my presentation for fs3. final !:)

Post on 12-Apr-2017

424 Views

Category:

Education

7 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

POKUS NG PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

MGA URI NG POKUS NG PANDIWA :

 POKUS SA TAGAGANAP

- ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".

- (mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)

Halimbawa:Naglunsad ng proyekto ang mga

kabataan.

Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.

Bumili si Rosa ng bulaklak.

Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

POKUS SA LAYON- ang paksa ang tagaganap ng

kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".

- (mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)

Halimbawa:Nasira mo ang mga props para

sa play.

Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.

Binili ni Rosa ang bulaklak.

POKUS SA GANAPAN- ang paksa ang lugar na

ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".

(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)

Halimbawa:Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.

Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.

Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.

Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.

POKUS SA TAGATANGGAP- ang paksa ang tumatanggap sa

kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para kanino?".

- (i- , -in , ipang- , ipag-)

- Sa Ingles, ito ay ang indirect object.

Halimbawa:

Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

POKUS SA GAMIT- ang paksa ang kasangkapan o

bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".

- (ipang- , maipang-)

Halimbawa:Ang kaldero ang ipinangluto ni

nanay ng masarap na ulam para sa amin.

Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.

Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

POKUS SA SANHI- ang paksa ang nagpapahayag ng

sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?".

- (i- , ika- , ikina-)

Halimbawa:Ikinatuwa namin ang pagluluto ng

masarap na ulam ng aming nanay.

Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.

Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.

POKUS SA DIREKSYON- ang paksa ang nagsasaad ng

direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?".

- (-an , -han , -in , -hin)

Halimbawa:Sinulatan niya ang kanyang mga

magulang.

Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.

top related