ikalawang digmaang pandaigdig

Post on 27-Jul-2015

895 Views

Category:

Education

66 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

ANO SA TINGIN NINYO ANG IPINAPAKITA NG MGA

LARAWAN?

Ipinakita sa mga larawan ang mga tagpo noong

world war ii

UnawainNATIN

Unawain natinHUNYO 28, 1919

Pormal na nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng Kasunduan sa Versailles.

Subalit ang kasunduang ito ang siya ring naging dahilan ng panibagong digmaan.

Panandaliangkapayapaan

Panandaliang kapayapaanHindi naging epektibo ang Kasunduan sa

Versailles upang mapanatili ang kapayapaan matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Ito pa ang pinagmulan ng tensiyon na humantong sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Tensiyon Dulot ngkasunduan

Tensiyon dulot ng kasunduanGALIT NG GERMANY

Nagkaroon ng matinding galit ang Germany dahil sa natanggap nitong parusa

BIGONG JAPAN at ITALYBigong makakuha ng mas malawak na teritoryo na layunin nito sa pakikipagdigma.

Tensiyon dulot ng kasunduan

BIGONG BANSA sa ASYA at AFRICAUmasang makakamit nila ang kalayaan matapos ang digmaan subalit sa halip ay ipinasailalim sila sa Mandate System.

Tensiyon dulot ng kasunduanNaging malaking kawalan naman ang hindi

pagsapi ng Estados Unidos sa League of Nations. Ang US ay ang pinakamakapangyarihang bansa noon.

Paniwala nila na ang hindi nila pagsapi ay pag-iwas sa kaguluhan sa Europa

ANG GREATdepression

Ang great depressionMatapos ang digmaan, maraming bansang sadlak

sa kahirapan ang sumandig sa US.

Kasabay sa hiyawan ng mga stock broker sa Wall Street ang pagbagsak ng ekonomiya hindi lamang ng US kundi pati mga bansa sa Europe noong 1929.

Ang great depression

Dahil sa Great Depression, marami ang:1. Nawalan ng tirahan at hanapbuhay2. Nagsarang mga bangko at naluging negosyo3. Nagutom at4. Kumitil ng sariling buhay

Ang great depressionDEKADA 1930

Ito ang panahon kung saan nakabangon sa krisis ang bansang US, Great Britain at France dahil sa matatag nitong demokrasya.

Ngunit ang ibang mga bansa ay bigo paring makabangon.

PASISMOmilitarismoat

Pasismo at militarismo

Bunsod ng Great Depression at kawalan ng kakayahan ng demokratikong pamahalaan, umiral ang Pasismo sa ilang bansa sa Europe.

Ano ang ibig sabihin ng PASISMO?

Pasismo at militarismoPASISMO o FASCISM

Ito ay ang kaisipan kung saan itinuturing na mas mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa sa mamamayan.

Dito pinaniniwalaang mas aahon ang isang bansa kung tapat ang mamamayan sa pamahalaan at bansa.

Pasismo at militarismo

PASISMO o FASCISMDahil sa pasismo, nagkaroon ng ganap na kapangyarihan ang pamahalaan sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mamamayan kung kayat umiral ang TOTALITARYANISMO.

Pasismo at militarismo

Bunsod ng totalitaryanismo, nagkaroon ng tatlong diktador na sina:• Adolf Hitler, Germany• Benito Mussolini, Italy• Joseph Stalin, USSR

HITLERHolocaustat angsi

Si hitler at ang holocaust

Sa Germany, pinamunuan ni Hitler ang Nazi Party. Nilayon niyang muling iangat ang karangalan ng Germany sa pamamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo niyo.

Si hitler at ang holocaust

Sa ilalim ng pamumuno ni Hitler naganap ang Holocaust.

Ano nga ba ang HOLOCAUST?

Si hitler at ang holocaustHOLOCAUST

Ito ang pinakamalagim na kaganapan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa buong kasaysayan.

Dito’y may tinatayang 6 milyon na mga Jew ang pinatay ng grupo ni Hitler.

Si hitler at ang holocaustHOLOCAUST

Kinamuhian ni Hitler ang mga Jew dahil itinuturing niya itong pinakamababang uri ng tao at tinuturong dahilan ng mga suliranin sa Germany.

Kung kayat nilipon ng mga German ang lahat ng mga Jew.

Si hitler at ang holocaustHOLOCAUST

Ipinatapon ang mga Jew sa Ghetto upang ibukod sa mga German. Ang Ghetto at lugar kung saan napapalibutan ng Pader at Barbed Wires.

Doon ay hinayaan ang mga Jew na mamatay sa gutom at sakit.

Si hitler at ang holocaustHOLOCAUST

Ang ibang mga Jew ay dinala sa mga concentration camps upang maging alipin, pag-eksperimentuhan, at sapilitang pinatay.

Si hitler at ang holocaustHOLOCAUST

Habang ang iba naman ay dinala sa mga execution camps kung saan maramihang pinaslang sa pamamamagitan ng Gas Chambers gamit ang Cyanide.

TARISMOJAPANsa

Militarismo sa japan

Umabot hanggang Asya ang epekto ng Great Depression.

Sa Japan, marami rin ang nawalan ng hanapbuhay at tirahan at naghirap.

Militarismo sa japanUpang lutasin ang lugmok na ekonomiya ng Japan,

iminungkahi ng mga pinunong militar ang pananakop ng mga teritoryo sa Asya at magtayo ng Imperyo rito sa ilalim ng pamumuni ni emperador Hirohito.

Sa ganitong paraan nila ipinamalas ang nasyonalismo.

MITSAdigmaanng

Mitsa ng digmaanTAONG 1931

Tumiwalag ang Japan sa League of Nations at sinakop nito ang Manchuria.

Japan ang unang bansa sa Asya na nakamit ang kalayaan at ito rin ang kauna-unahang bansa na humamon sa kapangyarihan ng League of Nations.

Mitsa ng digmaanDulot ng kawalang aksiyon ng League of Nations

sa agresyon ng Japan ay nasundan pa ito ng ilan pang mga paglabag ng ibang bansa sa kasunduan.

1931 – Sinakop ng Japan ang Manchuria1935 – Sinakop ng Italy ang Ethiopia

Mitsa ng digmaan

1936 – Sinakop ng Germany ang Rhineland1937 – Sinakop ng Japan ang Beijing at Nanjing sa China1938 – Sinakop ng Germany ang Sudetenland1939 – Sinakop ng Germany ang Czekoslovakia

Mitsa ng digmaan

1936 – Sinakop ng Germany ang Rhineland1937 – Sinakop ng Japan ang Beijing at Nanjing sa China1938 – Sinakop ng Germany ang Sudetenland1939 – Sinakop ng Germany ang Czekhoslovakia

Mitsa ng digmaanSamantala, ipinatupad ng Great Britain at France ang

APPEASEMENT o pagpapanatili ng kapayapaan.

Alinsunod sa patakarang appeasement ang KOMPERENSIYA SA MUNICH sa pagitang Germany, Great Britain, France at Italy noong Setyembre 29, 1938.

Mitsa ng digmaanNapagkasunduan sa Munich na mananatili ang

Sudetenland sa ilalim ng Germany sa kondisyong ititigil nito ang pananakop ng mga bagong teritoryo.

Upang palakasin ang pwersa laban sa Germany, nakipagkasundo ang France at Great Britain ka Joseph Stalin ng USSR.

Mitsa ng digmaanLingid sa kaalaman ng dalawa, lihim na lumagda ang

USSR at Germany ng non-aggression pact noong Agosto 23, 1939.

At pinangakuan ng Germany ang USSR ng terotoryo.

salamatMaramingpo!

Mga pagsubokSagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ilarawan ang Holocaust.2. Ano ang ibig sabihin ng Great Depression?3. Paghambingin ang Pasismo sa

Totalitaryanismo.4. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari kung

sakaling maulit ang Great Depression?

top related