mga paglilingkod ng pamahalaan sa mamamayan

Post on 16-Apr-2017

2.165 Views

Category:

Education

25 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Pangkalusugan, Pang-Edukasyon at Pangkapayapaang

Paglilingkod ng Pamahalaan

Mga Programang Pangkalusugan

1. BnB o Botika ng Barangay- Programa ng pamahalaan sa mga komunidad kung saan naglalagay ang pamahalaan ng mga tindahan ng mga murang gamot.

2.EPI o Expanded Program on Immunization- Inilunsad ng pamahalaan upang ang mga bagong silang na sanggol at mga bata ay magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng libreng bakuna.

3. National Dengue Prevention and Control Program- Noong 1993, inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan ang programang ito sa Rehiyon 4 at NCR kung saan malawakan ang isinasagawa sa buong bansa taon-taong pakikipagtulungan ng WHO at UNICEF simula 1998.

4. ALAGA KA- Noong Marso 2014, pinangunahan ni Dating Pangulong Benigno Aquino III ang paglulunsad ng programang ALAGA KA . Layunin nito na imulat ang mga kapos palad na pamilya sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng DOH at PhilHealth.

5. Pagpapalawak ng saklaw ng mga programa ng PhilHealth- Higit n pinalawak ng pamahalaan ang saklaw o sakop ng PhilHealth at ang mga serbisyong ginagawa nito. Bukod sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga pasilidad, nagpadala rin ang pamahalaan ng doktor, nars, komadrona, at community health teams sa malalayong lugar upang gamutin at tulungan ang mga nangangailangan nating kababayan.

Mga Programang Pang-edukasyon

1. Pagkakaloob ng libreng edukasyon- Bawat batang Pilipino ay may karapatang tumanggap ng libreng panimulang edukasyon o basic education.

2. Paglulunsad ng K-12 Program- Noong 2013 ay nilagdaan ni Dating Pangulong Aquino III ang R.A. 10533 na nagsusulong ng sa pagpapatupad ng K-12 program.

3. Pagbibigay ng iskolarsyip sa mahihirap ngunit matatalinong estudyante- Sa ilalim ng R.A. 10648, itinadhana ng pamahalaan na ang sampung nangungunang mag-aaral na magtatapos sa bawat pampublikong paaralan ay pagkakalooban ng iskolarsyip upang makapag-aral ng libre sa kolehiyo.

4. Abot-Alam Program- Layunin ng programang ito na turuan at gawing produktibo ang mga kabataang 15-30 taong gulang na hindi nag-aaral o out-of-school youth sa tulong ng ALS o Alternative Learning System.

5. Pagpapabuti sa kalagayan ng mga guro- Isa sa mahahalagang programa ng pamahalaan ay pagkakaloob sa mga guro ng makabuluhang pagsasana sa pamamagitan ng mga seminars at workshops hinggil sa epektibong pagpapatupad ng K-12.

6. Pagpapatayo ng mga karagdagang silid-aralan- Sinisikap ng pamahalaan na makapagpatayo ng mga paaralan sa malalayong lugar, maging sa mga tribo o lugar ng mga minoridad.

3. Programang Pangkapayapaan

1. Pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga rebelde at iba pang grupo na sumasalungat sa pamahalaan.

2. Pagpapaigting ng seguridad sa bansa sa pangunguna ng DILG

3. Pagtuturo ng Edukasyong Pangkapayapaan o Peace Education sa mga paaralan

top related