m y report

Post on 20-Jun-2015

1.260 Views

Category:

Documents

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

ANG KLIMA AT BEHETASYON NG

ASYA

Balangkas ng globo

Klima

• KLIMA – kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon.

• PANAHON – kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras.

Ang pagbabago ng klima at panahon ay sanhi ng pagbabago ng init ng o ng sinag ng araw gawa ng pag-ikot ng mundo sa kanyang axis,ebaporasyon,presipitasyon at ihip ng hangin.

• Ang lahat ng uri ng klima ay nararanasan sa Asya.Dahil sa lawak ng sakop ng kontinente,halos nakalatag ito sa lahat ng latitud ng mula sa 0 degree sa ekwador hanggang 90 degree sa Arctic.Bukod pa rito,nariyan ang iba’t-ibang topograpiya ng mga lupain at ang lapit at ang layo sa mga anyong tubig.

Latitud at Klima Distansya sa Karagatn at Hanay ng Bundok Pagkalantadsa Halumigmig at EkwadorHabagat o monsoon

MGA SALIK NA NAGIGING SANHI NG PAGKAKAROON NG IBA-IBANG

KLIMA SA ASIA

MGA SALIK NA NAGIGING SANHI NG PAGKAKAROON NG IBA-

IBANG KLIMA SA ASIA LATITUD AT KLIMA

• Ang latitud ay ang distansya mula sa ekwador patungong hilaga o patimog, na nasusukat sa digri.

• Ang rehyon

na nakalatag sa pagitan ng 60 digri latitud hanggang sa polo ang tinatawag na mataas na latitud.

• Ang rehyon namang nakalatag sa pagitan ng 60 digri at 23 digri pahilaga at patimog ay tinatawag na gitnang latitud .

• Ang rehyon nakalatag mula sa 0 digri ng ekwador hanggang sa Tropiko ng Cancer (23°) sa hilga at Tropiko ng Capricorn (23°) sa timog ang tinatawag namang mababang latitud.

• Nararanasan sa mataas na latitud ang klimang polar na kung saan ang pangkaraniwang klima ay hindi tumataas sa mayelong klima kahit na sa pinakamainit na buwan ng panahon dito.Sanhi nito,ang mga lupain sa mga rehyong ito ay hindi kailanman nagiging tirahan ng tao.

• Mahalumigmig naman ang klima sa gitnang latitud.Ang klima dito ay higit na malamig kaysa sa tropiko at mainit-init naman kaysa polar.Ito ay dulot ng pahilis na sinag ng araw sa loob ng ilang bwan at direktang sinag naman dito sa ilang buwan pang natitira.

• Sa mababang latitud naman nararanasan ang pinakamababang presyon ng klima sa daigdig.Napakainit ng klima sa rehyong ito, kung kaya’t tinawag itong Tropical o sonang torrid. Ito ay sanhi ng palagiang direktang sinag ng araw sa katanghalian sa mga lupaing ito.

Distansya sa dagat at hanay ng Bundok.

Dahil sa napakalawak na sakop ng interyor ng asya, hindi halos naaabot ang mga ito ng halumigmig na hangin at ulang nanggagaling sa karagatan.Ito ang sanhi ng sukdulang pagkakaiba ng temperatura sa pagitan ng tag-init,taglamig at tagtuyot sa rehyon.

PAGKALANTAD SA HALUMIGMIG AT EKWADOR

Ang pagiging lantad ng Timog Asia at Timog-silangang asya sa halumigmig at sa ekwador ay nagbibi8gay dito ng masaganang ulan at mataas na temperatura sa loob ng buong taon.

HABAGAT(MONSOON)

Ang habagat o monsoon ay isang natatanging hanging nararanasan sa Asia.Ito ay pana-panahong hanging dulot ng pagbabago ng presyon at ng atmospera sa Gitnang Asia.Sa panahon ng tag-init,ang init ng dulot ng direktang sinag ng araw sa Gitnang Asia ay bumubuo ng mababang presyon na nagiging sanhi ng pagpasok ng

Hanging nagmumula sa malamig na karagatang nagdadala ng malakas na ulan sa India,Timog-Silangang Asya,China at Japan.Ang monsoon na ito, ay higit na kilala sa pangalang hanging habagat o basang monsoon.Karaniwan na itong nararanasan sa rehyong sa pagitan ng Mayo at Setyembre.

Sa panahon ng taglamig, kakaiba naman ang ihip ng hanging nagaganap sa rehyon.Ang pagdaloy ng init na dulot ng araw sa ekwador patimog, ay nagdadala naman ng malamig na hangin papasok sa interyor ng rehyon.Ang mataas na presyong binubuo ng atmospera sa lupaing ito, ay nagiging sanhi ng pagdaloy ng hanging nagmumula sa Gitnang Asya palabas sa Timog karagatan

Nito.Walang dalang ulan ang monsoon na ito na kung tawagin ay hanging amihan o tuyong monsoon.Ito ay karaniwan nang nararanasan sa rehyon mula Enero hanggang Agosto.

IBA’T IBANG URI NG KLIMA SA ASIA

1. KLIMANG HALUMIGMIG TROPIKAL

Mahalumigmig ang hangin sa humid tropikal na klima.Karaniwan nang nararanasan ang ganitong uri ng klima sa mga lupaing malapit sa ekwador, sa pagitan ng Tropiko ng Cancer at Tropiko ng Capricorn.

• Buong Taong halumigmig Tropikal

Ito ay karaniwan nang nararanasan sa India at sa higit na maraming bansa sa Timog-silangang asya. Madalas maranasan ang malakas na tag-ulan at buong taong mataas na temperatura sa mga lupaing ito.

• Tuyong Taglamig na Halumigmig Tropikal

Ang klimang ito ay dulot din ng mataas na temperatur at silangang bahagi ng Indonesia.a sa partikular na rehyong ito.Ngunit kapansin pansin dito ang katiyakan ng panahon ng tagtuyot at tag-ulan.Masaganang ulan ang dulot ng ganitong klima sa mga lupaing nagpapasaganasa mga anyong tubig ng rehyon.Tuyot naman ang sanhi nito sa panahon ng tag-init.Nararanasan ang ganitong uri ng klima sa Hilagang-silangang bahagi ngIndia,Indochina at Indonesia.

2. KLIMANG SUBTROPIKAL

• HALUMIGMIG SUBTROPIKAL

Karaniwan nang nararanasan ang halumigmig na klima sa mga lupaing ito.Di gaanong malamig na taglamig at di gaanong mainit na tag-init ang klimang ito.Ang China ay isang magandang halimbawa ng klimang ito.

3. TUYONG KLIMA• TUYONG KLIMA

Dahil sa kakaunting pag-ulan o kawalan ng ulan sa buong taon, karaniwan nang tuyo ang mga rehyong nagtatamasa ng ganitong klima.Sa tropiko matatagpuan ang pinakamainit na klimang arid.Ang mga lupaing nakakaaranas ng ganitong klima ay matatagpuan sa tangway ng Arabia,Hilagang-kanlurang bahagi ng India at Hilagang Asia.

• Malatuyong Klima

Ang klimang ito ay dulot ng pana-panahonh pagbabago sa klima ngunit pangkaraniwan na sa ganitong uri ng klima ang maigsing tag-ulan.Nararanasan ang ganitong uri ng klima sa bandang Hilagang-kanlurang Asia, partikular sa China.

4.Malamig na klimang halumigmig

• Halumigmig Kontinental

Tipikal ang ganitong uri ng klima sa Hilagang Siberia.Pantay ang dami at dating ng ulan sa mga lupaing ito at karaniwan nang napakalamig ng taglamig. Gayundin ,higit na mainit ang tag-init sa mga rehyong ito kaysa sa mga lupaing may klimang oceanic.

• Subarctic

Karaniwan na ang ganitong uri ng klima sa pinakahilagang hating-globo bago ang klimang polar.

Klima sa mataas na Lugar

Ito ang klimang matatagpuan sa mga rehyong mabundok.Gaya ng nabanggit na ang temperatura sa mabundok na rehyon ay naaayon sa elebasyon nito at hindi sa latitud.Dahil dito, higit na lumalamig dito.Patunay ang higit na paglamig ng klima sa higit na mass mataas na lupain.

Ang klima at ang mga Asyano

• Tinitustusan din ng klima ang sapat na damuhan ang mabato, matalampas at mabundok naTibet,Mongolia at Nepal.

• Ang klima ay nagdudulot din ng pinsala sa buhayat ari-arian ng mga Asyano.(bagyo at kawalan ng ulan)

• Naiimpluwensyahan din ng klima ang paninirahang Asyano.

BEHETASYON NG ASYA

Kung ating susuriin ang nakabalot na halaman o behetasyon sa daigdig,mapapansin nating ito’y nagtataglay lamang ng tatlong uri ng vegetation(1)puno,(2)damuhan,(3) at iba pang mababang uri ng halaman.Kapansin pansin ang tatlong uri ng behetasyong ito ay nakalatg nang paikot at halinhinan sa daigdig.

Suriin ang ilustrasyon.Ipinakikita ng ilustasyong ito ang kabuuang balangkas ng behetasyon sa Asya pahilaga at patimog.Dalawang bagay ang ipinahahayag nito:

1)Na ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng behetasyong nakalatag sa malawak na lupain ng Asya ay naaalinsunod sa uri ng klimang nararanasan sa mga lupaing ito.

2) na ang pattern ng behetasyon sa hilagang bahagi ng mundo ay tulad ng pattern ng behetasyon sa katimugang bahagi ng daigdig.

Pattern ng Behetasyon ng Daigdig

POLONG HILAGAMAYELO(WALANG BEHETASYON)

TUNDRAKAGUBATAN

DAMUHANDISYERTO

KAGUBATAN

EKWADOR

KAGUBATANDAMUHANDISYERTODAMUHAN

WALANG LUPAINMAYELO(WALANG BEHETASYON)

POLONG TIMOG

0 DEGREE

Impluwensya ng Behetasyon sa mga Asyano

Ang behetasyon ay direktang repleksyon ng klima.Ipinapaliwanag nito na naaayon sa uri ng klima ang nabubuhay na behetasyon sa isang partikular na lupain.

Tundra

• Buhat sa salitang Ruso na ang ibig sabihin ay´Marshy plain.

• Ang mga pook na ito ay karaniwangnapakalamig at mayelo na nababalutan lamang ng lumot o lichen.

• Tinutubuan ng mga pinakamabagal na lumagong halaman.

• Ang reindeer ay karaniwang hayop na makikita rito.

• Tinagurian ding permafrost dahil sa permanenteng pagyeyelo ng lupa.

• Ang mga ikinabubuhay ng mga taga rito ay ang pangangaso ng caribou, musk oxen at foxes at pangingisda.

• Ang mga ganitong uri ng behetasyon ay matatagpuan sa mga lupaing malapit sa Artic Circle

Tundra

Kabuhayan ng mga nakatira sa Tundra

Mga Lupain ng Kagubatang Behetasyon

Tatlong Uri ng Kagubatan sa Asya:

1. Taiga

2. Ang kagubatang broadleaf

3. rain forest

TAIGA

• Nanggaling sa salitang Siberian na ang kahulugan ay kagubatan.

• Karaniwang matatagpuan rito ang malalagong puno ng pine, spruce at fir.

Rain Forest

• Ang maulang gubat (rainforest sa Ingles) ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan.Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada).

• Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng lahat ng oksiheni ng mundo,[3] sa pamamamagitan ng potosentesis mula sa karbon.

Ang Behetasyong Damuhan

• Karaniwang matatagpuan sa Gitna ng Asya.

• Higit na unti ang ulang natatamasa kaysa gubat ngunit mas masagan naman sa disyerto.

Damuhang Steppe

• Ang steppe ay isang uri ng damuhang nakakatagal sa mga lupaing temperate.

• Uri ng behetasyon kung saan mga halamang´Herbaceousµ ang nabubuhay.

• Karaniwan rito ang hanap buhay na pagpapastol at pagpapanginain.

• Karaniwan nang tinaguriang lupang semiarid.

Mga Lupaing Disyerto

• Nakakatanggap lamang ng mababang sukat ng ulan.

• Matatagpuan ang mga disyerto sa gitna at sa mababang latitud .

• Mabilis uminitat lumamig ang lupain dito.

• Matitinik at mabababang palumpon ngmga halaman ang bumubuo sa ganitong behetasyon.(cactus and succelents,wild flowers, desert grsses etc..)

Kakaunti lang ang hayop na nakapamumuhaydito.

Sa gitnang latitud matatagpuan ang pinakamalamig na disyerto(Gobi Desert) samantalang.

Ang maiinit na Disyerto ay matatagpuan naman sa mababang latitud ng daigdig.

Ang mga ilang halimbawa nito ay: Thar-----India Rub-al-Khali ----------Saudi arabia

Implikasyon ng Klima at Behetasyon sa mga Asyano

• Ang klima ang nagtatakda ng mga pangunahing pananim sa isang lupain.(produksyon ng palay)

• Sa mga lupaing maigsi ang tagtuyot,ang mga Asyano ay nakapagtatanim ng buong taon. Sa pagdating ng masaganang ulan, sila ay nakapagtatanim ng 2 beses sa isang taon.

感謝Kansha

top related