maikling kuwento sma 3

Post on 23-Dec-2015

174 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Guro sa Wikang Filipino (Bhs. Tagalog)

Sekolah Indonesia Davao

Maikling Kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa

isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Anong inilalahad?Bilang isang masining na panitikan,

naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

1. SimulaKabilang sa simula ang mga tauhan,

tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. GitnaBinubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan,

tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3.WakasBinubuo ang wakas ng kakalasan at

katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

*Malayang WakasGayunpaman, may mga kuwento na

hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Sa kwento ng tauhan inilalarawan an mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Pagpokus sa Istruktura: (Paggamit ng Padron o Pattern)

Ang Orasan Ang RebentadorAng SayawAng Analisis

Ang OrasanTulad ng pag-ikot ng kamay ng isang orasan,

ang padrong ito ay nagsisimula mula sa unahan ng magkakawing na mga pangyayari hanggang sa kahuli-hulihang pangyayari, maari ring magsimula sa hulihan at mag-flash back, o maaaring magsimula sa gitna at gumalaw pauna o pahuli.

Ang RebentadorSa padrong ito, ang isang pangyayari ang

siyang sanhi ng mga nalikha pa ng mga iba pang pangyayari. Kung walang unang pangyayari maaaring hindi maganap ang mga sumunod nitong pangyayari

Ang SayawSa padrong ito, ang mga nagaganap ay

pabalik-balik sa kani-kanilang mga panahong may kani-kaniyang mga tagpuan

Ang AnalisisSa padrong ito, iniharap ang lahat ng

mga datos, susuriin ang mga ito saka sasabihin ang isang lohikal na kongklusyon

Pagsulat ng Panimula at Wakas

1. Sa Isang TanongTiyakin na ang sagot ay magiging isang

sorpresa sa mamababasa. Ang mga sagot ay nasa katawan ng katha, ang wakas ang magbibigay ng buod na kasagutan.

Halimbawa:Panimula:

Bakit ba ang alaala ng isang dyaket ay nagbibigay ng matinding kalungkutan sa akin?

Wakas:Hindi ba malungkot isipin na ang yakap na pinangulilahan ko sa aking ina, sa gulang na limang taong gulang ay ipinadama lamang noon, ng dyaket na suot ko?

2. Isang SipiNagbibigay agad ng tinig sa isang katha.

Ingatan lamang na mawala ka sa daloy ng pagkukuwento. Maari ka ring gumamit ng sipi sa iyong wakas.

HalimbawaPanimula

“Maaring makita mo ang iyong mommy ngayon, kaya magmadali ka, pupunta tayo sa Makati, para maibili siya ng isang damit bago tayo magtungo sa sanitarium. Iuuwi na natin siya. Baka maisuot niya iyon sa Linggo ng Pagkabuhay”

Wakas:“Hindi natin siya masusundo ngayon at kahit na rin sa Linggo ng Pagkabuhay; at sa lahat ng mga araw na wala siya, ako ang titingin sa inyo, huwag kayong mag-alalla.”

3. AnekdotaIsa itong maikling salaysay, na naghaharap,

sa anyong microcosm, kung ano pa ang mangyayari sa kabuuan ng kuwento. Iuugnay ang wakas sa panimulang ito sa pamamagitan ng pagtutuloy sa anekdota o sa pag-ulit kaya nito.

HalimbawaPanimula:

Nang ako’y may limang taong gulang pa lamang may bago akong dyaket na ayaw kong iwalay sa akin. Hindi ko malaman kung bakit. Binili iyon ng aking ama para sa akin noong 1947.

Wakas:Sa paglukob ng gabi sa aming tahanan noong 1947 suot-suot ko na naman ang dyaket na iyon, dinadama wari ang pagyakap-yakap sa akin na laging ginagawa ng aking ina, noong hindi pa iyon nagkakasakit.

4. AksyonHinahatak ng ganitong panimula ang

mambabasa sa tensyon o momentum ng iyong akda. Kung gagamitin ang aksyon sa wakas, maiiwan mo ang iyong mambabasa, pagkatapos, na waring nadarama pang buhay ang mga pangyayaring binasa sa katha.

HalimbawaPanimula:

Bahagyang yumuko ang aking ama upang isuot sa akin ang kabibiling dyaket, humahaplos ang maiinit niyang palad sa dakong balikat upang lumapat iyon, humahaplos hanggang sa aking mga bisig.

Wakas:Tulad din ng panimula

top related