(likas na yaman)

Post on 12-Nov-2014

12.572 Views

Category:

Documents

12 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Likas na YamanAng likas na yaman ng Pilipinas ay binubuo ng yamang lupa, tubig,gubat at mineral.

May tatlong uri ng likas na yaman ayon sa anyo:1. Yamang nauubos at Di Napapalitan

- Ito ang mga yamang hindi maaaring palitan kahit kailan. Hindi rin maibabalik sa dating anyo kapag nagamit na.

2. Yamang Napapalitan- Ito ay mga yamang maaaring palitan kapag

naubos. Kabilang dito ang mga yamang gubat tulad ng punongkahoy at yamang tubig tulad ng isda.

3. Yamang Hindi Nauubos- Ito ay mga yamang hindi nauubos kahit

laging gamitin tulad ng hangin, tubig at lupa.

Uri ng Likas na Yaman

a. Yamang Lupa Sa kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas humigit-kumulang sa 28.3 bahagdan o 84,900 kilometro parisukat ang lupang sakahan.Buhat sa mga lupang sakahan ay ang mga halamang tumutugon sa ating pagkain tulad ng bigas, gulay, prutas at iba pa.

Sa Negros,Cebu, Tarlac at sa Batangas ang pangunahing tanim ay tubo kung saan nanggagaling ang asukal. Narito sa Pilipinas ang pinakamalaking gawaan ng asukal.Ang kopra ay isa sa produktong iniluluwas sa ibang bansa. Sariwang buko sa Japan, Canada, Australia, Korea at Estados Unidos.

b. Yamang Gubat Malawak ang kagubatan ng Pilipinas. Ito ay isa sa pinakamahalagang yaman ng bansa. Binubuo ng komersyal na kagubatan ang sangkapat ng kabuuang lupa ng bansa.May animnapung uri ng puno ang nagagamit na pangkomersyal.

Uri ng Kakahuyan

1. Dipterocarp Nangunguna sa uri ng kakahuyan ang dipterocarp.Angkop ito sa tuyong panahon. Madali itong nabubuhay sa ating mga kagubatan. Kabilang sa dipterocarp ang tangile, guijo,mayapis, apitong, lauan at yakal. Tinatawag silang Philippine mahogany. 70% ng nakukuhang troso ay buhat dito. Ito ay ginagamit sa paggawa ng mesa,tulay,muebles at troso.

2. Molave Ito ay kakahuyang may mataas na uri, maganda, at matibay. Kabilang dito ang narra, dao at ipil. Ginagamit ito sa paggawa ng kabinet, silya, mesa, kama at iba pa. Ginagamit din ito sa paggawa ng bahagi ng bahay tulad ng pinto, hamba, pasamano, sahig at hagdanan.

3. Pine Uri ng kakahuyan na ginagamit sa pagpapatayo ng bahay sa Lalawigang Bulubundukin. Ito ay matatagpuan sa malalamig na lugar. Ang mga kahoy na ito ay ginagamit din bilang poste ng koryente o kable ng telepono.4. Mangrove Ang uri ng kakahuyang ginagamit sa magagaang na konstruksyon, panggatong at ginagawang uling.Ang mangrove ay matigas na uri ng kahoy na hindi kalakihan ang taas. Ang mga ugat nito ay sanga-sanga at naka-angat sa tubig na siyang pinagtataguan ng mga maliliit na isda.

5. MossyIto ay malumot na kakahuyan na tumutulong sa pangangalaga at pagtitipid din ng tubig.

c. Yamang Tubig Ang katubigan sa Pilipinas ay tinatayang 1,666,300 kilometrong parisukat. Mas malaki sa lupain dahil ang ating bansa ai isang kapuluan.

- Ang 2 157 uri ng isda ang kilala sa ating bansa. -Ang pinakamalaking isda sa mundo ay matatagpuan sa Pilipinas. Ito ay anim na metro ang haba at tinatawag na Balyenang Pating o Rhineodan Typus.- Ang Pandaca Pygmea na pinakamaliit na isda sa daigdig na may sukat na labing-isang milimetro ay matatagpuan din sa Pilipinas.- Sa Dagat ng Palawan natagpuan ang pinakamalaking perlas sa daigdig, ang “Perlas ni Allah”.

d. Yamang Mineral Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa mineral. Ito ang may pinakamalaking deposito ng chromite sa daigdig.May saganang deposito rin dito ng nikel kung kaya’t maraming bansa ang umaasa sa atin sa mga mineral na kulang sila.

Mineral na Metal Mineral na Di-Metal Mineral na Panggatong

Bakal at Ferroalloya. Chromiumb. Manganesec. Nikeld. Bakale. Molybdenum

Mineral na Ceramic at Refractorya. Magnesiteb. Luad

a. Karbonb. Langis

Uri ng Yamang Mineral

Mineral na Metal Mineral na Di-Metal Mineral na Panggatong

Base Metala. Tansob. Tinggac. Zincd. Aluminume. Asoge

Mamahaling Metalf. Pilakg. Ginto

Mineral na Kemikal at Patabaa. Asupreb. Guanoc. Phosphated. Gypume. Pyrite

Iba pang mineral na pang-industriya

f. Asbestosg. Marmolh. Aspaltoi. Talc

Uri ng Yamang Mineral

-Ang malaking deposito ng chromite ay matatagpuan sa Zambales-Ang pinakamalaking deposito ng nikel ay matatagpuan sa pulo ng Nonoc Surigao.-Deposito ng Tanso ( Ilocos Norte, Zambales, Batangas at Cebu)-Bakal ( Camarines Norte, Ifugao, Bataan at Cagayan)-Manganese (Pangasinan, Tarlac, Masbate, at Camarines Sur)-Ginto ( Baguio, Paracale,Camarines Sur, Masbate, Surigao, at Bulacan)-Marmol (Romblon)-Guano (mga kweba ng Zambales, Palawan at panay-May natagpuan ding mina ng langis sa Toledo, Cebu, sa Reeds Bank at sa pook sa silangang bahagi ng palawan.

Mga Mineral at Lugar kung Saan Matatagpuan

Basahin at intindihin ang bawat pahayan. Pumili ng isa sa pagpipilian sa

ibaba para sa wastong sagot at i-click ang kahon.

Subukan (Mali)

Subukan (Mali)

Subukan (Mali)

Subukan (Tama)I – click para sa unang

tanong

Ang Yamang Mineral ay maaaring metal at di-metal. Sa mga sumusunod na mineral, alin ang itinuturing na di-metal?

Bakal

Chromite

Tingga

Graba

Sa Romblon matatagpuan ang pinakamahalagang deposito ng marmol. Sa anong likas na yaman kabilang ito?

Yamang Gubat

Yamang Mineral

Yamang Tubig

Yamang Lupa

Ang ating bansa ay biniyayaan ng saganang likas-yaman. Sa anong yamang dagat kilala ang SOCSARGEN?

Hipon

Galunggong

Tuna

Bangus

Alin ang itinuturing na pinakamahalagang yamang-likas sa ating bansa?

Gubat

Mineral

Lupa

Tubig

Alin sa mga sumusunod na mga halimbawa ang likas na yamang napapalitan?

Langis

Marmol

Guano

Puno

Ang lalawigan ng Benguet ay isa sa mga pook na pinagmiminahan ng ginto. Sa anong uri ng yamang- likas kabilang ito?

Yamang Gubat

Yamang Lupa

Yamang Mineral

Yamang Tubig

Sa aling pangkat sila nabibilang: ang init ng araw, halamang dagat, hangin, geothermal, biogas, langis ng niyog?

Yamang Mineral

Yamang Enerhiya

Yamang Gubat

Yamang Lupa

Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang pagiging mayaman ng bansa sa likas na yaman. May iba’t ibang uri pa ito. Sa mga sumusunod, alin ang nabibilang sa yamang tubig?

Buhangin

Korales

Lauan

Puno

Ang Pulo ng Basilan ay itinuturing na Hardin sa Ilalim ng kweba. Anong likas na yaman ang sagana dito?

Abaka at Tubo

Niyog at Palay

Palay at Tabako

halamang-ugat, kabibe at mga korales

Alin sa mga sumusunod ang di-likas na yaman?

Kalsada

Daungan

Baybayin

Kabundukan

top related