l’enfant-âne batang asno - storybooks canada...nagsimulang mag-away ang lahat, “sinabi nating...

Post on 26-Dec-2019

1 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Batang AsnoBatang Asno

L’enfant-âneL’enfant-âne

Lindiwe Matshikiza Meghan Judge Karla Comanda Tagalog / French Level 3

Isang batang babae ang unang nakakitang kakaibang hugis mula sa malayo.

•••

Une petite fille fut la première à voir laforme mystérieuse au loin.

2

Habang papalapit nang papalapit anghugis, nakita niyang isa itong babaengnagdadalang-tao.

•••

Tandis que la forme se rapprocha, lapetite fille vit que c’était une femmeenceinte de plusieurs mois.

3

Mahiyain pero matapang, lumapit angbatang babae sa babaeng nagdadalang-tao. “Kailangan natin siyang panatilihindito,” napagdesisyunan ng mgakababayan ng batang babae. “Aalagaannatin ang ina at anak.”

•••

Timide mais brave, la petite fille serapprocha de la femme. « Nous devons lagarder avec nous, » le peuple de la petitefille dit. « Nous la garderons en sécurité,ainsi que son enfant. »

4

Sa madaling panahon ay lumabas din angbata. “Tulak pa!” “Kumot!” “Tubig!”“Kaunti na laaaaannnnnggg!”

•••

L’enfant arriva bientôt. « Pousse ! » «Apportez des couvertures ! » « De l’eau ! »« Pouuusseeee ! »

5

Ngunit nasindak ang lahat nang lumabasang sanggol. “Isang asno?!”

•••

Mais quand ils virent le bébé, tous firentun saut en arrière. « Un âne ?! »

6

Nagsimulang mag-away ang lahat, “Sinabinating aalagaan natin ang ang ina at anak,at iyon ang gagawin natin,” sabi ng iba.“Pero magdadala ito ng kamalasan saatin!” sabi ng iba.

•••

Tout le monde commença à se disputer. «Nous avions dit que nous garderionsmère et enfant en sécurité et c’est ce quenous ferons, » quelques-uns ont dit. «Mais ils vont nous porter malchance ! »ont dit d’autres.

7

At muli ay mag-isa na naman ang babae.Inisip niya kung ano ang gagawin sakanyang bardagol na anak. Inisip niyakung ano ang gagawin sa sarili niya.

•••

Ainsi, la femme se retrouva seule encoreune fois. Elle se demanda quoi faire aveccet enfant malcommode. Elle se demandaquoi faire avec elle-même.

8

Pero sa huli ay tinanggap niya na anakniya ang asno at siya ang ina nito.

•••

Mais elle dut finalement accepter qu’ilétait son enfant et qu’elle était sa mère.

9

Ngayon, kung hindi nagbago ang batangito at nanatiling maliit, marahil ay iba anglahat. Pero lumaki nang lumaki angbatang asno hanggang sa hindi na itomakarga sa likod ng kanyang ina. At kahitanong gawin niya, hindi nito kayangmagpakatao. Madalas ay nararamdamanng kanyang ina ang kapaguran atpagkabigo. Minsan ay pinagagawa niyarito ang mga gawaing pang-hayop.

•••

Maintenant, si l’enfant était resté petittout aurait été différent. Mais l’enfant-ânegrandit et grandit jusqu’à ce qu’il nepuisse plus être porté sur le dos de samère. Et malgré ses plus grands efforts, ilne pouvait pas se comporter comme unêtre humain. Sa mère était très souventfatiguée et frustrée. Parfois elle l’obligeait

10

à faire du travail destiné aux animaux.

11

Unti-unting umiral ang pagkalito at galitkay Asno. Hindi siya puwedeng gumawang ganito at ganyan. Hindi siya puwedengmaging ganito at ganyan. Isang araw,tinadyakan niya ang kanyang ina sasobrang galit.

•••

La confusion et la colère s’accumulèrent àl’intérieur d’Âne. Il ne pouvait pas fairececi et il ne pouvait pas faire cela. Il nepouvait pas être comme ceci et il nepouvait pas être comme cela. Il devinttellement fâché qu’un jour il botta samère par terre.

12

Nakaramdam ng pagkahiya si Asno.Tumakbo siya ng napakabilis paratumakas.

•••

Âne fut rempli de honte. Il commença à sesauver aussi vite et aussi loin qu’il pouvait.

13

Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo, atnawala siya. “Hi haw?” bulong niya sakadiliman. “Hi Haw?” ulyaw nito. Mag-isasiya. Niyakap niya ang sarili niya naparang bolang mahigpit, at nakatulog siyang mahimbing at maligalig.

•••

Quand il arrêta de courir, la nuit étaittombée et Âne était perdu. « Hi han ? » ilchuchota à la noirceur. « Hi han ? » lanoirceur retourna en écho. Il était seul. Selovant en petite boule, troublé, ils’endormit profondément.

14

Nagising si Asno at nakita ang isangkakaibang matandang lalake na nakatitigsa kanya. Tumingin siya sa mga mata nitoat nakaramdam ng pag-asa.

•••

Âne se réveilla et vit un vieil hommeétrange qui le regardait. Il regarda dansles yeux du vieil homme et commença àressentir un brin d’espoir.

15

Nakituloy si Asno sa matandang lalake nasiyang nagturo sa kanya ng iba’t ibangparaan para mamuhay. Nakinig at natutosi Asno, at gayundin naman angmatandang lalake. Nagtulungan sila, atnagtawanan sila.

•••

Âne parti vivre avec le vieil homme, qui luimontra plusieurs façons de survivre. Âneécouta et il apprit, et le vieil homme aussi.Ils s’aidèrent tous les deux et ils rirentensemble.

16

Isang umaga, nakiusap ang matandanglalake na dalhin siya ni Asno sa tuktok ngisang bundok.

•••

Un matin, le vieil homme demanda à Ânede le transporter jusqu’au sommet d’unemontagne.

17

Nakatulog sila sa itaas ng bundok,kapantay ang mga ulap. Napanaginipan niAsno na may sakit ang kanyang ina atnananawagan ito. At nang magising siya…

•••

En haut, parmi les nuages, ilss’endormirent. Âne rêva que sa mère étaitmalade et qu’elle l’appelait. Et quand il seréveilla…

18

…nawala na ang mga ulap kasama ngkanyang kaibigan, ang matandang lalake.

•••

… les nuages étaient disparus avec sonami le vieil homme.

19

Alam na ni Asno kung ano ang dapatgawin.

•••

Âne sut finalement quoi faire.

20

Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisaat nagluluksa para kanyang nawawalanganak. Matagal silang tumitig sa isa’t isa. Atpagkatapos ay nagyakapan sila nangnakapahigpit.

•••

Âne trouva sa mère, seule et en deuil pourson enfant perdu. Ils se regardèrentlongtemps. Puis ils s’embrassèrent trèsfort.

21

Ang batang asno at ang kanyang ina aytumanda nang magkasama at nakahanapng maraming paraan para mamuhaynang magkaagapay. Unti-untingpumalagay ang mga pamilya sa paligidnila.

•••

L’enfant-âne et sa mère ont grandisensemble et ils ont trouvé plusieursmanières de coexister. Lentement, toutautour d’eux, d’autres familles ontcommencés à s’installer.

22

Storybooks CanadaStorybooks Canadastorybookscanada.ca

Batang AsnoBatang Asno

L’enfant-âneL’enfant-âneWritten by: Lindiwe MatshikizaIllustrated by: Meghan Judge

Translated by: (tl) Karla Comanda, (fr) Alexandra Danahy

This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) andis brought to you by Storybooks Canada in an effort to provide children’sstories in Canada’s many languages.

This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.

23

top related