayamanang tao, bakit nagkaganon?”

At ang pangyayari ang sumagot naman:“iyang ama nya’y baliw nang namatayNaman ang pilak, ano’t pagtatakhang

Manahin sa ama’t pati kabaliwan.

Sa tulang “Ang Maginoo”Jose Corazon de Jesus

19. PABUGTONG (RIDDLE) Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mata o

pampalitong sinasalita upang maging pahulaan

HALIMBAWA (PABUGTONG)

Kung babayan mong ako ay mabuhayYaong kamataya’y dagli kong kakamtan;

Datapwat pag ako’y minsang pinatayAng buhay kong ingat lalong magtatangal.

Sa tulang “KANDILA”

20. PASALIWA (ANASTROPHE) Ito ay isang pagsasadiwa ng kinagawian o katutubong ayos

ng mga salita.

HALIMBAWA (PASALIWA)

“Ang hilaw na hinog sa pilit ay hilaw pa rin ,Namnamin man ay mapait.”

Kasabihan“Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.”

Simon A. Mercado

21. PAHIDWA (OXYMORON) Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na nagbubunga ng

isang bias sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.

HALIMBAWA (PAHIDWA)

Noon ko nakitang ANG MALUNGKOT AY SUMAYADahil sa pagdating ng kanyang ama at ina

No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILAPagkat sa LUMBAY N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.

22. PAG-UULIT (GERMINATION) Ito ay isang paraan ng kagyat ng pag-uulit ng isang salita

saan mang bahagi ng mga taludtod ng tula.

HALIMBAWA (PAG-UULIT)

“Taghoy ng pagkasing sa lambing at timyasAy di naman taghoy;

Tinghoy na ang ningas ay nagluluningningKaya’t hindi tinghoy;

Luoy na talutot na ang angking bango’yBangong di naluoy:

Lamuymoy ng sintang maging hinaingAy gintong lamuymoy.”

Sa tulang “Ang Tula”Fernando B. Monleon

23. PASINTUNOG (ONOMATOPOEIA) Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang gamit o

tunog ay siyang kahulugan.

HALIMBAWA (PASINTUNOG)

“Magbuhat na noo’y pinagkakatakutan,Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;

Saka ang isa pang sa baya’y gumimbalANG KAMPANANG BASAG BA BAHAW NA BAHAWKUNG ANO’T TUMUTUNOG SA MADALING ARAW

AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG PATAY;Saka nang dumating ang kinabukasan

May PUNTOD nang LIBING SA HARAP NG ALTAR.

Sa tulang “Ang Lumang Simbahan”Florentino Collantes

24. PAGTANGGI (LITOTES) Ang salitang HINDI ang pangunahing hudyat ng ganitong

uri ng tayutay na sa biglang tingin ay pasalungat, pagtutol o dipagsang-ayon. Ang ganito ay pangkukunwari lamang o sadyangkabaligtaran ng tunay na kahulugan.

HALIMBAWA (PAGTANGGI)

Hindi, sapagkat ang tao ay marupok!Madaling mapaso’t medaling matupol;

Hindi nga’t sapagkat sya’y nga ay alabok!Madaling magmaliw medaling mapagod!

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

Inihanda ni

G. Fampulme, Melecio Jr. y, FerraroFilipino

top related