learning module 3 subject: araling panlipunan subject
Post on 08-Dec-2021
12 Views
Preview:
TRANSCRIPT
LEARNING MODULE 3
Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject Teacher: Rhealinda Tagayuna
Grade Level: 8 email add: rhealindatagayuna@yahoo.com
Quarter: First fb/messenger account:Rhealinda Tagayuna
Academic Year : 2021 - 2022 contact #: 09178288298
Topic: Heograpiya at Sinaunang Kabihasnan ng Daigidig
I. PANIMULA
Nahubog ang kondisyong heograpiko ng daigdig mula sa patuloy na pagbabago ng klima, paggalaw ng lupa, at
mga likas na prosesong pinagdaraanan ng mga halamang hayop.Nagagawang hubugin ng kapaligiran ang tao.May mga
paliwanag tungkol sa mga teoryang naglalahad ng pinagmulan ng tao sa daigidig.Magkakaiba man ang teorya paliwanag
pinagmulan ng tao mananatiling Milagro at bukas sa pagbabago.Dito nagkaroon ng mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng
tao dahil sa mga pagbabago ng panahonat kagustuhang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
ESSENTIAL QUESTION
Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao sa daigidig?
II. STANDARDS
Pamagat : Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig (Preshistoriko- 1000 BCE)
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog
sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Pamantayang Pagkatuto: 1. Nasusuri ang kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig. 2.
Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig . 3. . Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa
panahong prehistoriko.
III. TRANSFER
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan
ay makakagawa ng isang Multimedia Campaign.
Learning Targets:1 Magagawa ko na ilarawan ang dalawang larawan,2. Magagawa ko na gawin ang graphic organizer
sa pamamagitan ng pagkakaiba at pagkakapareho ng mga unang tao sa daigdig. Magagawa ko na suriin at tukuyin ang
mga yugto ng pagbabagong prehistoriko
Scaffold 3: Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa mga larawan sa gawain 1.
IV. MGA GAWAINGawain 1: Panuto : Suriin ang dalawang larawan.Ikumpara mo sila sa isa’t isa.Ano ang iyong
nararamdaman? Anong nangyari sa 2 larawan?
Discussion: Kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig.
Selyula – Ang organismo ng unang anyo ng buhay,naging kompleka na halamang tubig hayop sa dagat,nagbago ng
anyo nagkaroon ng paa upang makalakad at makahinga.
Unang Anyo ng Buhay
1. Reptilya – unang hayop
Dinosaur ang pinakamalaki
Reptilya.
Unang Tao unag lumitaw sa panahon ng yelo.
Dalawang Panahon ng Unang Tao
1. Tertiary
Limang Kapanahunan
1. Pliocene
2. Miocene
3. Oligocene
4. Eocene
5. Paleocene
Quartenary
2 niyang kapanahunan
Holocene Pleistocene
4 na Yugto ng Pagbabago ng Dagidig
1. Yungtong Precambrian – Nabuo ito dahil sa init ng araw,paggalaw ng lupa, at pagtaas ng antas ng oxygen na bumuo
naman sa lupa at tubig.
2. Yugtong Paleozoic – dito nabuo ang malaking kontinente na tinawag na Pangea.
3. Yugtong Mesozoic – Dito nagkaroon ng malalaking anyong tubig
4. Yungtong Cenozoic – Dito nabuo ang 7 kontinente at namuhay ang unang tao sa daigdig,pinakabagong yugto na
tumagal hanggang kontemporaryong panahon.
Gawain 2 : Isulat sa loob ng graphic organizer ang pagkakaiba at pagkakapareho ng Australopithecus at Homo.
Austrapithecus Homo
Pagkakapareho
Pagkakaiba
Discussion: Uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
Pinagmulan ng Tao batay sa Teorya ng Ebolusyon
Homonid – “ kahulugan ay hayop “ ang mga sinaunang kalansay ay nagpapahiwatig na may kawangis ang tao na
nabuhay mga apat na milyon taon na.
Hominid ( Ramapithecus ) – Tinatayang na may
14-12 milyon na itong nahukay ,hinihinalang
nginunguya niya ang kanyang pagkain tulad ng
kasalukuyang tao, matatagpuan ito sa Europe,
Asia Africa.
Australopithecus africanus – Malapit ang
kanyang pagkakahawig sa tao.Natagpuan ni
Raymond Dart ang mga labi noong 1924 sa South
Africa
Australopithecus robustus – Natagpuan ng mag-
asawang Louis at Mary Leakey ng Great Britain
ang mga labi nito noong 1959. May matipunong
pangangatawan ,may mahabang noo, mahbang
mukha, at maliit na panga.Natagpuan sa Olduvia
George,Tanzania
Australopithecus afarencis – nahukay ni Donald
Johanson ang kalansay noong 1974. Tinatayang 3-
5 milyong taon na ang labi nito.Natagpuan sa
Afar, Ethiopia
Homo Habilis- May pagkakahawig sa
tao.Pinaniniwalaang unang gumamit ng mga
kasangkapang yar isa magagaspang na bato
Homo Habilis Zijanthropus – May katangian
nakakalakad ng tuwid, apat na talampakan ang
taas, mataas ang kaalaman dahil sa paggamit ng
mga kasangkapang yar isa mga magagaspang na
bato sa paghiwa ng karne na kanilang kinakain
Homo-erectus – Pinakadirektang ninuno ng
Homo sapiens,ang katangian niya nahahawig sa
tao,nakakalakad ng tuwid,nakakagawa ng gamit
yar isa bato,marunong gumamit ng apoy, mangaso
at mangisda. Nabuhay 500,000 taon,natagpuan sa
Asia,Africa at Europe
Homo erectus Taong Java- Natagpuan sa Java
Indonesia,may taas na 1.5, nakakalakad ng
tuwid,kasinlaki ng utak sa kasalukuyang tao.
Homo Erectus Taong Peking – May katangian
na ang taas 5 talamapakan ,nakakalakad ng tuwid,
kahawig ng kasalukuyang tao.
Homo Sapiens – Malaki ang utak, maliit na
ngipin,malaking binti at higit nakakatayo ng tuwid
kaysa ibang pangkat ng tao
Discussion: Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
Ebolusyong Kultural – Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na
nakagawian na ng tao dulot ng pakikiayon s pagbabagong naganap sa
kanilang kapaligiran.
Panahon ng Bato
A. Panahong Paleolitiko – Kasangkapan na magagaspang na bato salitang mula sa griyego.
B. Panahong Mesolitiko – Transisyon ng kulturang neolitiko,nagsimula ang pagtunaw ng glacier umusbong ang mga
kagubatan,ilog, at dagat,nanirahan sila sa pampang at nadagdagan ang mga pagkain.
C. Panahong Neolitiko -
Gawain 3 :Suriin at tukuyin ang yugto ng pag-unlad ng panahong pre- historiko ng mga sumusunod na salita sa bawat
bilang.Isulat ang P – sa patlang kung ito ay nangyari sa Panahong Paleolitiko,M- kung ito ay nagyari sa Panahong
Mesolitiko, N- kung ito ay nagyari sa Panahon Neolitiko.
____1. Pagtatanim _____6. Maghabi at gumawa ng tela
____2. Ma-alaga ng hayop _____7. Nanirahan sa pampang ng ilog
____3. Kasangkapan sa pagtatanim _____8. Kasangkapan nagsilbing kutsilyo
____4. Paggamit ng Apoy _____9. Kaalaman sa sining
____5. Pangangaso _____10. Pulidong kasangkapan
New Ideas: Para saiyo,bakit mahalaga ang apoy sa pag-unlad ng buhay ng tao?
________________________________________________________________________
Bilang isang Anthonians,Paano nakatulong ang pagkakaroon ng isang tahanan sa pagbuo ng pag-uugali,gawi,at mga
pananaw sa buhay ng isang tao?______________________________________________
VI : Panghuling Pagtataya( Evaluation)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
1.Paano nakatulong sa pagbabago ng daigidig ang mga halaman ?
A. Ito ay nagbigay ng oxygen upang mabuhay ang mga hayop
B. Ito ang tumulong sa pag-iwas laban sa erosion.
C. Ito ang nagsilbing pagkain para sa mga hayop.
D. Lahat ng nabanggit
2. Sa aling panahon ng Tertiary nabuhay ang iba pang hayop tulad ng elepante,aso at pusa ?
A. Pliocene B. Pleistocene C. Neocene D. Eocene
3. Ano ang pangunahing idinulot ng mga glacier noon?
A. Tumulong sa pagiiba-iba ng temperature sa buong daigdig
B.nagpapalamig ng temperature sa buong daigdig
C. Pinagkukunan ng tubig
D. Wala sa nabanngit
4. Ito ay malaking pagkakahawig niya sa tao at gumagamit ng kasangkapang bato.
A. Australopithecus africanus B. Hominid ( Ramapithecus )
C. Homo Habilis D. Australopithecus robustus
5.Ito ay may matipunong pangangatawan ,may mahabang noo, mahbang mukha, at maliit na panga ?
A. Australopithecus africanus B. Hominid ( Ramapithecus )
C. Homo Habilis D. Australopithecus robustus
6. Ito ay hinihinalang nginunguya niya ang kanyang pagkain tulad ng kasalukuyang tao ?
A. Australopithecus africanus B. Hominid ( Ramapithecus )
C. Homo Habilis D. Australopithecus robustus
7. Sa Panahong Paleolitiko naganap ang pangyayaring ito ?
A. Natuto silang gumawa ng palayok B. Natutong gumamit ng apoy
C. Natuto silang mag-alaga ng hayop D. Natutong gumawa ng kasangkapan sa pagtatanim
8. Sa Panahong Mesolitiko naganap ang pangyayaring ito?
A. Nagkaroon ng kaalaman sa sining B. Naging lagalag
C. Nanirahan sila sa pampang D. Natutong mangaso
9.Sa Panahong Neolitiko naganap sa pangyayaring ito ?
A. Natuto silang maghabi at gumawa ng tela B. Nakagagawa ng kasangkapang patulis o pulido
C.Nakaranas ng tagtuyot D. May kaalaman sa sining.
10. Sa Panahong ito natuto ang mga tao sa Cave painting?
A. Panahong Mesolitiko B. Panahong Neolitiko
C. Panahong Paleolitiko D. Panahong Ebolusyon
.
TALASANGGUNIAN AT WEBSITE NA GINAMIT SA MODYUL
Araling Asyano ( Tungo sa pagkakakilanlan) , The Library Wikipedia
LEARNING MODULE 4
Subject: ARALING PANLIPUNAN Subject Teacher: Rhealinda Tagayuna
Grade Level: 8 email add: rhealindatagayuna@yahoo.com
Quarter: First fb/messenger account:Rhealinda Tagayuna
Academic Year : 2021 - 2022 contact #: 09178288298
Topic: Heograpiya at Sinaunang Kabihasnan ng Daigidig
I. PANIMULA
Umusbong ang iba’t ibang kabihasnan sa daigidig.Ang Kabihasnang Mesopotamia isang rehiyon sa Timog at
Kanlurang Asya.Maraming ambag sa iba’t ibang larangan gaya ng agham,tknolohiya,lipunan, kultura at pamamahala.
Ang Kabihasnang Ehipto sa hilagang silangan ng aprika mula sa matatabag lupain sa Ilog Nile.Naging malaki ang ambag
ng heograpiya sa pagyabong at pagbagsak nito. Naitatag ang Kabihasnang Indyanosa Lambak ng Ilog Indus dahil sa
matabang lupa nito.Malaki ang naitulong ng Ilog Indus sa pag-unlad ng Indyano na tumagal ng maraming henerasyon.
Ang Tsina ay umusbong sa Ilog Yangtze,nakatulong ang kanilang pilosopya at paniniwala.Ang Mesoamerika ay
matatagpuan sa bahaging kagubatan.Nagkataon nagkaroon umunlad dahil sa agrikultura,kalakalan at sa pagkakaisa ng
mga mamamayan nito
ESSENTIAL QUESTION
Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao sa daigidig?
II. STANDARDS
Pamagat : Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig (Preshistoriko- 1000 BCE)
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog
sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Learning Targets:1. Triple Matching Type,Tracing the beginning of the chart, differentiate and importance.
Pamantayang Pagkatuto: 1. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. 2. Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig: pinagmulan, batayan at katangian.3.
Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at
lipunan.4. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
III. TRANSFER
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan ay makakagawa ng isang Multimedia Campaign.
Performance Output: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan ay makakagawa ng isang Multimedia
Campaign.
IV. MGA GAWAIN
Gawain 1: TRIPLE MATCHING TYPE
Panuto: Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa
partikular na heograpiya ng isang kabihasnan
A B C
1.Indus
2.Tsino
3.Ehipto
4.Mesopotamia
5. Mesoamerica
1. Ziggurat
2.Hindu Kush
3.Huang Ho
4.The Gift of Nile
5.Agrikultura
1. Kanlurang Asya
2. Timog Asya
3. Silangang Asya
4. Hilagang Silangan ng
Africa
5. Kanluran ng North
America
Gawain 2: TRACING THE BEGINNING OF THE CHART
A. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihininging datos sa bawat kolum
B. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart
Anu-ano ang mga sinaunang
kabihasnang umusbong sa daigidig?
Paano nagsimula ang kanilang
kasaysayan ?
Ano ang kanilang mga katangian?
Gawain 3 :
Panuto:Ibigay ang pagkakaiba at kahalagahan ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Mga Kabihasnan Lipunan/Politikal Pamahalaa Relihiyon Panitikan Ekonomiya
Discussion: Heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabishanan sa daigdig
Kabihasnan- yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.
Mesopotamia – ay galing sa salitang Griyego na ibig sabihin ay meso” o gitna at “potamos “ o ilog.Dumadaloy dito ang
mga Ilog Tigris at Euphrates na nagbibigay ng matabang lupa at masaganang suplay ng tubig sa mga nakatira sa mga
lugar na nasasakop nito.at ang unang kabihasnan.Matatagpuan sa Kanlurang Asya.
Fertile Crescent – Kilala bilang lugar na pinagmulan ng mga makapangyarihang kaharian sa daigdig at ng sari-saring
ambag ng teknolohiya naakapagbabago sa buhay ng tao. Ang hugis nito ay suklay.
Kabihasnang Sumer- Timog bahagi ng fertile crescent. Nabuo 5000 taon na nakakaraan
Sumerian – Unang pangkat ng tao na nagtatag at nanirahan dito.Kilala sila sa malayang pamamahala,
pagpapahalaga ng ng kalayaan,pagkakaisa,aktibong paglahok sa mga kalakalan,tanyag na mga lungsod est
Lungsod Ur – Eto ang pinakamatandang lungsod,itinatag ng mga ubaidan.
Cuneifrom – Paraan ng pagsusulat nila na binbuo ng 500 pictrograph at simbolo,ginamit sa pagtatala ng mga
sobrang produkto sa pagsasaka.
Ambag- Dome, Vault, Algebra,Sexagesimal system,kalendaryong lunar,gulong,potter’s, araro sa pagsasaka.
Pamahalaan – Theocracy na pinamumunuan ng simbahan,Patesi ang pinunong pari.
Relihiyon- Polytheism ang pananampalataya sa maraming Diyos tulad ng Anu – dyos ng kalangitan, Enlil -dyos ng mga
ulap at hangin, Ea – dyos ng tubig at baha.
Ziggurat- Templong tore na animo’y pyramide 2-7 baitang,may templo sa tuktok na pinagdadausan ng ritwal,nasa
sentro ng lungsod ng pamayanan.
Imperyo ng Mesopotamia
Imperyong Akkadian – Unang imperyo sa buong mundo itinatag ni Haring Sargon I kaunaunahang pinuno ng mga
Semitic tumagal ng 50 taon ang pamumuno. Naramsin pumalit kay Sargon I.
Imperyong Babylonian – Naging malakas na imperyo, Hammurabi – Kinatatakutan sa sobrang husay niyang
mandirigma ambag niya ang Code of Hammurabi kauna unahang kodigo ng batas sa buong mundo at sistematikong
pagpapatupad ng mga batas sa lupain. Nilalaman nito ay tungkol sa pampulitika, panlipunan at pangkabuhayang
organisasyon,probisyon sap ag-aasawa ,diborsyo,pangako at pakikiapid at katayuan ng babae sa lipunan.
Pamilya at Relihiyon – dito nakabase ang kanilang pamumuhay. Marduk- tawag sa pinakamakapangyarihang diyos.
Imperyong Hittite – Kauna unahang imperyo na nakapagtayo ng kabihasnan sa Asia Minor noong 1700
BCE.Nakapaglinang ng higit na makataong Batas,mas mataas ang pagtingin sa mga kababaihan .May modernong
silang kagamitan sa pakikidigma,unang pangkat na gumamit ng sandatang bakal, bihasa sa pagsakay ng kabayo at
pangangarwahe.
Hattusas – ang kanilang kapitlyo o kabisera
Ambag- epektibong sistema ng pamumuno,serbisyong postal o koreo o sulat,maayos at magagandang kalsada,silid
aklatan,at hindi nagtatagal ang mga malupit at palalong pinuno
Imperyong Assyrian - Kinakatakutan ang mga mandirigmang Assyrian sa kanlurang bahagi ng Asya. Ito ay dahil sa kanilang marahas at malupit na pakikipagdigma. Nagsagawa ng sistematikong pananalakay gamit ang mga chariot, helmet, sibat, at espadang yari sa bakal.
Imperyong Chaldean – Nakilala sila sa Tore ni Babel na isang ziggurat tinawag na Hanging Garden
Imperyong Hittite – Nakilala sila sa paggamit ng karwahe,bakal at tanso sa pakikipaglaban
Imperyong Lydian- Nakilala sila sa paggamit ng sensilyo
Imperyong Phoenician- Nakilala sila sa sistemang alpabeto at kaalaman sa pagalalayag.
Aspekto ng Pamumuhay ng Mesopotamia
Lipunan/Politikal Hierarkikal,ang estruktura nito ay nakabatay sa kapangyarihan,katalinuhan at
yaman na taglay ng tao.Pangkat at tribo ang namumuno dahil sa mga kaharian.
Pamamahala Naglagay sila ng city-state upang mapadali ang pamamahala ng bawat
kaharian” Kodigo ni Hammurabi” makatwirang batas
Relihiyon Politeistiko o sumasamba sa maraming Diyos
Ekonomiya Pag-usbong ng agrikultura,ang tubig na galing sa Ilog Tigris at Euphrates
nagbigay ng pag-unlad.
Panitikan Cuneiform sistema ng pagsulat
Aspekto ng Pamumuhay ng mga Indus
Aspekto ng pamumuhay ng mga Tsina
Aspekto ng Buhay sa Ehipto
Lipunan/Politika
Emperado ang namumuno.Ang uri ng lipunan nila nakabatay sa kakayang magtrabaho at sa
edad hind isa kahusayan at yaman.
Pamahalaan Ang pamamahala nila ay hawak ng isang dinastiya.Nasa ilalim ng emperador ang
kapangyarihan kasama ang pamilya ta kanyang nasasakupan
Relihiyon Mandato ng Langit dinidikta ng mga diyos kung isang pinuno at pamilya ng isang pinuno ay
angkop para sa pamumuno ng Tsina.
Sining at Panitikan Kalendaryong lunar,Classic sa Dinastiyang Zhou,may malaking koleksyon ng mga
tula,dula,kwento at epiko
Ekonomiya Bukod sa agrikultura,nagkaroon din sila pag-unlad sa larangan ng kalakalan at paggawa dahil
sa mga likas na yaman.
Lipunan/Politikal Nahati sa limang lipunan ayon sa sistemang caste: Brahmin pari ang pinuno sa
templo,Kzhatriya mandirigma at nagmamay-ari ng lupa,Vaisya mangangalakal at Sudra
mga artisano,magsasaka at mangingisda.Hari din ang mga namumuno.
Pamahalaan Hari ang namamahala sa bawat teritoryo,siya ang nagpapalakas militar.kalakalan at
agrikultura at sistema ng pamamahala.
Relihiyon Sumasamba sila sa diyos na tutulong sa aspeto ng kanilang pamumuhay.Halimbawa ng
Hinduismo.
Sining at Panitikan Ang Mahabharata ang pinakahabang epiko ng daigdig,Ramayana kwento tungkol sa mag-
asawang Rama at Sita.
Ekonomiya Pagsasaka ang kanilang kabuhayan at umunlad din ang kanilang kalakalan
Lipunan/Politikal Hierarkikal ang pamumuno nila,nakabatay ito sa kakayahang mamuno,pagkilala ng
tao,yaman.Hari din ang namumuno dito.Mummification hindi nabubulok at napanatili ang
kaayusan ng katawan sa loob ng matagal na panahon.
Pamahalaan Nome naitatag mga pamayanang may mga malasariling pamahalaan.
Relihiyon Naniniwala din sila sa maraming diyos,nanggaling sa kapaligiran at nagsisilbing gabay sa bawat
tao sa mga pamayanan.
Aspekto ng Pamumuhay ng mga Mesoamerika
Lipunan/Politikal Ang Maya, Teotihuacan, Zapotec, Maya, Aztec ay mga tribu nagtratrabaho sila sa leader ng tribu
Pamahalaan Nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan
Relihiyon Ritwal ay mahalaga sa kanilang pamumuhay .Pok-a-tok na kahalintulad ng basketbol
Sining at Panitikan Ang mga Feathered Serpent,Maize God , Were-Jaguar
Ekonomiya Kabuhayan May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdudulot ng sobrang produkto
Sining at Panitikan Malikhain sila at may malalaking estruktura at rebulto na inukit ng higit isang tao gamit ang
matatalas na kagamitan.
Ekonomiya Dahil sa matabang lupa lumawak ang mga taniman ng mga pamayanan at nagdulot ng
kasaganahan sa buong kaharian.
New Ideas: Paano umusbong at bumagsak ang mga sinaunang kabihasnan ng daigdig_____________
__________________________________________________________________
Bilang Anthonian, Ano ang kahalagahan nag pagkakaroon ng aspekto ng pamumuhay sa isang
komunidad____________________________________________________.
Performance Output: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan ay makakagawa ng isang Multimedia
Campaign kung paano mapreserba at pangalagaan ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan ng dagidig.
Rubrics:
Pagkamalikhain at Orihinalidad: 40%
Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena: 20%
Linaw ng Kaisipan at Mensahe: 10%
Epektibong Gamit ng Wika: 20%
Aplikasyong Teknikal: 10%
______________________________________
Total 100%
VI:Evaluation
Panghuling Pagtataya
Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Ang cuneiform, anong kabihasnan ang may ambag?
A. Kabihasnang Ehipto B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Mesopotamia D. Kabihasnang Tsino
2. Anong Imperyo ang nagtatag ng Code of Hammurabi sa Kabihasnang Mesopotamia?
A. Imperyong Akkadian B. Imperyong Babylonian C. Imperyong Chaldean D. Imperyong Phoenician.
3. Paano nakatulong sa pamumuhay ng mga Ehipto ang Ilog Nile?
A. Ito ay batayan ng batayan ng kanilang teritoryo.
B. Ito ay batayan ng paniningil ng buwis ng mga opisyal.
C. Ito ay nakatulong sa kanilang agrikulura.
D. Ito ay nagsilbing lunsaran ng kanilang paniniwala
4. Bakit ayaw gawing pagkain ng mga Ehipto ang mga alaga nilang hayop?
A. Nasisiyahan sila sa mga ito
B. Ito ay utos ng diyos
C. Ginagamit nila ang mga ito sa kanilang hanap-buhay
D. Simbolo sila ng pananampalataya.
5. Sila ang mga pilosopya ng Tsina maliban sa isa.
A. Zhoukoudian B. Confucius C. Lao Tzu D. Mo Tzu
6. Ang relihiyon nila ang naniniwala sa Mandato ng Langit.
A. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Ehipto C. Kabihasnang Tsino D. Kabihasnang Mesopotamia.
7. Ang Feathered Serpent ay isa sa mga panitikan nila.
A. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Ehipto C. Kabihasnang Tsino D. Kabihasnang Mesoamerica
8. Ano ang pamahalaan meron ang Kabihasnang Indus?
A. Nabuo ang lungsod- estado B. Pamayanang Nome
C. Hari ang namamahala at nagpapalakas ng military D. Naglagay sila ng city-estate
9. Ang emperador ang namumuno sa kabihasnang ito.
A. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Ehipto C. Kabihasnang Tsino D. Kabihasnang Mesopotamia
10. Kilala bilang lugar na pinagmulan ng mga makapangyarihang kaharian sa daigdig,ang hugis nito ay suklay.
A. Ziggurat B. Cuneiform C. Fertile Crescent D. Hammurabi
TALASANGGUNIAN AT WEBSITE NA GINAMIT SA MODYUL
Araling Asyano ( Tungo sa pagkakakilanlan) , The Library Wikipedia
top related