mga istruktura ng pangkahalatang emfasis ayon sa sintaks

Post on 18-Dec-2014

1.507 Views

Category:

Education

3 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Group 2

Mga Istruktura ng Pangkahalatang Emfasis Ayon sa

Sintaks

May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit:

1.paturol o deklarativ

2.patanong o interogativ,

3.pautos o imperative,

4. padamdam o eksklamatori.

Nakikilala ang bawat isa sa inilalagay na bantas o pangkwatsyon.

• Sa deklarativ, tuldok (.),

• sa interogativ tandang pananong o kwestyon mark (?),

• sa pautos, depende sa emosyon ng nagsasalita, maaaring tuldok (.) kung may pakiusap, o kaya’y eksklamasyon

• (!) . Ang tono ng boses ang nagmomodifika sa ekspresyon ng mga ito sa pagsasalita.

Nakikita ang mga pangkahalatang emphasis sa mga sumusunod na istruktura:

1.Sa mga Pangungusap na Imperativ at Eksklamatori:

Halimbawa:

Kumain ka na!

Hindi mo ako mapasusuko!

2. Sa maikling Pangungusap

Tulad sa emperativ sa pangungusap, maiikili itong parang nahihiwalay sa iba, at kapag sinasalita, mapapansin ang imformasyong kakaiba. Direkta.

Halimawa:

Matagal na. Siyam na taon na. Umalis siyang walang sinumang nakakaalam kung saan siya pupunta at kalian siya uuwi.

3. Sa mga Inversyong Konstruksyon

Fleksibol ang mga Filipinong pangungusap na maaaring pag-iba-ibahing posisyon o lugar ang mga bahagi ng pananalita na nailalagay ang mga kumplemento o panunuring(pang-abay, pang-uri) sa unahan ng pangungusap.

Halimbawa:

Sa tulay doon sya nagtungon at tumalon.

Mas maganda ang kapatid niyang bunso kaysa sa kanya.

4. Sa mga Di-malayang Sugnay

Kadalasan sa mga pangungusap na may di-malalayang sugnay na ipinagigitna sa malalayang sugnay ay nagbibigay-antala dahil sa gamit ng mga bantas kaya halos nabibigyang-diin ang buong pangungusap.

Halimbawa:

Karakara, sa gitna ng nagsisiksikang mga visita, pasuray-suray siyang sumisigaw na sumulpot.

5. Paantala o Pabiting Konstruksyon

Hindi agad binabanggit dito ang tiyak na paksa o simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

Tumigil ang hiyawan – kumanta siya.

Ang ganitong pagkakataong dumarating ang ayaw namin.

6. Mahahabang Pangungusap

Hindi kumpleto ang kaisipan hanggang hindi natatapos ang pangungusap. Maaari itong gawin sa konstruksyon ng pangungusap na kumvensyunal, kaya’y gamitin ng antala o interapsyon o inversion para masuspendeang kaganapan ng idea.

Halimbawa:

Na ang paggamit ng mga kontrasepsyon na pinagbabawal ng simbahan, ngunit kinakailangan, at ito lamang, ang nararapat para mapigilan ang pagdami ng populasyon ng Pilipinas, ang paksang inyong kagigiliwan.

Sa mga pinakagamiting bagong likhang teknolohiya, ang kompyuter na dumadagsa ngayon bilang instrument ng krimen, fi sumala sa Rosseau sa wika niyang korupsyon ang sivilisasyon.

7. Sa mga Fragment

Hindi ito mga ganap na pangungusap subalit nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa bantas.

Halimbawa:

Alas otso. Gabi. Madalang na ang taong nagpaparoo’t-parito sa lansangan. Sa may aalulong na aso. Iisa ang nasa isip na nagsisira ng bintana ang komunidad. Takot.

8. Pagtatanong

Halimbawa:

Ikaw? Hindi ba’t isa ka ring Pilipino?

Ano’t itinatatawa mo ang pagkalahi mo?

9. Pag-uulit

Maaar itong pag-uulit ng tanog ng salita o ng buong pangungusap, kaya’y ng patern ng kayarian ng sugnay o ng pangungusap.

Halimbawa:

Gabi-gabing gising sa galaan si Galo.

Makakaahon ako. Makakaahon ako.

Malaki ang bahay at malawak ang bakuran.

10. Pagpapahayag ng mga Pamuling Negatibo-Positibo

Pagpapalawak ito ng mga idea na isinasaad sa pamamagitan ng negatibo at positibong pagpapahayag.

Halimbawa:

Hindi sa naiingayan kami kundi gusto lamang namin ng katahimikan.

11. Parataksis

Pagtanggal ito ng dapat sanang ilalagay na mga pang-ugnay o pangatnig na ngunit, subalit, atb. sa paamagitan ng alalayang sugnay.

Halimbawa:

Dumating kami: nakaalis na sila.Sa halip na:

Dumating kaming ngunit nakaalis na sila.

Nakaupo na ang anak: gumagapang pa ang ina.

Sa halip na:

Nakaupo na ang anak, pero gumagapang pa ang ina.

Maraming salamat sa pakikinig.

top related