kabanata 22

Post on 22-Jun-2015

11.831 Views

Category:

Documents

22 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Jovii ? =))))

TRANSCRIPT

Kabanata 22Ang Pagtatanghal

Pagbabalik Aral

Sa Kabanata 21• Ipinalabas ang Les Cloches de Corneville na pinamunuan ni Mr.

Jouy.

• May mga sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon sa palabas.

• Napansin ni Camaroncocido ang mga kilos at pagdating ng mga taong naghuhudyatan sa dilim na noon lamang niya nakita sa Maynila.

• Doo’y narinig niya ang kanilang bulungan na may sariling utos ang Kapitan Heneral.

Ang Mga Tauhan

Ang Mga Tauhan• Ben-Zayb• Macaraig• Sandoval• Isagani• Pecson• Juanito Pelaez• Tadeo• Paulita Gomez• Padre Irene• Pepay

• Don Custodio• Donya Victorina• Kapitan Heneral• Serpolette/Lily• Gertrude• Germaine• Gaspard• Grenicheux

Talasalitaan

Talasalitaan• Tabing - Kurtina

• Butaka - Upuang may patungan ng braso; pang-ibabang mga hanay ng upuan sa teatro o tanghalan.

• Cancan - A rollicking French dance.

• Ayuntamiento - Pamahalaang lungsod.

• Entrada General - Teatro.

Talasalitaan• Palko - Upuan sa dakong itaas ng likuran ng tetro.

• Masigabo - Mainit na pagtanggap o palakpakan.

• Pinagkuskos - Pinagkiskis.

• Servantes - Servants o tagapaglingkod.

• Dometiques - Domestic o pantahanan.

Ang Buod ng

Kabanata 22

• Ang teatro ay masiglang-masigla at punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan.

• Ikawalo’t kalahati ang takdang pagsisimula ng palabas. Hindi makapagsimula sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral.

• Ang mga artilyerong maiingay ay tinawag ni Ben-Zayb na kaagaw ni Marte.

Buod

• Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: Ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makita ang palabas.

• Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay uupuan ng Kapitan Heneral.

• Umupo sa butaka at ayaw tumindig ang isang ginoo. Si Don Primitivo ang may-ari ng upuan kinauupuan nito.

Buod

• Tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang makita niya na ayaw tumindig nito. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.

• Habang nagaganap ito ay biglang tumugtog ang marchareal sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral.

• Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga estudyante ang kinauupuang palko nito.

Buod

• Si Pepay ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Si Pepay, noong hapong iyo’y sumulat sa kagalang-galang na tagapayo at naghihintay ng kasagutan.

• Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa Ayuntamiento.

• Si Macaraig ay makahulugang tumitingin kay Pepay, parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang sasabihin.

Buod

• Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko ay sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila.

• Si Pecson na naniniwalang walang mahihita sa kanilang nilakad, nang mga sandaling yaon ay nakalimot sa kaniyang paniniwala dahil sa nakikitang si Pepay ay nakangiti pang nagpapakita ng isang sulat.

• Si Isagani ay pangiti-ngiti lamang at malamig ang pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulita na kasama ni Juanito Pelaez at Donya Victorina.

Buod

• Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas.

• Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na makahulugang sumusulyap sa Kapitan Heneral.

• Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo.

Buod

• Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, at Gaspard.

• Si Padre Irene na lubhang maibigin sa musika at marunong magsalita ng Pranses ay pinaparoon ni Padre Salvi, wari’y pulis simbahan.

• Itinakbo ni Serpollete si Padre Irene.

• Ang masayang si Lily/Serpollete ay tuwang-tuwa na matagpuan sa Maynila ang isa niyang matandang kaibigan na nagpagunita sa kanya ng mga coulisses sa teatro ng Grand Opera.

Buod

• Si Padre Irene sa pagkakatong ito’y tumupad sa kanyang dalawang tungkulin, ang tungkuling pangkaibigan at tungkulin bilang tagasuri ng palabas.

• Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan.

• Nagkunwaring marunong ng Pranses si Sandoval at naging tagasalin ng kanyang mga kaibigan.

Buod

• Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Donya Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at maginoo.

• Si Ben-Zayb ay manunuligsa ng El Grito de la Integridad at ang kanyang anyong mapagwalang bahala ay nagbibigay sa kanya ng katangiang sa mata ng mga kasiyahan sa pinapanood ngunit upang masabing mabuting manunuligsa ay walang mabuting paraan kundi pintasan ang lahat.

“Walang boses kahit iyang si Sarpollete, at si Germaine ay hindi kaakit-akit kumilos, hindi iyan musika, arte o anumang bagay.“- Ben-Zayb

Buod

• Si Donya Victorina na hangang-hanga kay Juanito ay naisip na kung sakaling mamatay ang asawang si Don Tiburcio ay pakakasal si Paulita kay Juanito.

• Napawi ang ang kasiyahan ng babaeng (nag-akalang siya ang huling dumating ) ng makita ang isang palkong walang tao. Ang palkong iyon ay kay Simoun.

• Dumating si Macaraig na malungkot at mapait ang ngiti. Dala ni Macaraig ang isang liham na agad namang ibinigay kay Sandoval. Binasa ito ni Sandoval. Ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan.

Buod

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas?

• Sapagkat hindi siya nakakaunawa ng Pranses.

Mga Tanong at Sagot

Mga Tanong at Sagot2. Bakit masaya si Pepay gayong hindi naman pala maganda ang

kanyang balita para kina Makaraig ?

• Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na pagsang-ayon sa paaralan kayat ikatutuwa nina Makaraig.

3. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan?

• Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga Dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantala ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga Dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan?

Mga Tanong at Sagot

4. Bakit naantala ang pagsisimula ng palabas ?

• Sapagkat hinintay ang pagdating ng Kapitan Heneral.

Mga Tanong at Sagot

5. Ang tinawag na tisiko ng isang manonood ay si ?

• Si Juanito Pelaez.

Mga Tanong at Sagot

top related