mga salik sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa okasyon

Post on 27-Oct-2015

2.786 Views

Category:

Documents

22 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

..

TRANSCRIPT

Mga Salik sa Pagbabalak ng

Pagkaing Angkop sa Okasyon

1. Uri ng OkasyonAlamin kung anong oksayon

ang ipinagdiriwang upang mapaghandaan ang lahat ng kailangan tulad ng menu at mga kagamitan.

2. Badyet sa Pagkain

Ibatay ang pagbabalak ng pagkain ayon sa badyet na inihanda. May mga pagkain na maihahanda nang masarap at maayos sa murang halaga. Ang mahalaga ay ang sustansyang maidudulot ng pagkain.

3. Inaasahang bilang ng Panauhin

Alamin ang bilang ng panauhin na kakain upang matantiya ang dami ng ihahandang pagkain. Maiiwasan ang paghahanda nang labis o kulang.

4. Menu

• Talaan ng putahe na inihahanda sa okasyon.

• Sa paghahanda ng menu, isaalang-alang ang resipe.

5.Panahon at Kakayahan sa Pagbabalak

Kailangang malaman kung gaano katagal ang panahon na iuukol sa paghahanda ng pagkain at ang kakayahan ng gagawa nito. Piliin ang mga putahe na madaling ihanda at kayang laruin ang magluluto kapag nagbabalak.

6. Lugar na Paghahandaan

Kung maliit o masikip sa tahanan, pumili ngmgandang lugar na pagdarausan. Dito nakasalalay ang tagumpay ng maayos na selebrasyon.

7. Pagdudulot ng Pagkain

Ang paraan ng pagdudulot ay batay sa okasyon, dami ng panauhin na kakain, uri at dami ng putahe, at kasangkapang kailangan upang maidulot ang inihandang pagkain.

Uri ng Pagdudulot ng Pagkain• Russian Style – pagdudulot na

pormal. Ang bawat putahe ay iniaabot ng katulong sa kaliwa ng kumakain. Ginagawa ito sa malalaking handaan.

• English Style o Family Style – pang-araw-araw na ginagawang pagdudulot sa tahanan. Lahatng putahe ay nasa gitna ng lamesa at kanya-kanyang kuha sa platong pandulot.

• Buffet style – kung marami ang panauhin at walang magdudulot sa panauhin, ito ang paraang nababagay na pagdudulot. Ang panauhin ang kukuha ng plato at kubyertos na gagamitin at pagkain.

top related