masahol pa kaysa sa una

Post on 13-Feb-2017

393 Views

Category:

Spiritual

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

MASAHOL PA KAYSA SA UNA

Luke 11:24-28 24 Kapag ang karumal-dumal na

espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala siya sa mga tuyong dako. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan ngunit wala siyang matagpuan. Kaya sasabihin niya: Babalik ako sa bahay na pinanggalingan ko. 

25 Sa pagbalik niya, matatagpuan niya itong nawalisan at nagayakan na. 

26 Kung magkagayon, paroroon siya at magsasama ng pito pang espiritu na higit pang masama kaysa sa kaniya. Papasok sila roon at doon maninirahan. Kaya ang kalagayan ng lalaking iyon ay masahol pa kaysa sa una.

27 Nangyari, nang sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, isang babaeng mula sa karamihan ang sumigaw. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo at ang mga susong sinusuhan mo. 

28 Sinabi ni Jesus: Oo, ang totoo ay pinagpala ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sumusunod dito.

2 Peter 2:20-22 20 Ito ay sapagkat nakawala na

sa kabulukan ng sanlibutan ang mga taong kumikilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Subalit kung muli silang masangkot at madaig, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa kaysa sa dati. 

21 Ito ay sapagkat mabuti pang hindi na nila nalaman ang daan ng katuwiran kaysa tumalikod pagkatapos na malaman ang banal na utos na ibinigay sa kanila. 

22 Kung magkagayon, nangyari sa kanila ang kawikaang totoo: Bumabalik ang aso sa sarili niyang suka at sa paglulublob sa pusali ang baboy na nahugasan na.

Mark 9:14-27 14 Sa paglapit nila sa mga alagad,

nakita niya ang napakaraming tao na nakapalibot sa kanila. Ang mga guro ng kautusan ay nakikipagtalo sa kanila. 

15 Kapagdaka nang makita siya ng lahat, sila ay lubhang nagtaka at naglapitan na bumabati sa kaniya.

16 Tinanong niya ang mga guro ng kautusan: Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila?

17 Sumagot ang isa mula sa napakaraming tao: Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na may piping espiritu na siyang dahilan ng kaniyang pagkapipi.

18 Tuwing siya ay sinusunggaban nito, siya ay ibinabalibag nito. Bumubula ang kaniyang bibig at nagngangalit ang kaniyang mga ngipin at siya ay nanunuyot. Sinabi ko sa iyong mga alagad na palabasin ang espiritu ngunit hindi nila kaya.

19 Sinabi ni Jesus: O lahing walang panananampalataya, hanggang kailan ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin.

20 Dinala nga nila siya kay Jesus. Pagkakita kay Jesus, kaagad na pinangisay ng espiritu ang bata. Bumagsak ito sa lupa at nagpagulong-gulong na bumubula ang bibig.

21 Tinanong ni Jesus ang ama ng bata: Kailan pa nangyari sa kaniya ang ganito?Sinabi ng ama: Mula pa sa pagkabata. 

22 Madalas siyang itapon sa apoy at tubig upang siya ay patayin nito. Ngunit kung may magagawa ka, tulungan mo kami, mahabag ka sa amin.

23 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung sumampalataya ka, ang lahat ay maaaring mangyari sa kaniya na sumasampalataya.

24 Kaagad na sumigaw na may luha ang ama ng bata: Sumasampalataya ako, Panginoon. Tulungan mo ako sa kawalan ko ng pananampalataya.

25 Nang makita ni Jesus na patakbong dumarating ang mga tao, sinaway niya ang karumal-dumal na espiritu: Sinabi niya: Espiritu ng pipi at bingi, inuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya at huwag ka nang papasok sa kaniya.

26 Ang espiritu ay sumigaw, pinangisay ang bata at lumabas sa kaniya. Nagmistulang patay ang bata na anupa't marami ang nagsabi na patay na ang bata. 

27 Ngunit nang hawakan siya ni Jesus sa kamay at ibangon, ang bata ay bumangon.

28 Nang makapasok si Jesus sa bahay, tinanong siya nang bukod ng kaniyang mga alagad: Bakit hindi namin siya mapalabas?

29 Sinabi niya sa kanila: Ang ganitong uri ay hindi mapapalabas maliban sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno.

2 Corinthians 5:17

17 Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang.

Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.

john 14:15 Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.

1 john 5:3 Ito ang pag-ibig ng Diyos: Tuparin natin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga utos ay hindi mabigat.

john 3:5

Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu

hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos.

Act 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro,

Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

2 Corinthians 13:5 Suriin ninyo ang inyong sarili

kung kayo ay nasa pananampalataya, subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo kinikilala ang inyong sarili, na si Cristo ay nasa inyo, maliban na lang kung kayo ay mga itinakwil?

God bless

top related