impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika · (1) ang mga nagsasanay sa mga...
Post on 10-Sep-2019
24 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training
E Trabaho at Training
6 Ang Dayuhang Technical Intern Trainee, [Trainee]
Sa pagbago ng sistema ng mga dayuhang trainee noong Hulyo 1, 2010, at inumpisahan ang sistema para sa
Techical Intern Trainee. Kahit na parehong [Trainee] ang visa, ang mga gawaing pinapayagan bago at pagkatapos
inumpisahan ay lubusang naiiba. Dahil ang mga gawaing pinapayagan sa visang [Technical Intern Trainee] ay
tinanggal sa visang [Trainee], ang mga gawaing pinapayagan sa visang [Trainee] ay limitado na lamang sa halos
may kaugnayan sa pag-aaral sa paaralan.
Ang sistema ng Technical Intern Trainee ay itinatag upang makapagbigay ng kakayahang pang-teknolohiya na
kailangan ng industriya sa mga manggagawa sa dayuhang bansa sa pamamagitan ng pagsanay sa kanila sa
Japan sa isang nakatalagang panahon. Ito ay hindi isang programa upang magbigay ng trabahador. Ang
pangalan ng visa sa batas ng imigrasyon ay [Technical Intern Trainee].
Ang nahahawig na visang [Trainee] naman, hindi pinapayagan ang matuto sa pamamagitan ng pagsagawa ng
trabaho at pinapayagan na lamang sa mga proyektong sinasagawa ng mga local na pamahalaan, atbp.
Ang sumusunod ay ang buod ng sistema ng Tehnical Intern Trainee
May dalawang uri ng dayuhang Technical Intern trainee batay sa institusyong kanilang pupuntahan.
(1) Ang mga nagsasanay sa mga kompanya: Mga kompanyang Hapon (mga organisasyong nagbibigay ng
pagsasanay) na tumatanggap at nagbibigay ng pagsasanay sa kakayahang pang-teknolohiya sa mga
empleyado ng mga kompanya, mga kompanyang may kaugnayan o kasosyong kompanya sa ibang bansa
(2) Mga nagsasanay sa mga organisasyong namamahala: Mga organisasyong hindi kumikita tulad ng Chamber of
Commerce and Industry o mga maliliit na samahan ng mga kumpanya (mga organisasyong namamahala) na
tumatanggap ng Technical Intern Trainees na sinasanay sa kanilang mga miyembrong kompanya (mga
organisasyong nagbibigay ng pagsasanay).
Maliban dito, batay sa uri ng gawaing ginagawa ng mga nagsasanay, ang dalawang uring ito maaaring ihiwalay sa
mga nagsasanay sa unang taon at mga nagsasanay sa ika-2 at ika-3 taon. Ang uri ng Technical Intern Trainee
visa ay nahihiwalay sa apat na kategoryang ito.
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training
E Trabaho at Training
Unang Taon mula pagpasok sa Japan Ika-2 at ika-3 taon mula pagpasok sa Japan
Nagsasanay sa
kompanya
Uri ng visa
[Technical Intern Trainee No. 1a]
Uri ng visa
[Technical Intern Trainee N0. 2a]
Nagsasanay sa
organisasyong
namamahala
Uri ng visa
[Technical Intern Trainee No. 1b]
Uri ng visa
[Technical Intern Trainee No. 2b]
Ayon sa Japan International Training Cooperation Organization (JITCO), na isang organisasyong
pangkawanggawa na nasa ilalim ng 5 ministrong Ministry of Justice, Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Health,
Labor and Welfare, Ministry of Economy, Trade and Industry at Ministry of Land, Infrastructure and Transportation,
ang mga gawain pinapahintulitan sa [Technical Intern Trainee No. 1b] ay ang pag-aaral sa mga organisasyong
namamahala upang makakuha ng kaalaman at ang pagsasanay na may kasunduang pang-trabaho sa mga
nagsasanay na mga kompanyang tumutugon sa sumusunod na mga batayan.
6-1 Mga batayan sa mga organisasyong maaaring tumanggap ng Technical Intern Trainee
Ang mga tumatanggap ng mga organisasyon ay kailangang tumugon sa mga sumusunod.
Mga kailangang batayan para sa mga namamahalang organisasyon.
(1) Ang pagsasanay ay isasagawa pagkatapos makatanggap ng pera, suporta at tagubilin mula sa pambansa o
local na pamahalaan, atbp.
(2) Magsasagawa ng pinansyal na pagsusuri ang isang direktor ng namamahalang organisasyon minsan o higit
pa tuwing 3 buwan.
(3) Dapat may nakalaang programa pangsangguni para sa mga Technical Intern Trainees.
(4) Dapat may nakahandang plano sa pagsasanay para sa mga Technical Intern Trainee No.1.
(5) Sa panahon ng pagsasanay, dapat nagtuturo minsan o higit pa buwan-buwan ang isang tauhan na mataas
ang katayuan sa namamahalang organisasyon sa Technical Intern Trainee No. 1.
(6) Uumpisahan agad ang pag-aaral sa sumusunod na mga aralin (sa silid-aralan o sa trabaho) ng mga
Technical Intern Trainees pagdating nila sa Japan sa loob ng 1/6 o higit pa ng panahon ng kanilang panatili
dito para sa Technical Intern Trainee No. 1b (o sa loob ng 1/12 o higit pa ng panahon ng kanilang pananatili
rito kung sila ay nakapag-aral na ng mahigit 1 buwan o 160 oras bago dumating dito).
a. Wikang Hapon
b. Kaalaman sa araw-araw na pamumuhay sa Japan
c. Kailangang impormasyon upang legal na mapapangalagaan ang Technical Intern Trainees tulad ng
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training
E Trabaho at Training
kaalaman sa batas ng imigrasyon, batas ng manggagawa, atbp.
d. Kailangang kaalaman upang mahusay na makakuha ng kakayahan, atbp.
Kailangan din na ang pagtuturo tungkol sa (s) ay isasagawa ng taong may dalubhasang kaalaman.
(7) Other required conditions include: clearly specifying supervision expenses, response for when technical intern
training cannot be continued, the provision of return travel expenses and of accommodation for Technical
Intern Trainees, safeguard measures such as workers’ accident insurance, etc. and determining the reasons
for the disqualification of directors, etc.
Mga kailangang batayan para sa mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay.
(1) Magtakda ng mga guro upang magsanay sa mga technical interns at mga tagapayo sa pang-araw-araw na
buhay.
(2) Maggawa ng tala ng pagsasanay na isinagawa at itago ito ng isang taon o higit pa.
(3) Magbayad sa mga technical intern trainees ng tulad o higit pa sa sahod na ibinibigay sa mga Hapong
empleyado.
(4) Ang iba pang kailangang mga kondisyon ay ang paghanda ng matitirahan ng mga technical intern trainees
habang sila ay naririto, mga hakbang upang sila ay mapangalagaan tulad ng insurance para sa aksidente
pangtrabaho, atbp, at ang pagtiyak ng dahilan kapag may direktor na matatanggal.
top related