kompan 1st long test

Post on 21-Jan-2018

344 Views

Category:

Education

41 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA AT

KULTURANG FILIPINO

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT

I. Maramihang Pagpili. Isulat ang titik ng tamang salitang makabubuo sa mga sumusunod na pahayag.

1. Ang salitang Ingles na language ay galing sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay _______.

a. dila c. tunog

b. bibig d. salita

2. _______ ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensiyong heograpiko.

a. Dayalek c. Rehistro

b. Sosyolek d. Idyolek

3. Ang _______ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba't ibang wika.

a. monolingguwalismo

b. bilingguwalismo

c. multilingguwalismo

d. wala sa pagpipilian

4. _______ naman ang tawag sa barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.

a. Dayalek c. Rehistro

b. Sosyolek d. Idyolek

5. Ang _______ ay tinatawag ding katutubong wika o mother tongue.

a. unang wika c. wikang pambansa

b. ikalawang wika d. dayalek

6. _______ ang dayalek na personal sa isang ispiker.

a. Dayalek c. Rehistro

b. Sosyolek d. Idyolek

7. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _______.

a. pinipili c. dinamiko

b. isinasaayos d. kagila-gilalas

8. _______ ang barayti ng wika na ginagamit base sa propesyon o larangang kinabibilangan ng isang tao.

a. Dayalek c. Rehistrob. Sosyolek d. Idyolek

9. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay _______.

a. Tagalog c. Filipinob. Pilipino d. Ingles

10. Kung ang _______ ang nagiging dahilan upang mapagbuklod-buklod ang mga tao, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan.

a. komunikasyon c. kilosb. wika d. kultura

II. Paghahanay: Hanapin sa Hanay B ang taon kung kailan naganap ang mga pangyayaring nakasaad sa Hanay A.

1. Sinakop ng Amerika ang kalakhang Maynila2. Ipinahayag ni Manuel L. Quezon na “Tagalog” ang wikang pambansa3. Dumating ang pinakamalaking pangkat ng guro sa Pilipinas lulan ng isang barko

HANAY A

4. Ginawang isang pang-akademikong asignatura ang wikang Tagalog5. Iniutos ng Kalihim ng Pampublikong Instruksyon na gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo6. Iniutos na tanging wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko

7. Ipinatupad ang Unang Multilingguwalismo8. Ipinatupad ang Ikatlong Bilingguwalismo9. Ipinatupad ang Ikatlong Multilingguwalismo10. Pinalitan ang pangalang Tagalog ng pangalang Pilipino

III. PagtukoyA. Tukuyin ang hinihingi ng bawat tanong.

1. Ito ay binubuo ng mga biswal na larawan , guhit, o hugis na

kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.

2. Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag, paghahatid, o

pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.

3. Ito ay kategorya ng wika na kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan,

bansa, o isang lugar.

4. Ito ay isang konseptong nangangahulugang “una ang

bigkas bago ang sulat.”

5. Ito ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o

kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay sa kahulugang nais

ipabatid ng tao.

6. Ito ay antas ng komunikasyon na nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa

pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagninilay-nilay.

7. Siya ang pangunahing tagapagsulong ng pagtuturo

ng mother tongue sa komunikatibong klasrum.

8. Ito ang tawag sa taong nakapagsasalita ng iba't

ibang wika.

9. Ito ay kategorya ng wika na madalas gamitin sa pang-

araw-araw na pakikipagtalastasan.

10. Siya ang bumuo ng konsepto na

nangangahulugang “una ang bigkas bago ang sulat.”

B. Tukuyin ang antas ng wika ng mga sinalungguhitang salita sa loob ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng iyong sagot.

a. pambansab. pampanitikanc. panlalawigand. balbale. kolokyal

1. Pinarangalan kagabi ang mga ulirang ilaw ng tahanan.

2. Halina kayo dine.

3. Panatilihin natin ang kapayapaan sa buong daigdig.

4. Ang wikang ito ay para sa'kin at para sa'yo.

5. Super sa ganda ang mga chikababes sa NTC.

C. Tukuyin kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod na pahayag/salita. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a. Sosyolekb. Idyolekc. Diyalektod. Rehistro

1. Pagkaganda pala ng anak ng mag-asawang are, ah!

2. Ryan Bang: I lilly lilly like it!

3. What's up yo? Break it down.

4. checkup, therapy, diagnosis

5. Pagkatagal mo, ga.

IV. Isulat ang nilalaman ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon

1987. (5 points)

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,

ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na

mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

top related