margin 4 – 7am tagalog service – ptr ferdie taguiang

Post on 17-Jun-2015

234 Views

Category:

Documents

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

MORAL MARGIN

Paglagay Ng Pagitan Laban Sa

Tukso

13 “Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman Niya tinutukso ang kahit sino.” 

SANTIAGO 1:13-15

14 “Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa.” 

SANTIAGO 1:13-15

  15 “Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan.”

SANTIAGO 1:13-15

KATOTOHANAN TUNGKOL SA TUKSO

1. Ang tukso ay hindi galing sa Panginoon.

13 “Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman Niya tinutukso ang kahit sino.” 

SANTIAGO 1:13

2. Ang tukso ay galing sa loob, sariling nasa – bunga ng pagsuway sa Panginoon.

14 “Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa.” 

SANTIAGO 1:14

19 “Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan.”

GALATIA 5:19

3. Ang tukso ay magbubunga ng kasalanan na hahantong sa kamatayan.

15 “Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan.”

SANTIAGO 1:15

8 “Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam,

PAHAYAG 21:8

ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan."

PAHAYAG 21:8

PAANO MAGLAGAY NG

PAGITAN LABAN SA

TUKSO?

1. Maging HANDA sa PAKIKIBAKA.

41 “Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina."

MATEO 26:41

14 “Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa.” 

SANTIAGO 1:14

“Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan.”

GALATIA 5:19

2. Maging hangarin ang kalinisan ng moral – Maging MAPANURI at UMIWAS sa mga alanganing lugar.

3 “Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot,at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot.4 Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog,hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod.

KAWIKAAN 5:3-9

5 Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan, daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan. 6 Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay,ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman.

KAWIKAAN 5:3-9

7 Kaya nga, Aking anak, sa Akin ay makinig, huwag lilimutin, salita ng Aking bibig. 8 Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay, ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.

KAWIKAAN 5:3-9

9 Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba, sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga.”

KAWIKAAN 5:3-

9

9 “Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal Mong kautusan.”

AWIT 119:9

11 “Ang banal Mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa Iyo kailanman.”

AWIT 119:11

3. Maging HALIMBAWA sa PAKIKISAMA.

21 “Ang sinumang lumalayo sa kasamaan ay katulad ng sisidlang natatangi, malinis at karapat-dapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabubuting gawain. 

2 TIMOTEO 2:21-22

22 Kaya nga bilang isang kabataan, iwasan mo ang masasamang pagnanasa, subalit pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis at tumatawag sa Panginoon.”

2 TIMOTEO 2:21-22

4. Maging HANDOG sa PANGINOON.

1 ”Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos.

ROMA 12:1-2

Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.  2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang

ROMA 12:1-2

maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban Niya.”

ROMA 12:1-2

top related