kay-ndy magazine

Post on 23-Mar-2016

225 Views

Category:

Documents

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Sawikaan Project by Ma'am Kay's Psych145 WFU 1st sem, 2011-2012 class.

TRANSCRIPT

WFUmedia October 2011 Vol. 1

Sa totoo lamang, hindi ko talaga alam kung bakit ako ang naging punong patnugot. Wala akong kamuwang-muwang sa kung anu-ano ang mga katungkulan ng aking posisyon. Marahil, ito ang kauna-unahang pagkakataon na pamumunuan ko ang ganitong uri ng proyektong pangklase. Masaya ang trabahong ito. Noong mga unang araw ng pagbubuo ng kosepto, nandoon lamang ako sa harap ng pisara, parang gurong naghahagilap ng impormasyon mula sa klase. Ngunit, napagisip-isip ko, “Ito lang ba ang trabaho ko? Seryoso?”  Nagsisisi ako’t binati ko pa kasi. Sa mga huling araw ko lamang nalaman na ito na pala ang isa sa mga gawain ng isang punong patnugot – ang ipaliwanag ang nilalaman ng magasin.

Ano nga ba ang pakay ng magasin na ‘to? Nais lamang namin ibahagi sa inyong mga mambabasa ang iilang mga bagong salitang nararamdaman naming nakapagdulot ng malaking epekto so wikang Filipino ngayong taong 2011. Sa madaling salita, nais naming ibahagi ang mga salitang maaaring maging kandidato sa SAWIKAAN 2011: Mga Salita ng Taon. Ano nga ba itong SAWIKAAN?  Ayon sa Sawikaan.net, “Ito ay isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan ng nakalipas na taon.” Itinaguyod ito ng Filipinas Institute of Translation o FIT noong Pebrero  2004. Noong Agosto 17, 2004, ginanap ang kauna-unahang Salita ng Taon. Magmula noon, taon-taon itong ipinagdiriwang hanggang sa taong 2007. Dahil sa kawalan ng namumukod-tanging salita, naudlot ng dalawang taon ang SAWIKAAN at ipinagpatuloy na lamang muli noong nakaraang taon.

Ang tanong, “Mauudlot kaya muli ang SAWIKAAN dahil sa kawalan ng bukod-tanging mga salita?” Sana, sa aming pagkalap ng mga salitang pakiramdam naming maaaring maging  kandidato sa SAWIKAAN 2011 ay maipakita namin na karaptdapat lang na ipagpatuloy ang SAWIKAAN ngayong taon. Kung inyong babasahin ang nabuo naming listahan ng mga salita, matutunghayan niyo ang husay at yaman sa paghubog ng mga bagong salita sa ating wika. Tunay na malikhain talaga ang mga Pilipino sa paggawa ng pa-usong mga salita tulad na lamang ng, “unli,” “Ondoy,” “Ampatuan,” at ang “jejemon.” Sana ngayong taon, makakita pa tayo ng mga bagong salitang nakapupukaw sa damdamin at isipan ng bawat Pilipino na kapag binanggit ay alam na, na tatak Pinoy nga ito.

Paano ba malalaman kung karaptdapat nga maging kandidato ang isang salita? Ayon sa mga patakaran ng  SAWI-KAAN, maaari lamang kilalanin na salita ng taon ang isang salita kung ito ay, bagong imbento, bagong hiram sa katutubo o banyagang wika, luma ngunit may bagong kahulugan, at patay na salitang muling binuhay.

Ngayon na’t alam niyo na ang nilalaman ng aming munting magasin, ako’y lubos na nagpapasalamt  sa inyong pagbabasa nitong maikling panimula at siyempre, ang KAY-NDY magasin! Salamat sa aming tagapayo at guro na si Bb. Krupskaya “Kay” Anonuevo sa walang humpay na pagtuturo at pagsuporta sa amin. Walang KAY-NDY magasin kung walang KAY.  Sana matuwa at ma-engganyo kayo sa pagbabasa tulad na lang namin, noong ito’y linilikha. Kayo na ang bahalang maghusga kung ang mga salita ngang ito ay karapatdapat maging Salita ng Taon!

Pietro LazatinPunong Patnugot

Luisa Lioanag Paola Ceriola Ayesha VolpaneLayout Editor Sports & Enterainment Sec. Editor Gossip & Advice Sec. Editor

Editorial

Fea

ture

s

Features

Word 1

Word 2

Word 3

Sports & Entertainment

Word 4

Word 5

KAWNA

Word 7

Word 8

Food

Ansaveh?!

Chos!

GOSSIP

Gossip

Word 9

Word 10

Yes teh.

Word 11

SAWIKAAN 2011

KAY-NDY

G! BETCHECKTAMBLING KAWNA SAMPLEPLANKINGSABAWCHOS ANSAVEH TEH

top related