isang punungkahoy ni jose corazon de jesus

Post on 26-May-2015

4.438 Views

Category:

Education

12 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

ISANG PUNUNGKAHOYni Jose Corazon de Jesus

Iniulat ni Stephanie Ann S. Lagarto

Page 2

Talambuhay ng May-Akda

Page 3

Jose Corazon de Jesus (1894-1932)

• Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de Jesus

Mga Palayaw•Pepito Matimtiman •Huseng Batute•Huseng Katuwa •Anastacio Salagubang•Sundalong Lasing •Viterbi•Paruparong Asul •Bayaning May Sugat

Page 4

Page 5

• Ipinanganak noong Nobyembre 22, 1894 sa Sta. Cruz, Maynila.•Pangalawa sa tatlong anak nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan.•Lumaki sa Sta. Maria, Bulakan at nagtapos ng kayskul sa Liceo de Manila, at kumuha ng abogasya sa Escuela de Derecho.•Nag-aral din siya ng humanidades, operang Italyano, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas.

Page 6

Hindi ipinagpatuloy ni JCDJ ang pag-aabogasya at sa halip ay naging isang mamamahayag.1920- nagsulat siya sa mga kolum na “Buhay Maynila” at “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” para sa Taliba. 1922- “Mga Butlig ng Panahon”, naman para sa Liwayway.

Page 7

Mga Tula sa Taliba•Ang Mithi•Bagong Lipang

Kalabaw•Sampaguita

Page 8

“Hari ng Balagtasan,” matapos manalo sa laban sa kanyang pangunahing katunggali na si Florentino T. Collantes.

Instituto de Mujeres sa Tondo, Maynila noong 28 Marso 1924 – naganap ang kanilang pagtutunggali sa pagtitipon ng mga manunulat.

Page 9

Kaarawan ng Makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa 2 Abril 1924 – paksa ng pagtitipon

Rosa Sevilla – namuno sa pagtitipon

Paruparo at Bubuyog, Bakal at Ginto, at Dalaga Kahapon at Dalaga Ngayon – paksa ng debate

Page 10

Mga Akda

Mga Tula

•Ang Manok Kong Bulik (1919)

•Ang Pagbabalik (19240

•Ang Pamana (1925)

•Pag-ibig (1926)

•Sa Dakong Silangan (1928)

•Manggagawa (1929)

•Isang Punungkahoy (1932)

Page 11

Mga AwitBayan Ko •Maawa KaUna Kong Pag-ibig•Masayang DalagaBakit Ka Lumuluha •Ang Lambing MoPusong Wasak •KalayaanLuha ni Juan de la Cruz •PakiusapPananalig sa PilipinasArimundingmundingKundiman ng Luha

Mga Parangal•Hari ng Balagtasan (1920)

•Patnubay ng Sining at Kalinangan (posthumous) mula sa Lungsod ng Maynila (1971) Page 12

Kamatayan Oriental Blood (pelikula) – Huseng

BatuteKasama ang mga batikang aktres

katulad nina Atang dela Rama at Carmen Rosales pati na rin ang sarili niyang anak na si Jose Corazon de Jesus Jr.

Page 13

•Nagkaroon ng ulcer si Batute habang ginagawa ang Oriental Blood at di naglaon ay namatay siya sa mga komplikasyon noong 26 Mayo 1932 at iniwan ang kanyang asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at tatlong anak na sina Teresa, Jose Jr., at Rogelio.

Page 14

Ibinigay ang puso ni de Jesus sa isang museong pampamahalaan kung saan ito pinriserba hanggang ito ay inilibing sa libingan ng ina ni de Jesus.

Ang katawan ng manunulat ay inilibing sa ilalim ng isang puno sa Sementeryo Norte sa Maynila, alinsunod sa kanyang mga tulang Isang Punungkahoy at Ang Akasya.

Page 15

ISANG PUNUNGKAHOY

Page 16

Kung tatanawin mo sa malayong pook,ako’y tila isang nakadipang kurus; sa napakatagal na pagkakaluhod, parang ang paa ng Diyos.

Page 17

Organo sa loob ng isang simbahanay nananalangin sa kapighatian, habang ang kandila ng sariling buhay magdamag na tanod sa aking libingan.

Page 18

Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na nagtutumangis; sa mga sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Page 19

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; at saka ang buwang tila nagdarasal, ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Page 20

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Page 21

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,natuyo, namatay sa sariling aliw.Naging kurus ako ng pagsuyong laing at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Page 22

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, panakip sa aking namumutlang mukha! Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

Page 23

At iyong isiping nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago’t malabay. Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan, dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

Page 24

MARAMING SALAMAT!!!!

Page 25

top related