legacy 3 - equip - sis. donna tarun - 7am mabuhay service

Post on 24-Jan-2017

251 Views

Category:

Spiritual

3 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Equip/Handa

Paano Maging

Handang Alagad ni

Cristo

Ang Banal na Espiritu ay aktibong kumikilos sa ating

buhay, Siya ang nagbibigay sa atin ng kakayahan upang

isulong ang kaharian ng Diyos.

Ang Banal na Espiritu ay

humihikayat1

CORNELIO

MGA GAWA 10:1-81     Sa Cesarea ay may isang lalaking nagngangalang Cornelio. Isa siyang kapitan sa "Batalyong Italiano" ng hukbong Romano.  2 Siya ay isang debotong tao. Siya at ang buo niyang pamilya ay sumasamba sa Diyos. Siya'y matulungin sa mga Judio at laging nananalangin sa Diyos.

MGA GAWA 10:1-83 Minsan, nang bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain; kitang-kita niyang pumasok ang isang anghel ng Diyos at siya'y tinawag, “Cornelio.” 

MGA GAWA 10:1-84 Tumingin siya at takot na takot na nagtanong, "Ano po iyon?“ Sumagot ang anghel, "Kinalulugdan ng Diyos ang iyong mga dalangin at ang pagtulong mo sa mahihirap.”

MGA GAWA 10:1-85  Magsugo ka ngayon din ng ilang tao sa Joppa upang sunduin ang isang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro.  6 Siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simon na tagapagbilad ng balat ng hayop. Siya ay nakatira sa may tabing-dagat."

MGA GAWA 10:1-87   Pagkaalis ng anghel, tumawag si Cornelio ng dalawang utusan at isang debotong kawal, isa sa mga naglilingkod sa kanya. 8

 Isinalaysay niya sa kanila ang pangyayari; at pagkatapos, pinapunta sila sa Joppa.

Siya ay Romano, inaasahang sumamba sa maraming diyos at kay Caesar--- na nauukol gawin ng isang mabuting kawal. Ngunit makikita natin na siya ay lumalapit sa Diyos ng mga Judio--- debotong tao, siya at ang buo niyang pamilya ay sumasamba sa Diyos. Siya'y matulungin sa mga Judio at laging nananalangin sa Diyos.

PAANO ITO NANGYARI?

Ito ay gawa ng Banal na Espiritu. Siya ang humihikayat sa puso ng isang tao upang maunawaan ang katotohanan ukol sa kasalanan, katuwiran at paghatol ng Diyos.

JUAN16:8-118     Pagdating Niya ay Kanyang patutunayan sa mga taga-sanlibutan na mali ang pagkakilala nila tungkol sa kasalanan, tungkol sa pagiging matuwid, at tungkol sa paghatol ng Diyos.

JUAN16:8-119     Mali sila tungkol sa kasalanan sapagkat hindi sila nananalig sa Akin. 10 Mali sila tungkol sa pagiging matuwid sapagkat Ako’y pupunta sa Ama at hindi na ninyo makikita; 11 at tungkol sa paghatol ng Diyos, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng mundong ito.

Ang Banal na Espiritu ay nagkakaloob ng

kapangyarihan2

PEDRO

MGA GAWA 10:9-179  Kinabukasan, samantalang naglalakbay at malapit na sa Joppa ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat sa bubungan upang manalangin. Bandang tanghali na noon. 

MGA GAWA 10:9-1710  Siya'y nagutom at gusto na niyang kumain. Ngunit habang naghihintay siyang maihanda ang pagkain, nagkaroon siya ng isang pangitain.  11 Nabuksan ang langit at nakita niyang ibinababa sa lupa ang isang parang malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok. 

MGA GAWA 10:9-1712  Naroon sa kumot ang lahat ng uri ng hayop, mga lumalakad, gumagapang, at lumilipad.  13 Narinig niya ang isang tinig, "Pedro! tumindig ka, magkatay ka at kumain."

MGA GAWA 10:9-1714  Ngunit sumagot si Pedro, "Hindi ko po magagawa iyan, Panginoon! Kailanma'y hindi ako kumain ng anumang marumi.”15 Muli niyang narinig ang tinig, "Huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos."

MGA GAWA 10:9-1716  Tatlong ulit na nangyari ito, at pagkatapos ay kaagad na iniakyat sa langit ang kumot na iyon. 17 Habang pinag-iisipan ni Pedro kung ano ang kahulugan ng pangitaing iyon, dumating naman sa lunsod ang mga isinugo ni Cornelio. Ipinagtanong nila ang bahay ni Simon at pagdating doon ay tumawag sila sa may pintuan.

Si Pedro ay madalas tumatanggi o lumalaban kapag may

pinagagawa o sinasabi sa Kanya si Hesus:

1. Nang ihayag ni Hesus ang Kanyang kamatayan (Mt 16:22).

2. Nang huhugasan ni Hesus ang paa ng Kanyang mga alagad

(Jn 13:6-8).

Katulad ni Pedro, madalas ay tumatanggi din tayo kapag may mahirap na inuutos sa atin ang

Diyos. Ang Banal na Espiritu ang Siyang nagbibigay sa atin ng

kapangyarihan upang ganapin ang mga ito.

PAANO ITO NANGYARI?

MGA GAWA 10:17-21,2317 Habang pinag-iisipan ni Pedro kung ano ang kahulugan ng pangitaing iyon, dumating naman sa lunsod ang mga isinugo ni Cornelio. Ipinagtanong nila ang bahay ni Simon at pagdating doon ay tumawag sila sa may pintuan.

MGA GAWA 10:17-21,2318 Itinanong nila kung doon nga nanunuluyan si Simon na tinatawag ding Pedro.  19 Pinag-iisipan pa ni Pedro ang kahulugan ng pangitain nang sabihin sa kanya ng Espiritu, "Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo sa ibaba.  20 Bumaba ka't huwag mag-atubiling sumama sa kanila dahil Ako ang nagsugo sa kanila."               

MGA GAWA 10:17-21,2321 Nanaog nga si Pedro at sinabi sa mga tao, "Ako ang hinahanap ninyo. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?“. 23 Pinatuloy sila ni Pedro at doon pinatulog nang gabing iyon. Kinabukasan, siya'y sumama sa kanila, gayundin ang ilang kapatid na taga-Joppa. 

Pinaalala ng Banal na Espiritu kay Pedro na ang Diyos ay

walang itinatangi.

MGA GAWA 10:27-29,34-3527 Patuloy silang nag-uusap habang pumapasok sa bahay, at nakita ni Pedro na maraming taong natitipon doon.  28 Sinabi niya, "Alam naman ninyo na bawal sa isang Judio ang makihalubilo o dumalaw sa isang hindi Judio. Subalit ipinakita sa akin ng Diyos na wala akong dapat ituring na marumi at di karapat-dapat pakitunguhan.  29 Kaya't nang ipasundo ninyo ako, hindi ako nag-atubiling sumama.

MGA GAWA 10:27-29,34-3534 At nagsalita si Pedro, "Ngayon ko lubusang naunawaan na talagang walang itinatangi ang Diyos.  35 Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit taga-saan mang bansa.

Ang Banal na Espiritu ang naghahayag---

na si Hesus ay Panginoon ng lahat

3

MGA GAWA 10:34,3634 At nagsalita si Pedro…. 36

Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Ipinahayag niya sa kanila ang Magandang Balita ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na siyang Panginoon ng lahat! 

Ang mga Salitang hinahayag ni Pedro (Mga Gawa 10:34-43) ay mula sa Banal na Espiritu. Gayundin,sa tuwing tayo’y

magbabahagi ukol kay Hesus, ang Banal na Espiritu ang Siyang

kikilos.

JUAN 16:12-1512 Marami pa Akong sasabihin sa inyo subalit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. 13 Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan Niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin Niya ay hindi mula sa Kanyang sarili,

JUAN 16:12-15kundi ang Kanyang narinig; at ipahahayag Niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap. 14 Pararangalan Niya Ako sapagkat tatanggapin ng Espiritu mula sa Akin ang ipahahayag Niya sa inyo.

JUAN 16:12-1515 Ang lahat ng sa Ama ay sa Akin, kaya Ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa Akin at ipahahayag Niya ito sa inyo.

Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay-buhay4

MGA GAWA 10: 44-4844  Nagsasalita pa si Pedro, nang bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig.  45 Namangha ang mga mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro sapagkat ang Espiritu Santo ay ipinagkaloob din sa mga Hentil. 

MGA GAWA 10:44-4846 Narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba't ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Kaya't sinabi ni Pedro,  47

"Tulad natin, sila'y pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Sino ang makakapagbawal na bautismuhan sila sa tubig?" 

MGA GAWA 10: 44-4848 At iniutos niyang bautismuhan sila sa pangalan ni Jesu-Cristo. Pagkatapos, hiniling nila kay Pedro na manatili pa roon nang ilang araw.

Hindi tao ang nagliligtas, ito ay gawa ng Banal na Espiritu.

JUAN6:6363 Ang Espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita Ko sa inyo ay pawang espiritu at pawang buhay.

SINO TAYO SA

DALAWA?

Hindi lang dapat tayo mahikayat kung hindi ay

tunay na magbalik-loob sa Diyos at tanggapin ang

katotohanan at buhay na hinahayag sa atin ng Banal

na Espiritu.

top related