mga batayang kasanayan sa pagsulat

Post on 09-Mar-2015

5.334 Views

Category:

Documents

8 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

MGA BATAYANG

KASANAYAN SA PAGSULAT

Pagsulat

Ang pagsulat ay isang maingat na proseso ng komunikasyon sa papel patungo sa iba.

Ang pagsulat tulad ng pananalita ay kailangan ng pagsasanay.

Unang hakbang sa pagsulat ang ebalwasyon sa sarili.

“ Bakit kailangang sumulat? “

Mga Uri ng Pagsulat

Ayon kay Garcia may apat na uri ng pagsulat na maaring magamit ng mga mag -aaral..

1.Akademikong Pagsulat2.Teknikal na Pagsulat3.Jornalistik na Pagsulat4.Reperensyal

1. Akademikong Pagsulat

Ang akademikong pagsulat ay nagkakaiba-iba at nabibigyan ng kaurian ayon sa kursong pinag-aaralan ng mga mag-aaral.

-may sariling metodo at paraan ng pagsulat

2. Teknikal na Pagsulat

Isang uri ng komunikasyon sa anumang larangan na ang pangunahing gampanin ay makalikha ng isang tiyak at partikular na impormasyon sa tiyak ding layunin sa partikular na mambabasa.

Madalas gamitin ng mga manunulat-teknikal ang mga espesyal na teknik gaya ng pagbibigay depinisyon, deskripsyon ng mga mekanismo, ng proseso, ng klasipikasyon ng mga interpretasyon.

3. Jornalistik na Pagsulat

Kaurian ayon sa layunin:

a. Jornal bilang pang araw-araw na karanasanb.Jornal bilang gamit sa pahayagan

4. Reperensyal

Tumutukoy ang uri ng pagsulat-reperensyal sa mga sulating bunga ng mga teknikal na pag-aaral, mahabang panahon ng pananaliksik at resulta ng mga eksperimentong ulat.

Halimbawa: ensayklopedya, diksyunaryo, tesis at disertasyon

ANG PROSESO NG MABUTING

PAGSULAT

Ang mga sumusunod na magkasanib na baytang sa pagsulat ay makakatulong sa atin sa pagsulat:

1. Pag – asinta (Triggering)2. Pagtipon (Gathering)3. Paghugis (Shaping)4. Pagrebisa (Revising)5. Pag – edit (Editing)

MGA KINAKAILANGANG

GAWAIN SA PROSESONG

PAGDULOG AT PAGSULAT

PANANALIKSIK

• Ito’y isang pamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangubahing maaring pagkunan, inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at inuulat.

PANANALIKSIK

• Isa itong maingat na pagsusuri sa isang suliranin.

• Isa itong may sistema pag-uusisa upang mapatunayan ang kaalaman.

Mga Uri ng Pananaliksik

1. Palarawan ( Descriptive)2. Eksperimental3. Pangkasaysayan4. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)5. Genetic Study6. Pamamaraang Nababatay sa Pamantayan

(Normative)7. Hambingang Pamamaraan (Comparative)

Mga Bahagi ng Pananaliksik

1. Pasimula – Isinasaad dito ang layunin ng pananaliksik

2. Katawan o Nilalaman – Ipinaliliwanag dito ang mga natuklasan sa ginawang pananaliksik.

3. Wakas o Konklusyon – Ang pangunahing bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng pananaliksik.

Mga Paraan sa Matagumpay na Pananaliksik

1. Pananaliksik2. Pakikipanayam3. Pagtatala4. Paggawa ng balangkas5. Pansamantalang Pagbuo ng Sulatin6. Talasanggunian

PAMANAHONG PAPEL

Ang Pamanahong Papel ay proyektong bumubuo o pagpapakita ng kahusayan sa isinasagawa sa loob ng isang taning o semester.

Mga Bahagi ng Pamanahong Papel

1. Pahina ng Pamagat ( Title Page)

-pamagat ng pamanahong papel- pangalan ng mag-aaral- kurso at pangkat- pangalan ng propesor- petsa

2. Pahina ng Balangkas (Outline Page)

a. Papaksang Balangkas (Topic Outline)

- Ang nakasulat dito ay mga salita o grupo ng mga salita

b.Pamaksang Pangungusap (Sentence Outline)

- Nakasulat dito ang kumpletong pangungusap

Thank You!

top related