ligtas ang kinabukasan ng lahat kung may national land … · sa pagpaplano at paggamit ng lupa...

Post on 23-Sep-2020

11 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

NATIONAL LAND USE ACT (NLUA)

Ligtas ang Kinabukasan ng Lahat Kung May

Gera

ld M

. Nic

ola

s/ J

JC

ICS

I

DALOY NG TALAKAYAN

1. Bakit natin kailangan ang NLUA?

2. Ano ang nilalaman nito?

3. Anu-ano ang mga isyung ikinakabit dito?

4. Nasaan na ang NLUA?

NATIONAL LAND USE ACT

Ang panukalang batas na ito ay magpapatibay (institutionalize) sa pagpaplano at paggamit ng lupa para mas maayos namalaman at masuri ang angkop na gamit ng lupa at ang mainamna alokasyon nito.

Kung maisasabatas, matutugunan nito ang pangangailangangitakda, gamitin, pangasiwaan, at linangin ang lupa at iba pang likas-yaman sa pangkabuuan (holistic) at sa paraang mas makatwiran at makatarungan (rational and just).

NATIONAL LAND USE ACT

Sa Timog Silangang Asya, angPilipinas lamang ang walangmalinaw at komprehensibong batastungkol sa paggamit ng lupa.

At ito ay naging daan para sa pang-aabuso at maling paggamit ng likas-yamang lupa.

ANO ANG LAND USE PLANNING?

Ang land use planning ay nakatuon sa wastongpangangasiwa ng mga lupain at mga yaman nito(land resources) .

Gabay ito para sa pagpapasiya kung paanogagamitin ang lupa nang hindi ipinapahamak anginteres ng publiko at kapakanan ng mas nakararamihabang isinusulong ang kabutihan ng lahat(common good).

Unang inihainnoong ika-9 na Kongresosa ilalim niPangulongRamos

1994 2001 2004 2007 2012 2013

Inihain bilangHouse Bill 6056 sa ilalimng ika-12 Kongreso

Hindi umusad saSenado sailalim ng ika-13 Kongreso

Hindi nabigyangpansindahil mas tinutukanng ika-14 naKongresoang Free Patent Bill

Naipasa bilangHB 6545 saMababangKapulungan; naipasa sasecond reading saSenado bilangSB 3091 sailalim ng ika-15 Kongreso

Naipasa saikatlongpagbasa saMababangKapulungansa ilalim ng ika-16 naKongreso

ILANG TAON NA ANG NLUA?

Inihain bilangHouse Bill 52 sa ilalim ng ika-17 naKongreso

Hindi umusad saKomite ng Senado ang NLUA Bill

2015 2016 2017

Naipasa bilangHouse Bill 5240 saMababangKapulungan; Limang bersyon ng NLUA Bills ang nakalatag saSenado subalitwalang isinagawangpublic hearing ang komite sapamumuno ni Sen. Cynthia Villar

BAKIT NATIN KAILANGAN ANG NLUA?

LANDSLIDE SA CHERRY HILLS, 199958 PATAY

Gre

enpeace

PAYATAS TRASHSLIDE, 2000MAHIGIT 300 PATAY

Ark

ibongbaya

n

BAGYONG WINNIE, 2004MAHIGIT 1,400 PATAY

Rapple

r

BAGYONG ONDOY, 2009464 PATAY

Philip

pin

e D

aily In

quire

r

BAGYONG SENDONG, 2011MAHIGIT 1,300 PATAY

PO

1 M

arc

Cla

ro / Ilig

an

City P

olic

e O

ffice

BAGYONG PABLO, 2012MAHIGIT 1,000 PATAY

John J

avella

na

BAGYONG YOLANDA, 2013MAHIGIT 6,300 PATAY

Getty Im

ages

BAGYONG OMPONG, 2018MAHIGIT 120 PATAY

Jonath

an C

ello

na, A

BS

-CB

N N

ew

s

BAKIT NATIN KAILANGAN ANG NLUA?

UnaDumarami tayo pero hindinaman lumalawak ang lupapara mapagtaniman, matirahan, at makapaghanapbuhay. K

are

n K

asm

au

ski/C

orb

is

Ikalawa

Maraming batas ukolsa palupa pero may ilang nagkakasalungat.

CARL UDHA

IPRAFISHERIES

CODE

BAKIT NATIN KAILANGAN ANG NLUA?

IkatloAng mga planong may kinalaman sa lupa ng mgalokal na pamahalaan ay madalas luma na at hindinaipatutupad.

Dep

artm

en

t of N

atio

na

l Defe

nce

(DN

D) / A

FP

/Ge

ttyIm

ag

es

BAKIT NATIN KAILANGAN ANG NLUA?

IkaapatAng pagbabago sa klimaay higit na naglalagay samaraming pamilya at komunidad sa higit napanganib.

Gera

ld M

. Nic

ola

s/ J

JC

ICS

I

BAKIT NATIN KAILANGAN ANG NLUA?

ANO ANG NILALAMAN NG NLUA?

ANO ANG NILALAMAN NG NLUA?

Layon nitong pagtibayin (institutionalize) ang pagpaplano ng paggamit ng lupapara malaman at masuri ang wastong gamit at kaukulang alokasyon nito bataysa apat na pangunahing gamit:

PROTECTION LAND USE

PRODUCTION LAND USE

SETTLEMENT DEVELOPMENT

INFRASTRUCTURE LAND USE

PROTECTION LAND USE

Ang pangunahing gamit ng lupaay para sa pangangalaga at pagpapanibagong-buhay(rehabilitation) ng likas-yaman at mga sistemang nagbibigay-buhay (life-support systems)

Gera

ld M

. Nic

ola

s/ J

JC

ICS

I

PRODUCTION LAND USE

Ang paggamit ng lupa upang itoay makapamunga: pagsasaka, palaisdaan o aquaculture, agro-forestry, pagpapastol, pagmimina, paglilinang ng enerhiya, industriya, at turismo.

Maya

Lyn

Manocsoc

SETTLEMENT DEVELOPMENT

Ang pagsasaayos ng mgakasalukuyang panirahanan o pagtatayo ng mga bagongpanirahanan para sa mas maayos na paglulugar ng populasyon at paghahatid ng mga batayang serbisyo. G

era

ld M

. Nic

ola

s/ J

JC

ICS

I

INFRASTUCTURE LAND USE

Ang paggamit ng lupa para gawing mas mabilis ang daloy ng mga produkto at serbisyo. Kabilang rito ang mga kalsada, pasilidad para sa transportasyonat komunikasyon, kuryente at patubig, at iba pa.

Byro

n A

lcanta

ra

ANO ANG NILALAMAN NG NLUA?

• Sa pamamagitan ng isang National Physical Framework Plan (NPFP), layon ng NLUA na gawing batayan ng anumangplanong pangkaularan (development planning) ang planongpanglupa (physical land use plan).

• Itinatadhana nito ang pagbubuo ng isang National Physical Framework Guidelines na gigiya sa pagtukoy sa uri at gamitng lupa sa lokal na lebel para sa Comprehensive Land Use Planning (top-down approach). Sa pagbubuo at pagrerepasong mga planong ito ay tinitiyak ng NLUA ang pakikilahok ng mga mamamayan (bottom-up approach).

• Ang national, regional, at provincial framework plans ay may saklaw na 30 taon, at rerepasuhin bawat 10 taon.

ANO ANG NILALAMAN NG NLUA?

NB-NLUCNEDA Board – National Land Use Committee

NLUPC

RLUPC

PLUPMB

C/MLUMBCity/ Municipal Land Use Planning and Management Board

GUIDELINES

NPFPNational Physical Framework Plan

RPFPRegional Physical Framework Plan

PPFPProvincial Physical Framework Plan

CLUPComprehensive Land Use Plan

National Land Use Policy Council

Provincial Land Use Planning and Management Board

Regional Land Use Policy Council

Sangguniang Bayan

SangguniangPanlalawigan

Zoning Ordinance

• National Land Use Policy Council (NLUPC)

• Ito ang magiging pinakamataas napolicy making body para sa paggamitng lupa at pagresolba sa mga isyungmay kinalaman sa palupa nakinasasangkutan ng mga ahensya, sangay, o lebel ng pamahalaan

• Ito ang direktang mangangasiwa at susubaybay sa mga tagapagplano samga rehiyon, munisipyo, at lungsod.

• NEDA Board National Land Use Committee

• Isa itong advisory body ng Pangulopara sa mga bagay na may kinalamansa land use at physical planning

• Sa kasalukuyan, wala itong mandatopara pangasiwaan at bantayan angpagsunod ng mga local land use planning bodies sa mga National Physical Framework Plans

KASALUKUYANG GAWI MUNGKAHI SA NLUA HOUSE BILL

• Pamumunuan ito ng NEDA Secretary

• May 10 kinatawan mula sa mgaahensya: DAR, DA, DENR, DILG, NCIP, HUDCC, HLURB, NAMRIA, LCP, LMP

• May tig-2 kinatawan mula sa mgapangunahing sektor: (magsasaka, indigenous peoples, maralitangtagalungsod, mangingisda)

• May 4 na kinatawan ang pribadongsektor

• May 1 kinatawan bawat isa angLeagues of Provinces, Cities, and Municipalities

• Ang NB-NLUC ay binubuo ng DENR, DA, DAR, DTI, DPWH, DOTC, DOT, DILG, DOJ, DOST, DOE, HUDCC/HLURB, NCIP, LPP, LCP, LMP at 2 private sector reps

• Walang kinatawan mula sa mgapangunahing sektor

KASALUKUYANG GAWI MUNGKAHI SA NLUA HOUSE BILL

KAPARUSAHAN SA PAGLABAG SA NLUA

May kaukulang parusa para sa mga sumusunod:

• Hindi pagsisimula o pagtatapos ng paglilinang ng mga lupaingpansakahang may aprubadong conversion order

• Pagpapahintulot ng iligal na conversion ng lupa

• Reclassification ng protected agricultural lands at paglampas saitinakdang lawak ng reclassification

• Kabiguang bumuo at ipatupad ang CLUP at zoning ordinance

• Iligal na conversion ng mga parke at kagubatan para gawingsubdivision

ILANG ISYU TUNGKOL SA NLUA

ANG MGA PRIME AGRICULTURAL LANDS AY GINAGAMIT PARA SA PRODUKSYON. PERO SA NLUA, KASAMA RIN ANG MGA

ITO SA PROTECTION LAND USE. BAKIT?

ISYU #1

PRIME AGRICULTURAL LAND?

“…all contiguous irrigated areas and irrigable lands already coveredby irrigation projects; all alluvial plain lands highly suitable foragriculture, whether irrigated or not, that have been identified tosatisfy the country’s needs for food self-sufficiency and security; agro-industrial croplands or lands presently planted and suitable toindustrial and high value crops; highlands, or areas located at elevationof five hundred (500) meters or above and have the potential forgrowing semi-temperature and high value crops outside of declaredpermanent forestlands and protection forests and not located inecologically-fragile and environmentally-critical areas; …”

Ang kabuuang lupangtinatamnan ng palay ay aabotsa 4.35 milyong ektarya.

Ang ani mula sa isang ektaryaay sasapat sa 20 tao.

FM

SC

Dis

tributio

n P

artn

er -

Philip

pin

es

FOOD SUFFICIENCY

Ibig sabihin, ang ani mula sa4.35 milyong ektaryang lupaay sapat sa 87 milyongPilipino.

Pero noong 2014, tinatayangang ating populasyon ay umabot na ng 100 milyon.

Angel C

arb

allo

| Kais

ahan

FOOD SUFFICIENCY

PAANO MAKATUTULONG ANG NLUA SA PAGTUGON NATIN SA MGA

EPEKTO NG CLIMATE CHANGE?

ISYU #2

MITIGATION AT ADAPTATION

Kung mayroon tayongmaayos na land use planning, mapaglalaananng mas ligtas na lugar angmga pamilya para hindi nasila manatili sa mgadelikadong lugar.

Gera

ld M

. Nic

ola

s/ J

JC

ICS

I

Mapapangalagaan din angmga lugar na mahalaga para manatili ang ecological balance, na mahalaga para mapababa ang ating pagiginglantad sa mga epekto ngclimate change.

Maya

Lyn

Manocsoc

MITIGATION AT ADAPTATION

PAANO MAKATUTULONG ANG NLUA SA PAMBANSANG KAUNLARAN O

NATIONAL DEVELOPMENT?

ISYU #3

INCLUSIVE GROWTH, HINDI ANTI-DEVELOPMENT

Kung maayos na nailalaan anggamit ng lupa at kalapit nakatubigan, mas mabibigyan ng pagkakataon ang mgamagsasaka at mangingisdangmagkaroon ng pangmatagalang at maayos nahanapbuhay.

Gera

ld M

. Nic

ola

s/ J

JC

ICS

I

NASAAN NA ANG NLUA?

Sa MababangKapulungan:

• Naipasá ang NLUA Bill noongMay 2, 2017.

• Iniakda ito ng mahigit 35 namambabatas.

Sa Senado:• Isinusulong ang NLUA ng Committee on

Environment and Natural Resources, napinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar.

• May limang bersyon ang NLUA

• Senate Bill 25 – Sen. Gringo Honasan

• Senate Bill 34 – Sen. Loren Legarda

• Senate Bill 1015 – Sen. Joel Villanueva

• Senate Bill 1144 – Sen. Risa Hontiveros

• Senate Bill 1522 – Sen. Miguel Zubiri

• Wala pang isinasagawang public hearing ang komite na pinamumunuan ni Sen. Villar

Philip

pin

e S

tar

Sa Senado:

• Nabanggit ni Pangulong Duterte ang NLUA bill bilang priority bill sa kanyangikalawa at ikatlong State of the Nation Address (SONA)

• Kabilang din sa priority bills ng Legislative – Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang NLUA bill mulanoong 2016 hanggang 2018.

Philip

pin

e S

tar

MAKIBAHAGI SA PANAWAGAN:

IPASA ANG NLUA!

BAKIT KAILANGANG I-REGULATE ANG PAGGAMIT NG LUPA?

ARTIKULO XIII

SEKSYON 1

Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na prayoridad ang pagsasabatasng mga hakbanging mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng

mga mamamayan sa dignidad na pantao, magbabawas sa mga ‘di pagkakapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika, at papawi

sa mga ‘di pagkakapantay-pantay na pangkalinangan sa pamamagitan ng ekwitableng pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampulitika para

sa kabutihan ng lahat.

Tungo sa mga mithiing ito, dapat regulahin ng Estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit, at paglilipat ng ari-arian at ng mga bunga nito.

AYON MISMO SA ATING SALIGANG BATAS:

ARTIKULO XII

SEKSYON 6

Ang paggamit ng ariarian ay may nauukol na tungkuling sosyal, at lahat ng mgakinatawang pangkabuhayan ay dapat mag-ambag sa kabutihang panlahat. Dapatmagkaroon ng karapatan ang mga indibidwal at mga pribadong pangkat, kabilang

ang mga korporasyon, mga kooperatiba, at katularing mga lansakangorganisasyon, na magmay-ari, magtatag at magpalakad ng mga negosyong

pangkabuhayan, sa saklaw ng tungkulin ng Estado na itaguyod ang marapat nakatarungan at manghimasok kapag hinihingi ng kabutihang panlahat.

AYON MISMO SA ATING SALIGANG BATAS:

BAKIT KAILANGANG I-REGULATE ANG PAGGAMIT NG LUPA?

Now if the earth truly was created to provide manwith the necessities of life and the tools for his ownprogress, it follows that every man has the right toglean what he needs from the earth. The recentCouncil reiterated this truth: "God intended the earthand everything in it for the use of all human beingsand peoples. Thus, under the leadership of justiceand in the company of charity, created goods shouldflow fairly to all." All other rights, whatever they maybe, including the rights of property and free trade, areto be subordinated to this principle.”

testa

dels

erp

ente

.wo

rdp

ress.c

om

POPULORUM PROGRESSIO (#22)The Development of Peoples, 1967

POPE PAUL VI

ALINSUNOD RIN SA MGA TURO NG SIMBAHAN

Nowadays, for example, we are conscious of thedisproportionate and unruly growth of many cities,which have become unhealthy to live in, not onlybecause of pollution caused by toxic emissions butalso as a result of urban chaos, poor transportation,and visual pollution and noise. Many cities are huge,inefficient structures, excessively wasteful of energyand water. Neighborhoods, even those recently built,are congested, chaotic and lacking in sufficient greenspace. We were not meant to be inundated bycement, asphalt, glass and metal, and deprived ofphysical contact with nature.”

Cath

olic

Churc

h E

ngla

nd a

nd W

ale

s / F

lickr

ALINSUNOD RIN SA MGA TURO NG SIMBAHAN

POPE FRANCIS LAUDATO SI’ (#44)Praise Be to You: On the care for our common home, 2015

CAMPAIGN FOR LAND USE POLICY NOW!

Pambansang Kilusan ng Samahang Magsasaka (PAKISAMA) * PambansangKatipunan ng mga Samahan sa Kanayunan (PKSK) * Koalisyon ng mga KatutubongSamahan ng Pilipinas (KASAPI) * Pambansang Koalisyon ng Kababaihan saKanayunan (PKKK) * NGOs for Fisheries Reform (NFR) * Urban Land ReformMovement * Philippine Association for Intercultural Development (PAFID) *People’s Campaign for Agrarian Reform Network (AR Now!) * Sentro ngAlternatibong Lingap Panligal (SALIGAN) * BALAOD Mindanaw, Inc. * AlternativeLaw Groups (ALG) * John J. Carroll Institute on Church and Social Issues (JJCICSI) *Asian NGO Coalition for Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC) *Philippine Partnership for the Development of Human Resources in Rural Areas(PhilDHRRA), Institute of Politics and Governance (IPG), Center for Agrarian Reformand Rural Development (CARRD), Kaisahan tungo sa Kaunlaran sa Kanayunan atRepormang Pansakahan (KAISAHAN), Center for Agrarian Reform Empowermentand Transformation (CARET), AKBAYAN Citizens Action Party, 53 Ektarya ngMacabud, PANAW Sumilao MPC, Alyansa Tigil Mina (ATM), Philippine Legislators’Committee on Population and Development (PLCPD), Haribon Foundation, TaskForce Baha Talibayog (TFBT), Partnership of Philippine Support Service Agencies(PhilSSA), Focus on the Global South, Philippine Rural Reconstruction Movement(PRRM), Tambuyog Development Center

MARAMING SALAMAT.

Gera

ld M

. Nic

ola

s/ J

JC

ICS

I

This document was prepared by John J. Carroll Institute

on Church and Social Issues (JJCICSI) for the Campaign

for Land Use Policy Now (CLUP Now!).

The printing of this document was made possible by the

International Land Coalition (ILC) through the National

Engagement Strategy Philippines. The information and

views expressed in this document do not necessarily

reflect those of ILC.

National Engagement Strategies are multi-stakeholder processes set in

motion by the International Land Coalition to promote people-centered land

governance, by influencing the formulation and implementation of land

policies and programs. NES processes and their platforms are led by

national actors, including non-ILC members, and are linked to regional and

global processes of the International Land Coalition. [For more information:

http://www.landcoalition.org/en/national-engagement-strategies.

NES Philippines may be reached at:

c/o ANGOC

33 Mapagsangguni Street, Sikatuna Village

Diliman, 1101 Quezon City, Philippines

P.O. Box 3107 QCCPO 1101, Quezon City, Philippines

Tel: +63-2-3510581 Fax: +63-2-3510011

Email: angoc@angoc.org

top related