mga bahagi ng pahayagan

Post on 01-Dec-2014

866 Views

Category:

Documents

64 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Mga Bahagi ng

Pahayagan

Isang gabi ay ginising si Adela ng kanyang ina. Nang idilat ni Adela ang kanyang mga mata ay biglang siyang napasigaw. Nakita niya ang kanyang ina na nanginginig ang buong katawan satakot. Nasa likuran niya ang isang lalaking hindi niya kilala. Kinuha niya ang baso ng tubig sa mesa at mabilis na ininom.

1.Sino ang mga tauhan ng talata?2.Ano ang nakita ni Adela sa likod

ng kanyang ina?3.Bakit kya natatakot ang knyang

ina? Ibigay ang iyong palagay.

mga bahagi ng pahayagan:1. Pangmukhang Balita o Pangunahing

Balitaeditoryal

2. Editoryal o Pangulong Tudling3. Balitang Pandaigdig/Pambansa4. Balitang Pampamayanan5. Pitak Pantahanan6. Balitang Panlipunan7. Panlibangan8. Patalastas sa Pagkamatay o Obitwaryo9. Anunsyo Klasipikado10. Palakasan

Balita

Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari

Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita

Ito ay ang balitang nakaimprenta nang malaki sa harap ng pahayagan upang makatawag pansin sa mga mambabasa. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para sa araw ng labas ng pahayagan

Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita

EditoryalIto ay mahalaga sa anumang

pahayagan. Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago.

Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang kartung editoryal.

Editorial cartoon

Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa

iba’t ibang panig ng daigdig.

Naglalaman ito ng mga balita

tungkol sa mga pangyayari o mga proyekto sa iba’t

ibang dako ng bansa.

Nagtataglay ito ng mga resipe at iba pang mga tulong sa pag-aayos

ng tahanan o paglutas ng mga suliraning pantahanan.

Nababasa dito ang tungkol sa mahahalagang salu-salo na

kinabibilangan ng tanyag na mga mamamayan lalo na iyong mga

nabibilang sa mataas na lipunan.

Dito nakikita ang talatakdaan ng mga palabas sa telebisyon, sinehan, at mga

teatro at pitak artista.

Nababasa rito ang anunsyo ng pagkamatay ng isang tao na ibig ipagbigay-alam sa kanyang mga

kamag-anak o mga kaibigan.

Dito mababasa ang mga kalakal na ipinagbibili, mga pinauupahan,

talaan ng mga espesyalista, o pagkakataon sa pagtatrabaho.

Naglalaman ang bahaging ito ng mga balitang may kinalaman sa

larangan ng palakasan maging sa loob o sa labas ng bansa.

Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlong

bahagi:

a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg.

b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan.

c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng awtor.

OpinyonPaglalahad ng

sariling saloobin at paninindigan tungkol sa isang isyu

Lathalain (Feature Story)Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na

naglalayong tumuon sa isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay maaaring nagmumula sa sariling pananaw ng may-akda nito. Ito ay hindi kinakailangang laging nagsasaad ng isang katatapos na pangyayari lamang. Marahil ay pinakamalayang bahagi ng pahayagan.

Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism, reviews, entertainment at culture pages ay nasa anyong lathalain.

1. Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari .2. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para sa araw ng labas ng pahayagan.3. Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang kartung editoryal.4. Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.5. Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism,

1. 2.

3. 4.

5

top related