ilang tala ukol sa panitikan · pdf fileat literal na kahulugan ng mga salita. kailangang...

Post on 02-Feb-2018

363 Views

Category:

Documents

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ilang Tala Ukol sa Panitikan

BAGO ANG LAHAT, ILANG PAGLILINAW

• Panitikan: kalipunan ng nakasulat o salimbibig na akda, masining na kinatha, likha ng indibidwal o pamayanan, sumasalamin sa panahon at lipunan, may layuning mang‐aliw, magturo, magsiwalat ngkatotohanan o manlinlang tungo sa pagpapanatilio pagbabago ng lipunan

(mula sa worksyap ng klase sa Fil 20 (Mga Piling Katha ng Manunulat naFilipino ni evdumlao)

Pambansang panitikan:  

akdang sumasalamin sa mga pagpapahalaga, adhikain, kasaysayan ng Pilipinas.  Hindi ito nakahihigit sa“panitikang rehiyonal” sa usapin ng kalidad.  

kalipunan ng mga akda mula sa iba’t ibang rehiyonsa bansa.

Madalas, ang mga nasa kapangyarihan(pabliser, editor, guro), ang nagtatakda kung ano ang ituturing na pambansa, kung ano angrehiyonal.  Sa proseso, malaking bahagi ngating panitikan ang naisasantabi, angnananatili sa laylayan at itinuturing namababang klase.

Patuloy ang interaksyon ngluma at bagong panitikan. Mawala man ang mga dating katawagan, nariyan pa  rin angmga batayan nilang katangian, nakalangkap sa mga bagonganyo.  Kung gayon, hindi linear ang landas ng panitikan; nagpapasikot‐sikot ito sa iba’tibang lugar at panahon.

Simbiotiko ang ugnayanng panitikan at lipunan.  

Hinuhubog ng lipunan angpanitikan at hinuhubogdin ng panitikan anglipunan.

Nakikipag‐usap ang akda sa mambabasa, hindiito simpleng koleksyon ng salita, tunog, at imahe.   Bukod sa kakayahan nitong mang‐aliw,  nag‐aanyaya ito ng pagtuklas ngkaalaman sa sarili, komunidad, at iba pang aspekto ng buhay.

awtor mambabasa

akda

Sa sandali ngpagbabasa o pakikinig,nag‐uusap ang awtor,ang akda, at angmambabasa.  May mga bahagi silangnag‐uugnayan.

Pagsusuri ng Akda

isa lamang ito sa mga napakaramingparaan na maaaring gamitin ng guro

Napakaraming paraan ng pagpasok sapanitikan.  Halimbawa, ang tanong na “anoang ipinahihiwatig” ay hindi tulad ng tanongsa matematika o agham na may tiyak at iisangwastong sagot.  

Isang bukas na larangan ng mayamangdiyalogo ang panitikan (maliban kung isasara ito ng guro)

Unang punto: 

dalawa ang batayang lebel ng akda:  denotasyon at konotasyon.  Hindi tayomakararating nang maayos sa lebel ngkonotasyon kapag pawarde‐warde angpaggalugad natin sa lebel ng denotasyon.Kaya napakahalaga ng pag‐alam sa kontekstoat literal na kahulugan ng mga salita.

kailangang maintindihan muna natin angliteral na ibig sabihin ng salita/akda bago natinmaunawaan kung ano ang isinisimbolo nito o ang kaakibat nitong mas malalim nakahulugan.

Ikalawang punto:Madalas, ang akda ay may persona ‐‐ angnagsasalita sa akda; karaniwan tao peromaaari ring hayop o iba pang bagay.Mahalagang kilalanin muna ang persona ngakda bago pumalaot.Minsan, awtor mismo ang nagsasalita, peromadalas “nagmamaskara” siya sa katauhan ngisang persona.

Ikatlong puntoLaging may sinasabi sa atin ang akda, kung gayon mahalagang tukuyin kung ano anglayunin ng akda.  Dito nakaangkla angpagsusuri.  At madalas ‘patay na ang awtor’ at wala sa ating tabi para magpaliwanag, tayongmambabasa ang bumubuo ng layunin ng akda.

Ikaapat na punto:Ang akda ay binubuo ng laman at anyo nahindi dapat paghiwalayin; kapag pinaghiwalaynasisira ang akda, nawawala ang lakas nitobilang sining at testamento ng buhay.

Kung kaya narito ang tatlong mungkahingtanong sa pagsusuri:

1. Ano ang layunin ng akda?2. Paano nakamit ang layuning ito?3. Ano ang kahalagahan ng akda?

Halaw po ito sa Sound and Sense: Introduction to Poetry nina Laurence Perrine at Thomas Arp

Pagkatapos mabuo ang layunin, pagtuunannatin ang , ikalawang tanong: 

“Paano nakamit ang layuning ito?”

Bilang mga guro ng panitikan, alam na ponatin ang bubusisiin natin kaugnay nito…

Sa tula…

• Mga tayutay: tula( imahe, tunog, paghahambing, pagtatambis, sukat, tugma, ritmo, at iba pang sangkap na bumubuo nganyo)  

Halimbawa, damhin at suriin po natin:

basahin po natinnang malakas at sabay‐sabay

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan; Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad‐utang, Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! 

‐‐ “Kung tuyo na ang _____ mo” ni?

Tara, pagtulungan po natin!

1. Ano kaya ang layunin ng tula?

3.  Ano ang kahalagahang panlipunan ng tula? Noong panahong isinulat ito? Sa kasalukuyan?

2.    Paano nakamit? (Busisiin ang mga salitang ginamit, angmga tayutay, ang tugma at sukat, ang tunog, at iba pang anyo na nakatulong sa pagpapatingkda ng naisilarawang emosyon o kaisipan)

Sa kuwento

Pagkatapos buuin/ itakda ang layunin, busisiinang mga elemento/ sangkap na ginamit ngawtor para maihatid ang kanyang naisiparating:  tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, tema, puntodebista/ pananaw

Hindi po tayo magsusuri ng kuwento, kapos sa panahon☺

Pero sa usapin ng anyo, puwedeng ganito:1. Paano inilalarawan ang tauhan? Sapat ba ang

motibasyon ng kanyang mga kilos at desisyon?

(hintayin na lamang po ang bubuksang website para matugunan ang inyong mga nais hehehe)

2.      Paano inilalarawan ang tagpuan? Makatotohanan ba? Angkop ba ang panahonat lugar para mas tumindi ang tunggalian?

At syempre, usisain din ang kahalagahangpanlipunan ng kuwento – mainam ding tingnan ang sinasabi ng akda sa mambabasa/ mag‐aaral.

“Ano sa palagay mo ang nais sabihin ngkuwento sa iyo? Bakit mo nasabi ‘yan? May detalye ba sa kuwento na sumusuporta saiyong sinabi”?

Para sa mga akdang katutubo, napakahalagaring busisiin ang anyo at ang konteksto o angkomunidad na lumikha ng akda. Kaya po, dapat super‐sipag tayo sa pananaliksik.

• Ang Ating Panitikan nina Isagani Cruz at  Soledad Reyes• Philippine Literature: A History and Anthology nina Bienvenido

Lumbera at Cynthia Lumbera• Filipinos Writing: Philippine Literature From the Regions 

ni Bienvenido Lumbera• Taludtod at Talinghaga: Mga Sangkap ng Katutubong Pagtula

ni Virgilio Almario• Mga kalipunan ng mito, epiko, bugtong, salawikain, awit at 

korido, atbp na tinipon at ginawan ng pag‐aaral ni DamianaEugenio.

pagsasanib ng luma at bago

Bukod sa mga dati na natingnakakasalumhang panitikan, may mga bagonganyong iniluwal ng makabagong teknolohiyaat panlasa.

PERO, ngunit, datapuwat, subalit, alalaonbaga:

Hindi naman tuluyang naglalaho ang mgadati, nagbabanyuhay (bagong anyo ngbuhay) lamang po sila

Halimbawa, ang mga gasgas na tema ng pag‐ibig ng mga awit at korido at ang kapaitan ngbuhay sa senakulo at pasyon ay buhay nabuhay sa ating mga telenobela at iba pang nobeleta na tatlo ang P100.

Ang taginting ng tinig at talas ngpangangatuwiran na taglay ng duplo at karagatan at ng balagtasan ay dumadagundong ngayon sa rap at iba pang katulad na porma ng “sagupaan ng wika”

Ang mga bago

Dahil sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya, pati ang dating akala nati’y di magigibangpagkakaintindi natin sa panitikan ay patuloyna nagbabago.

Halimbawa: nariyan ang ma text messages nahalos di mawawaan ang sinasabi, isangsubersyon kontra sa mga purista sa wika.  Naaalala po ba natin ang minsang sinabi ngDECS na tutugisin nila ang mga Jejemon?  Jejejeje☺

Nariyan din po ang mga tweet, ang mga status sa facebook, ang mga pinagpunit‐punit napahina ng libro o dyaryo saka pinagkakabit‐kabit – Aba, at napakaganda (raw) na tula.At mukhang ang mga bagong ito angkinahuhumalingan ng mayorya sa ating mgamag‐aaral.

Pero dahil kapos tayo sa panahonngayon….

Magtutuon po tayo sa:

1. Dagli o flash fiction (isang bagong luma) 2. Malikhaing sanaysay o creative non‐fiction 

(hindi rin gaanong bago)

Sabi ni Eros Atalia

Ang dagli ay:

•Walang isang pamantayan kung gaanongkahaba o kaikli•Mas nangangailangan ng higit na pagrenda sasalita•Nagtitiwala sa kakayanan ng mamababasangumunawa at makahanap ng kahulugan

Halimbawa (pasensya at Ingles, hinahamontayong maging mahusay na tagasalin

The Scarlatti Tilt

“It’s very hard to live in a studio apartment in San Jose with a man who’s learning to play the violin.” That’s what she told the police when she handed them the empty revolver.

Richard BrautiganRevenge of the Lawn

malikhaing sanaysay o creative non‐fiction

• kombinasyon ng creative writing at non‐fiction – ginagamit ang mga teknik ng tula at kuwentosa paglalahad ng personal na mga karanasanat iba pang “facts”.

halimbawa

“Hindi magkamayaw ang mga tandang noongmadaling‐araw na iyon.  Halos batakin na akong antok nang marinig ko ang kanyang uha napumunit sa katahimikan ng nahihimbing pang Kalye Dimapakali.  Ika‐3 ng Nobyembre 2018, sa wakas, isa na akong ganap na ama!.”

top related