pagsulat11_panukalang proyekto
Post on 05-Apr-2017
1.544 Views
Preview:
TRANSCRIPT
"PANUKALANGPROYEKTO"
Gawing makatotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto at itanghal ang mga pakinabang na makukuha rito.
Anu-ano ang mga bahagi nito?
1 Panimula• dito inilalahad ang
mga rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon.
2 Katawan• dito inilalagay ang
detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing badyet para sa mga ito
3 Kongklusyon
• dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto
Anu-ano naman ang mga espesipikong laman
ng panukalang proyekto?
1 PAMAGAT• dapat na malinaw at
maikliHalimbawa:
“Panukala para sa TULAAN 2016 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”
2 PROPONENTNG PROYEKTO
• tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto
isinusulat dito ang adres, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organisasyon
3 KATEGORYANG PROYEKTO
• Ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
4 PETSA• Kailan ipadadala ang
proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto?
5 RASYONAL• ilalahad dito ang mga
pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito
6 DESKRIPSYON NG PROYEKTO
• - isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin
• - nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng panahon
7 BADYET
• itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto
8 PAKINABANG• Ano ang pakinabang ng
proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito-sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?
Maikling Pagsusulit
Aling bahagi ng panukalang proyekto ang
inilalarawan sa bawat bilang?
1Humihiling kami ng ₱ 40, 000 upang maisakatuparan naming nang lubos ang mga layunin ng proyekto.
2Tatagal ng tatlong araw ang seminar-workshop, mula ika-28 hanggang ika-30 ng Agosto 2016
3Konsultasyon ng lahat ng mga manggagawa kaugnay sa iminumungkahing proyekto (tatlong araw)
4Panukala para sa medical mission sa Enrile, Cagayan
5Hinihiling naming mapalawag ang aming pantry sa ikalimang palapag sa kapakinabangan ng empleyadong naghahanap ng maluwag at maaliwalas na espasyo.
Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka sa iyong kliyente at ang layunin mo ay itanghal ang iyong produkto o serbisyo upang kaniya itong tangkilikin.
Mahalagang Ideya
Paggawa ngPlan of Action
Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga planong gawain upang maipakita sa mag-aapruba ng panukalang proyekto na ito ay organisado at sigurado.
Mahalagang Ideya
Plan of Action para sa TULAAN 20151. Pag-apruba at paglabas ng badyet (7 araw)2. Pagbuo ng mga opisyal at puno ng mga komite (1 araw)3. Reserbasyon ng pagdarausan ng programa, lighting at sound
system, at catering service (1 araw)• Pagkontak sa mga makatang lalahok at pagtiyak sa kanilang pagdalo
(7 araw)1. Paggawa at distribusyon ng mga publicity material (3 araw)2. Pagpapadala ng mga liham-imbitasyon sa mga opisyal ng
unibersidad (1 araw)3. Pag-ayos ng entablado at ng venue (kalahating araw)4. Programa (kalahating araw)
ITEM HALAGAVenue ₱ 10, 000.00
Lighting at sound system ₱ 7, 000.00
Disenyo ng entablado• bulaklak• iba pa
₱ 500 x 2₱ 500
₱ 1, 000.00₱ 500.00
Publicity Material• tarpaulin• poster
₱ 600 x 2₱ 50 x 10
₱ 1, 200.00₱ 500.00
Pagkain• awdiyens (cocktail)• mga organizer, guro, makata
₱ 50 x 100₱ 100 x 30
₱ 5, 000.00₱ 3, 000.00
Honorarium para sa mga dadalong makata ₱ 1, 000 x5 ₱ 5, 000.00
Token para sa mga dadalong makata ₱ 300 x 5 ₱ 1, 500.00
Kabuuang Halaga ₱ 34, 700.00
Huwag magkakamali sa pagtutuos ng panukalang badyet. Magdudulot ito ng impresyon na hindi ka mapagkakatiwalaan.
Tips sa Pagsulat ngPanukalang Proyekto
1• Alamin ang mga bagay na
makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa pag-aapruba ng panukalang proyekto
2• Bigyang-diin ang mga pakinabang na
maibibigay ng panukalang proyekto. Mahihirapang tumaggi ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita nilang Malaki ang maitutulong nito sa mga indibidwal o grupong target ng proyekto.
3• Tiyaking malinaw, makatotohanan,
at makatuwiran ang badyet sa gagwing panukalang proyekto
4• Alalahaning nakaaapekto ang paraan
ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa panukalang proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan ang maging maligoy. Hindi makatutulong kung hihigit sa 10 pahina ang panukalang proyekto.
top related