pagbasa at uri ng pagbasa

Post on 11-Apr-2017

556 Views

Category:

Education

19 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

PAGBASA

VILLAMIN• 80% na ating ginagawa sa araw-araw ay nauukol sa

pagbabasa.Sa mga daan, binabasa natin ang iba’t ibang uri ng

anunsiyo at pangalan ng mga daan.Pagpasok natin sa restawrant, binabasa natin ang

menu.Sa paaralan, binabasa natin ang mga aklat na

kinapapalooban ng ating mga aralin.Kung nais nating malaman ang nangyari sa ating

paligid, binabasa natin ang mga pahayagan.Kung nais naman nating magpalipas ng oras,

nagbabasa ng mga kwento sa wattpad, mga post sa facebook at twitter o di kaya’y nagbabasa ng magasin.

VILLAMIN ET. AL (1998)• Ang pagbasa ay tumutukoy sa aktibong dayalog

na namamagitan sa may-akda at sa mambabasa. • Ito ay kasanayang tumutulong sa tao sa

pagtuklas ng mga tugon sa mga katanungang may kaugnayan sa pagkalalang upang mabatid ang mga hiwaga ng kalikasan at sa pag-unawa sa realidad ng buhay.

KOCH ET. AL (1982)• Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa mga

simbolong nakalimbag kundi pagkuha ng kahulugan ng nakalimbag na simbolo sa pamamagitan ng wastong pag-unawa at pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng sumulat.

GRAY (1956)• Ang pagbasa ay sumasaklaw sa apat na

proseso tulad ng pagkilala sa salita, pag-unawa sa kahulugan ng salita, pagreak sa kahulugan ng salita sang-ayon sa nalalaman ng bumabasa at pag-uugnay ng ideya sa kaligirang kaalaman ng bumabasa.

RUBIN (1983)• Ang pagbasa ay pagdadala at pagkuha ng sa

kahulugan ng nakalimbag na pahina. Ipinahihiwatig nito na dinadala ng mga mambabasa ang kanilang kaligirang kaalaman, karanasan at emosyon a kanilang binabasa.• Ipinaliwanag niya na kapag may sakit o

nababalisa ang mambabasa, naaapektuhan ang proseso ng kanyang pagpapakahulugan. Ang isang taong may mas malawak na kaalaman sa binabasa ay nagtatamo ng mas maraming kabatiran kaysa sa kakaunti ang kaalaman.

BAKIT MAHALAGA

ANG PAGBASA?

• Ang pagbabasa ay mahalagang behikulo sa pagtatamo natin ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang larangan ng karunungan.• Sa pamamagitan ng pagbabasa, nasusubaybayan natin

ang eksplosyon ng mga impormasyon sa larangan ng pulitika, ekonomiya, sosyolohiya, edukasyon, relihiyon, agrilutura at ng iba pang disiplina ng karunungan.• Ang pagbabasa ay nagsisilbing libangan natin kapag

tayo ay nababagot o napapagod. May mga pagkakataong gusto nating kumawala sa mga bigat ng mga pang-araw-araw nating gawain kaya’t napagbabalingan natin ang pagbabasa.• Sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa buhay ng

mga taong matagumpay sa napili nilang larangan, nagkakaroon tayo ng motibasyon at inspirasyong magsikap upang mapaunlad ang ating buhay.

MGA URI NG PAGBASA AYON SA

BILIS

SKIMMING• Ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang

pangkalahatang ideya ng buong teksto.• Maaaring ang binabasa lamang ay ang una o

huling pangungusap ng bawat talata sapagkat ito karaniwang matatagpuan ang pangunahing ideya ng talata.• Sa ganitong uri ng pagbabasa, mahalagang

matukoy ang pangunahing ideya ng bawat talata at pagkatapos ay pagsama-samahin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalahat.

SCANNING• Ito’y isang uri ng mabilisang pagbasa

upang hanapin ang tiyak na impormasyong gusting makuha mula sa material, tulad ng paghahanap ng numero ng teleponosa direktoryo, paghahanap ng katuturan ng salita sa diksyunaryo, at paghahanap ng tiyak na sagot ng mga tanong mula sa isang teksto.

IDEA READING• Pagbasa upang makuha ang pangunahing ideya.• Mabilisang tinitingnan ng mga mata ang mga

mahahalagang parirala at tinutukoy ng mahahalagang salita sa mga pariralang ito.• Mabilisan ding ginagawa ang desisyon tungkol sa

kahalagahan ng mga iba’t ibang pahiwatig at mabilisang iniuugnay ang mga ito sa mga ideyang naging bahagi na ng mga nakaraang karanasan.

MGA URI NG PAGBASA AYON SA LAYUNIN

PAGBASANG EXPLORATORY

• Ito ay mapagbasa na naglalayong kumuha ng malinaw na larawan ng kabuuang presentasyon ng mga ideya. • Ito ang uri ng pagbasang karaniwang ginagamit

sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin, ng mga akdang pampanitikan o ng mga fiction.

STUDY READING• Sa ganitong uri ng pagbasa, pinag-aaralang

mabuti ng mambabasa ang binabasang materyal upang lubusan niyang maunawaan ang mga pangunahing ideya at ang pagkakaugnayan ng mag ito.• Ito ang uri ng pagbasang karaniwang

ginagamit ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng kanilang mga aralin sa mga asignaturang agham, matematika, araling panlipunan at sining.

MAPANURING PAGBASA• Hinihingi ng ganitong uri ng pagbasa ang

kakayahan ng mambabasa na makilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon, mabatid ang mga propagandang ginamit sa mga materyal na humihikayat sa mambabasa, makilala ang mga pagkiling (bias) ng manunulat na nakapaloob sa kanyang akda, at iba pa.

top related