pagnanarseri (nursery of plants)

Post on 15-Jan-2017

96 Views

Category:

Education

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Pagpaplano ng Nursery

Nursery – lugar kung saan maayos at

maingat na inaalagaan ang mga punla ng mga halamang ornamental, gulay, punongkahoy,

at mga bungangkahoy.

Mga dapat isaalang alang sa pagpaplano:

• Lugar• Tubig• Lupa• Sikat ng Araw

Lugar – Pumili ng patag na lugar na pagtatayuan ng nursery. Magiging maayos ang paglalagay ng mga gagamitin kung patag ang lugar. Hindi rin mahihirapang ayusin dito ang mga halamang nasa plastik na punlaan.

Piliin din ang lugar na hindi binabaha upang hindi masalanta ang mga halaman kung panahon ng tag-ulan. Makabubuti rin kung ito ay malapit sa daan. Magiging madali ang pagdadala ng mga gamit dito.

Tubig – isa sa pinakamahalagang kailangan ng halaman, kaya itayo ang nursery malapit sa mapagkukunan ng tubig

Lupa – mainam kung ang pipiliing lupa para sa isasagawang nursery ay mataba at mayaman sa natural na abono. Ang lupang buhaghag ay mainam na gamiting pag-ugatan.

Sikat ng Araw – mahalaga ang sikat ng araw dahil kailangan ito ng halaman upang mabuhay at lumusog. Kung maaari, dapat na nakaharap sa dakong sinisikatan ng araw ang nursery.

Mga Kagamitan sa Pagnanursery

Mga Materyales sa Pagpapaugat ng halaman

Sphagnum Moss Kusot Niyog

Taniman ng mga Punla at Halaman

Lata Plastik na baso

Paso Supot na itim

Iba pang gamit

Itak Budding knife Budding tape

Pruner Water hose Regadera

KalaykaySprayer Pala

top related