k-12 aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks

Post on 21-Apr-2017

10.172 Views

Category:

Education

100 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Aralin 1Kahulugan at Pag-aaral ng EkonomiksInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

Handa Ka na Ba?Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng sabay-sabay ang mga sumusunod. Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli.

• Biglang umulan at nakasambay sa likod-bahay ang mga damit na iyong nilabhan.

• Naamoy mo na nasusunog ang sinaing.

• Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone.

• Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid.

Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili.

sitwason desisyon dahilan

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng labis na kapakinabangan.

Kahulugan ng Ekonomiks• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano

tutugunan ang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman.

• Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at pagtugon sa mga pangyayari o suliranin mula sa tinatawag na economist’s perspective.

• Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.

• Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.

Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay

walang katapusan.• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang

kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.• Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya

upang matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.

• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.

Mga Mahalagang Konsepto ng EkonomiksEfficiency• Masinop na pamamaraan ng paggamit sa

limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

• Pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks ang paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat bansa.

Mga Mahalagang Konsepto ng EkonomiksEquality• Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang

distribusyon ng pinagkukunang yaman.• Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay

nakabatay sa hirap at haba ng kanyang pagpapagod sa pagkamit nito.

Mga Mahalagang Konsepto ng EkonomiksSustainability• Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman para

tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at kagustuhan nang hindi nanganganip ang kakayahan ng susunod na henerasyon na tugunan ito.

Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan• Ang agham panlipunan ay isang sangay ng

kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran.

• Isang displina ng agham panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.

Ang Pamamaraang Siyentipiko

Paglalahad ng Suliranin

Pagbuo ng hinuha (Hypothesis)

Aktwal na pagpapatunay o pagsubok Pagbibigay ng

kongklusyon

PAGLALAPAT

Dibisyon ng Ekonomiks

• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon: maykroekonomiks at makroekonomiks.

Maykroekonomiks• Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw

at desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-unawa ng ekonomiya.

Makroekonomiks

• Ang makroekonomiks naman ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang antas ng presyo at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.

Paghahambing sa Dalawang Dibisyon ng Ekonomiks

Dibisyon ng Ekonomiks Produksyon Presyo Kita

Maykro-ekonimiks

Produksyon ng bawat industriya

Presyo ng bawat kalakal

Distribusyon ng kita ng bawat tao

Makro-ekonomiks

Pambansang Produksyon

Kabuuang lebel ng presyo

Pambansang kita

Bilang Pagtatapos…..• Ang pag-aaral ng ekonomiks ay

nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao.

• Mahalaga pa ba para sa mga kabataan ang

pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?

PAGPAPAHALAGA

References:• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para

sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at

Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

top related