lagom, kongklusyon at rekomendasyon

Post on 23-Aug-2014

693 Views

Category:

Documents

14 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

• Ito ang huling kabanata ng pamanahong papel.

• Ito rin ang isa sa pinakamahalagang bahagi sapagkat dito nilalagom ang mga nakalap na datos at impormasyon.

• Inilalahad dito ang mga generalization sa anyong kongklusyon batay sa mga datos at impormasyong nakalap.

• Dito ipinatutungkol sa mga kinauukulan ang mga rekomendasyon tungo sa posibleng kalutasan sa mga suliranin.

• Sa aklat na Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales (1993), naglahad sila ng mga tagubilin na lubos na makatutulong sa mga mananaliksik sa pagsulat ng bahaging ito.

Tagubilin sa Pagsulat ng Lagom• Simulan ang lagom sa isang maikling

pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon at panahon ng pag-aaral, pamamaraan at instumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon at ang disenyo ng pananaliksik.

• Hindi na kailangan ang anumang eksplanasyon o pagpapalawig.

• Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga importanteng datos.

• Huwag gumawa ng mga deduction, inference at interpretasyon sa lagom dahil mauulit lamang ang mga iyon sa kongklusyon.

• Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom, lalung-lalo na iyong mga pinagbabatayan ng mga kongklusyon.

• Ang mga datos ay hindi dapat ipaliwanag pang muli.

• Gawing maiikli at tuwiran ang mga pahayag sa lagom.

• Huwag magdagdag ng mga bagong datos o impormasyon sa lagom.

Pansinin ang sumusunod na halimbawa:

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning madetermina ang istatus ng pagtuturo ng Science sa mga pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan ng Abra. Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptib

at normatib na sarbey naman ang teknik na ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng isang kwestyoneyr na ginamit na instrumento sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong- akademiko 1999 – 2000.

Sa limampu’t siyam (59) na respondenteng gurong nagtuturo ng Science sa buong lalawigan, napag-alamang tatlumpu’t isa (31 o 53.54%) sa kanila ay nagtapos ng kursong BSE samantalang tatlo (3 o 5.08%) lamang ang may digring Masteral. Dalawampu’t lima (25 o 42.37%) naman ang mga gurong nagtapos ng ibang kurso (maliban

sa BSE) ngunit nakapagturo dahil sa pagtatamo ng hindi kukulangin sa labingwalong (18) yunit sa Edukasyon. Kapansin-pansin naman na kulang sa kalahati ng mga respondente, dalawampu’t pito (27 o 25.76%) ang major sa Science samantalang higit sa kalahati ay tatlumpu’t dalawa (32 o 54.24%) ang mga hindi major ng Science.

Tagubilin sa Pagsulat ng Kongklusyon• Lahat ng kongklusyon ay dapat

ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.

• Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.

• Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga factual na napag-alaman sa pagsisiyasat.

• Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implied o di direktang epekto ng mga datos o impormasyong nakalap.

• Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon, ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang impormasyong resulta ng pag-aaral na

hinihingi ng mga tiyak na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.

• Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na sila’y may pagdududa o alinlangan sa validity at reliability ng pananaliksik. Iwasan ang mga salitang siguro, marahil, baka atbp.

• Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.

• Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang bahagi ng pamanahong-papel. Samakatwid, ang isang diwang una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa kongklusyon.

Pansinin ang kasunod na kongklusyon: Batay sa mga nakalap na datos at

impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Karamihan sa mga gurong nagtuturo

ng Science sa mga pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan

ng Abra ay hindi qualified,

b. Hindi sapat ang mga pasilidad na

ginagamit sa pagtuturo ng Science sa

mga pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan, c. Hindi sapat ang pondong

inilalaan ng DepEd sa pagpapabuti ng kalidad

ng pagtuturo ng Science sa mga pampublikong mataas na

paaralan ng lalawigan,

d. Below average ang nakuhang mean

ng mga mag-aaral sa mga pampublikong mataas na

paaralan sa lalawigan ng Abra sa

Achievement Test na in-administer ng DepEd sa taong –akademiko 1999-2000 at e. Karamihan ng mga gurong

nagtuturo

ng Science sa mga pampublikong mataas na paaralan sa Abra ay naniniwalang hindi kasiya-siya ang istatus ng pagtuturo ng nasabing asignatura sa kani-kanilang paaralan.

Tagubilin sa Pagsulat ng Rekomendasyon• Ang mga rekomendasyon ay dapat

naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon.

• Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa pag-aaral.

• Bagamat ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideal , kailangang ang bawat isa ay maging praktikal,

naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan.

• Dapat maging valid at lohikal ang bawat rekomendasyon.

• Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.

• Kung may mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon at/o mga hakbang o paraan kaugnay niyon.

• Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral

o paggamit ng ibang saklaw, panahon, locality at populasyon upang ma-verify o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.

Pansinin ang mga kasunod na rekomendasyon:

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:

a. Para sa mga superindente at superbisor

ng mga pampaaralang dibisyon sa lalawigan ng Abra at mga prinsipal ng

mga pampublikong mataas na paaralan

ng lalawigan, maging mahigpit sa pagtanggap ng mga guro sa

Science. Kailangang ipatupad ang minimum

na kwalipikasyong itinatakda ng

Serbisyo Sibil sa pagtanggap ng mga

bagong guro sa nabanggit na asignatura,

b. Para sa mga administrador ng mga

pampublikong mataas na paaralan sa

lalawigan, hikayatin ang mga gurong

nagtuturo ng Science tungo sa pag-aaral ng digring masteral,

mga pagsasanay, mga seminar at workshop sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo

tulad

ng promosyon, dagdag ng sweldo at

parangal o distinksyon sa mga makapagpapataas ng kanilang kwalipikasyong akademiko, c. Sa DepEd at IBM, pag-aralan kung paano madaragdagan ang

pondong inilalaan sa pagpapabuti ng

pagtuturo

ng Science sa mga pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan

ng Abra, d. Sa mga administrador at guro, magulang at mag-aaral,

samantalang hindi pa nadaragdagan ang

pondo para sa mga pasilidad sa

pagtuturo

ng Science, magtulungan upang makapangalap ng pondo upang maibsan kahit paano ang hindi kasapatan sa nasabing pasilidad, e. Para sa mga administrador at

guro ng mga paaralang pampubliko ng lalawigan ng Abra, magsagawa

ng

mga klaseng remidyal upang maitaas

ang lebel ng kompitensi ng kanilang

mga mag-aaral sa Science, f. Para sa pamahalaang lokal ng lalawigan ng Abra, maglaan ng pondong gagamitin sa

pagpapabuti ng istatus ng pagtuturo ng

Science

sa lalawigan, g. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito upang

makatuklas ng iba pang solusyon sa mababang istatus ng pagtuturo ng Science

sa lalawigan at,

h. Para sa iba pang mga mananaliksik o

DepEd, magsagawa ng katulad na

pag-aaral hinggil sa ibang asignatura

o sa ibang lokalidad upang mahanapan ng mga posibleng solusyon ang iba pang

matutukoy na suliraning pang-edukasyon.

top related