kagawaran ng edukasyon araling panlipunan 2
Post on 04-Oct-2021
14 Views
Preview:
TRANSCRIPT
1
Kagawaran ng Edukasyon
Araling
Panlipunan 2 Mga Sagisag sa Aking
Komunidad Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Emily M. Lapuz
Manunulat
Annie D. Pesito
Tagasuri
Eustaquio C. Escario
Mark Joseph C. Fernandez
Dr. Zoren Pepito L. Gubalane
Katibayan ng Kalidad
2
Sa nakaraang aralin ay nalaman mo ang mga
pagbabagong naganap sa iyong komunidad sa
pamamagitan ng pagsasaliksik. Sa modyul na ito ay ating
tatalakayin ang mga sagisag na matatagpuan sa ating
komunidad upang makilala natin ito ng husto.
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Maisa – isa ang mga sagisag na matatagpuan sa
komunidad;
2. Maiugnay ang mga sagisag na matatagpuan sa
komunidad sa kasaysayan nito; at
3. Mapahalagahan ang mga sagisag na
matatagpuan sa komunidad.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
______1. Ito ang pinakamaliit na likas na lawa ng
bansa.
A. Jamboree Lake C. Lawa ng Muntinlupa
B. Lawa ng Laguna D. Sunshine Lake
_______2. Sa barangay na ito matatagpuan ang
Biological Production Service o BPS na itinayo
noong 1924.
A. Alabang B. Bayanan C. Poblacion D. Sucat
3
_______3. Dito naganap ang pagbaril sa ating bayaning
si Dr. Jose P. Rizal noong Disyembre 30, 1896.
A. Bagumbayan C. Mactan
B. Malabon D. Poblacion
_______4. Ito ang sinisimbolo ng Magellan’s Cross na matatagpuan sa lungsod ng Cebu.
A. Katolisismo C. Magandang imahe
B. Katapangan D. Pagsusumikap ng Pilipino
_______5. Bakit kailangan mong malaman ang mga sagisag ng iyong komunidad?
A. Pinag – isipang mabuti ang disenyo.
B. Dahil ito ay pinaghirapan ng aming pinuno.
C. Dahil ito ang nais ng aking guro na pag - aralan.
D. Sapagkat ito ang nagpapakilala sa aking
komunidad.
Bago ka magpatuloy sa bagong
aralin, atin munang balikan ang iyong
napag- aralan. Handa ka na ba?
4
Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang
talahanayan sa ibaba.
Mga Pagbabago sa Aking Komunidad.
NOON NGAYON
Transportasyon Hal. Kalesa Hal. Bus
Tirahan
Kagamitan
Hanapbuhay
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Lagyan
ng tsek ang loob ng kahon ng mga lugar na iyong
napuntahan na.
Mga Katanungan:
1. Ano – ano ang mga lugar na iyong napasyalan?
____________________________________________
5
2. Ano ang iyong naging damdamin sa iyong
napuntahan?
_______________________________________________
3. Bakit kaya kailangan nating makilala ang mga lugar
na ito?
________________________________________________
Aralin 1: Mga Pambansang Sagisag ng Komunidad
Liwasang Rizal o Parkeng Rizal
Ito ay matatagpuan sa lungsod
ng Maynila na dating tinawag na
Bagumbayan sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Dito
naganap ang pagbaril sa ating
pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal noong Disyembre 30, 1896.
Ang nasa larawan ay ang
tinatawag na Magellan’s Cross na
sumisimbolo sa Katolisismo na
ipinakilala ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Makikita ito sa lungsod ng
Cebu.
Matatagpuan ang Bantayog ni Lapu
Lapu sa Mactan, Cebu. Si Lapu-
Lapu ang itinuturing na kauna –
unahang bayaning nagtanggol sa
kalayaan ng ating lahi. Pinamunuan
niya ang pangkat na lumaban at
nakapatay kay Ferdinand Magellan
at sa mga kasamahan nito. (Pinagkunan: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2/Phoenix Publishing House pahina:162)
Liwasang Rizal sa
Lungsod ng Maynila Pinagkunan: ht t ps ://t inyurl.com/y588bz9l
Pet sa June 13, 2020
Pinagkunan: https://tinyurl.com/y4pohy9w June 13, 2020
Magellan’s Cross sa Lungsod ng Cebu. Pinagkunan: https://tinyurl.com/y4utyvgy Petsa June 13, 2020
6
Mga Istruktura na Matatagpuan sa Lungsod ng
Muntinlupa
Nakapaglakbay ka na ba sa ating mahal na
lungsod? Alam mo ba na marami kang makikitang mga
sagisag sa ating lungsod na may kinalaman sa ating
kasaysayan? Tara nang mamasyal at alamin ang mga
ito.
Matatagpuan sa Barangay Alabang ang Biological
Production Service o BPS. Itinayo noong 1924 at nagsilbing
pangunahing vaccine at serum research ng Department
of Health sa loob ng 20th century. Ang estatwa ng
babaeng nakahubad na nakatapak sa bungo ay isang
replika ng clay sculpture na The Triumph of Science Over
Death ng ating pambansang bayani na si Gat.Jose P. Rizal.
Ang nakatayong replika ay inukit ni Dr. Genaro Sy-
Changco.
Marami ring mga likhang sining ang
umusbong sa New Bilibid Prison (NBP)
Compound. Isa na rito ang inukit na
mukha ng dating director ng bilangguan
na si Eriberto B. Misa Sr. Isa siya sa Pinagkunan:
https://ingress-intel.com/portal/maj-
eriberto-misa-sr-head June 13, 2020
Gusali ng Biological Production Service
noon Gusali ng Biological Production Service
ngayon
Pinagkunan:https://tinyurl.com/yykhvzp
June 13, 2020
Pinagkunan: https://tinyurl.com/y46nzmlz June 13, 2020
7
pinakamatagal na director na nagsilbi sa naturang
bilangguan kaya inialay ito para kanya. Ang mukha ay
inukit sa may paanan ng isang malaki at mabatong
bundok. Samantala sa kabilang kalsada, matatagpuan
ang ilang inukit na larawan tulad ng kalabaw, sirena at
isang batang lalaki na tila isang magsasaka.
Ang Nuestra Señora de
Samparados o mas kilala sa
tawag na Our Lady of the
Abandoned ay idineklarang
patron ng Muntinlupa noong
Hunyo 3, 2013.
Japanese Garden Cemetery
(Himlayang Halamanan ng mga Hapon)
ay matatagpuan sa loob ng
N.B.P. Reservation, barangay
Poblacion. Ito ay isang
himlayan na inialay para sa
mga sundalong Hapon na
namatay sa lungsod noong
panahon ng digmaan. Dito
nakahimlay ang alamat na si Heneral Tomoyuki
Yamashita.
Director's Quarters (Tahanan ng
Direktor) - Ito ang 'opisyal' na
tahanan ng tagapangasiwa ng
Bilibid na itinayo kasabay ng
gusaling pangasiwaan noong
1941. Mamamalas sa mahusay na
Our Lady of the Abandoned Church
Pinagkunan: ht t ps://t inyurl.com/y4pohy9w June 13, 2020
Himlayang Halamanan ng mga Hapon
Pinagkunan: https://tinyurl.com/y4pohy9w June 13, 2020
Director's Quarters Pinagkunan: https://tinyur l.com/y33qha3z June 13, 2020
8
pagkakagawa nito ang ambag ng arkitektura bago
magkaroon ng digmaan at siyang nagbibigay-
katangian sa malaking gusaling ito.
Bureau of Corrections
Administration Building (Gusaling
Pangasiwaan ng Kawanihan ng
mga Bilangguan) - Ito ang
harapang gusali ng bilangguan na
itinayo noong 1941 at nagsisilbing
pangasiwaang tanggapan. Ito rin
ang nakilalang Bilibid sa 'telebisyon' at 'pelikula'
bagama't sa kanlurang bahagi ng gusaling ito
matatagpuan ang pinakamahigpit na piitan na binubuo
ng 12 gusali na kung tawagin ay mga brigada.
Memorial Hill - Isa itong maliit na burol
sa loob ng 'reserbasyong' Bilibid na
kung saan matatagpuan ang isang
lumang 'kanyon' na ginamit noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito
rin nakalibing ang tanyag na
Tagapangasiwa ng Bilangguan
noong1937 hanggang 1949 na si
Eriberto B. Misa Sr.
Lawa ng Jamboree - Ito ang
pinakamaliit na likas na lawa
ng bansa. Nagsisilbing
pasyalan ito ng mga taong
nais magpahinga at
magmasid sa kalikasan.
Pinagkunan: https://tinyurl.com/y3afq3vo
June 13, 2020
Pinagkunan:
https://tinyurl.com/y33qha3z June 13, 2020
Pinagkunan: w w w .munt inlupacit y.gov.ph
9
Gawain: Aha! Alam ko na!
1.
2.
3.
________________________________________________
_________________
Isulat sa loob ng kahon ang mga
impormasyong iyong natutunan sa
mga sumusunod na sagisag sa
Lungsod ng Muntinlupa.
_______________________________________________
_________________________________________________________________
10
Ang sagisag ay isang simbolo na matatagpuan
sa ating komunidad na may kaakibat na
kahulugan.
Maaaring ito ay pananda, rebulto, mga larawan
o mga istruktura sa komunidad.
Lubos nating makikilala ang ating komunidad
gamit ang mga sagisag na may kaugnayan sa
kasaysayan.
4.
Magtanong sa mga nakakatandang kasama sa
tahanan tungkol sa mga sagisag at kahulugan nito
na matatagpuan sa inyong barangay. Isulat ang
iyong sagot sa papel.
______________________________________________
11
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa
ibaba. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
______1. Ito ang 'opisyal' na tahanan ng tagapangasiwa
ng Bilibid na itinayong kasabay ng gusaling
pangasiwaan noong 1941.
______2. Ito ang pinakamaliit na likas na lawa ng
bansa.
______3. Dito matatagpuan ang isang lumang 'kanyon'
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mga Pamantayan Laang
Puntos
Aking
Puntos
1. Kumpleto ang mga naisulat na
impormasyon tungkol sa sagisag na
matatagpuan sa komunidad
5
2. Wasto ang mga impormasyong
isinulat.
5
3. Naibahagi ang mga impormasyon ng
maliwanag.
5
Kabuuang puntos 15
5 – napakahusay 2 – di gaanong mahusay
4 – mahusay 1 – sadyang di - mahusay
3 – katamtamang mahusay
A. Memorial Hill
B. Japanese Garden Cemetery
C. Lawa ng Jamboree
D. Our Lady of the Abandoned
E. Tahanan ng Direktor
12
Pangwakas na Pagsusulit
1.E
2.C
3.A
4.B
5.D
Unang Pagsubok
1.A
2.A
3.A
4.A
5.D
______4. Ito ay isang himlayan na inialay para sa mga
sundalong Hapon na namatay sa lungsod ng
Muntinlupa noong panahon ng digmaan.
______5. Idineklarang patron ng Muntinlupa noong
Hunyo 3, 2013.
Sanggunian:
Mga Pinagkunan ng Impormasyon.
https://web.facebook.com/poblacion.muntinlupa/posts/150490288483025/?_rdc=1&
_rdr (June 13, 2020)
https://www.realliving.com.ph/lifestyle/arts-culture/this-94-year-old-art-deco-building-
is-now-part-of-a-mall-a1565-20180624 (June 13, 2020)
yanyan komiks centennial edition
Kasaysayan ng Muntinlupa ni Dr. Ma. Luisa C. Camagay
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2/Phoenix Publishing House pahina:162
Tourism City of Muntinlupa https://www.muntinlupacity.gov.ph/
Mga Larawan:
https://tinyurl.com/y588bz9l Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/y4utyvgy Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/y4pohy9w Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/yxfm4hou Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/y46nzmlz Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/yykhvzpw Dated June 13, 2020
https://ingress-intel.com/portal/maj-eriberto-misa-sr-head
https://tinyurl.com/y4pohy9w Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/y33qha3z Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/y3afq3vo Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/y33qha3z Dated June 13, 2020
https://tinyurl.com/y44co9tu Dated June 13, 2020
Susi sa Pagwawasto
top related