pakikipag ugnayan ng pilipinas sa iba't-ibang panahon
Post on 16-Apr-2017
8.890 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Iba’t Ibang
PanahonIba’t iba ang naging pamamaraan ng
pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa iba’t-ibang panahon katulad na
lang ng mga sumusunod. Ugnayan sa Panahon ng mga Ninuno
Ugnayan sa Panahon ng mga EspanyolUgnayan sa Panahon ng Unang Republika
Ugnayan sa Panahon ng Amerikano Ugnayan sa Panahon ng Komonwelt
Ugnayan sa Panahon ng Ikatlo at Ikaapat na Republika Ugnayan sa Kasalukuyang Panahon
Ugnayan sa Panahon ng mga
Ninuno Noong 982 A.D. Sinasabing naganap ang pakikipag-ugnayan ng ating mga ninuno sa unang pangkat ng taong dumating sa bansa. Ito ang kalakalan sa pagitang ng Pilipinas at Tsina.
Dala naman ng mga Intsik ang kanilang kalakal na porselana, telang seda, jade, kristal, payong, at tsinelas.
Barter- Ang pamamaraang ginamit sa palitan ng kalakal ng Tsino at ng mga Pilipino.
Ugnayan sa Panahon ng mga
Ninuno Sumunod naman dumating sa bansa ay ang mga Arabe. At ang pangunahing pakay nila ay palaganapin ang Relihiyong Islam.
Nagsimula ang Ugnayang Ito noong ika-9 na dantaong.
Nakipag-ugnayan at nakipag kalakalan din tayo sa mga Hapon. Dumating naman sila noong ika-15 na dantaon.
Sa bansang Hapon din natuto ang ating mga ninuno ng Tingian na ginagamit natin hanggang sa kasalukuyang Henerasyon.
Ugnayan sa Panahon ng mga
Espanyol Sa unang pagdayo ng mga Kastila dito sa ating bansa noong ika-19 na dantaon, nais lamang nila na makipag kalakalan at
makipag ugnayan.
Ang ugnayang panlabas na ito ay pinapangasiwaan ng Consejo de Indias na
pinalitan sa tawag na Ministerio de Ultramar (Overseas Ministry) na
Pinamumunuan ng hari ng Espanya.
Sa pamamagitan nito, nabuksan ang Maynila sa kalakalang Pandaigdig na naging hudyat ng pagpasok ng mga
kanluranin. (Estados Unidos, Pransya, inglatyera, at iba pang bansa sa Europa.
Ugnayan sa Panahon ng Unang
Republika Sinikap ni Heneral Emilio Aguinaldo na makilala ang Pilipinas bilang isang
bansang malaya.
Bumuo siya ng mga kagawaran katulad na lang ng Kagawaran ng
Ugnayang Panlabas upang mangasiwa sa ugnayan natin sa ibang bansa. At si
Apolinario Mabini ang unang naging kalihim dito.
Nagtatag din si Aguinaldo ng isa pang tanggapan na tinawag na Hong Kong
Juanta na naglalayon na magpadala ng mga sugong Pilipino sa ibang bansa upang kilalanin ang Pilipinas bilang
nagsasariling bansa.
Ugnayan sa Panahon ng Amerikano Ang ugnayang panlabas sa panahong ito
ay pinapangasiwaan ng Bureau of Insular Affairs (BIA) na tungkulin ay lutasin ang mga suliranin ng Pilipinas sa pakikipag
ugnayan sa ibang bansa.
Mas napaganda at mas naisaayos ang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at
Estados Unidos nang maipagtibay ng Senado ng U.S. ang kalakalan sa pagitan
ng dalawang bansa.
Ang mga batas na ito ay ang Batas Payne-Aldrich (1909) at Batas Underwood-
Simons (1913)
Ugnayan sa Panahon ng Amerikano Sa kasalukuyan, marami pa
ring kasunduan pangkultura, pang-Edukasyon, at pangkabuhayan na
nagaganap sa dalawang bansa.
Malaki rin ang naging impluwensya sa ating kultura
ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang
pananakop.
Ugnayan sa Panahon ng Komonwelt Sa panahon ng komonwelt, ang Amerika pa
rin ang nagpapatupad ng ugnayang panlabas ng bansa.
Sa panahon ding ito, kinikilala na ang Pilipinas bilang isang bansang nagsasarili.
Isa ang Pilipinas na lumagda sa kasulatan ng Pagkakatatag ng Samahan ng mga Nagkakaisang bansa o United Nation Organization noong Hunyo 26, 1945
Ang mga ito ang naging simula ng pagbabago at patakarang panlabas ng
bansa.
Ugnayan sa ikatlo at ikaapat na Republika
Sa panahong ito, naipagpatuloy ng bansa na makipag kaibigan sa ibang bansa sa pamamagitan ng
Kagawaran ng Ugnayang panlabas o Department of Foreign Affairs
(DFA)
Sa kabila nito, hindi pa rin sarili ng bansa ang pagpapasya hinggil sa ugnayang panlabas na kung
saan, anumang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Ibang bansa ay
walang bisa kung hindi ito pagtitibayin ng Pangulo ng Estados
Unidos.
Ugnayan sa ikatlo at ikaapat na Republika
Sa panahon ding ito, naging kasapi ang pilipinas ng Pandaigdigang Samahang Pangkoreo o Universal Postal Union. Sa
pamamagitan ng samahang ito, nakapagpadala din ang bansa ng
kinatawan para sa iba;t ibang pulong pandaigdig pati na rin sa World Olympics.
Nagkaroon lamang ng sariling patakarang panlabasdeklara ang Pilipinas ng Batas Militar si dating
pangulong Ferdinand Marcos noong 1972.
Ugnayan sa Kasalukuyang
Panahon Sa kasalukuyan, ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa ay may layuning pampulitika, pang ekonomiyan, pangkultura, panlipunan, at panrelihiyon.
Pinananatili sa pakikipag-ugnayan may layuning pampulitika ang pagkakaibigan ng Pilipinas at iba pang bansa. Nagtatayo din ang pamahalaan ng sarili nitong
embahada sa ibang bansa na nangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipinong mandarayuhan sa ibang bansa. Bukod pa rito, tinataguyod din ng embahada ang kagalingan ng ating bansa at sa mabuting relasyon nito kung saan mang bansa naroroon.
Ugnayan sa Kasalukuyang
Panahon Sa layuning pang-ekonomiya naman, nakikipag-ugnayan ang bansa para sa kaularang pangkabuhayan. Nililinang ng
oba’t ibang bansa at ng pamahalaan ang pag import o export gayundin ang turismo para sa ikadadagdag kita ng bansa.
isinasagawa naman sa pakikipag-ugnayang may layuning pangkultura ang paglahok sa mga pandaigdigang
paligsahan gaya ng mga palaro at pagtatanghal pansining at pang
kultura upang maipakita ang angking kakayahan ng mga Pilipino at ng mga
taga ibang bansa. Naipapakita rin nito ang pagsali ng Pilipinas sa mga
samahang pandaigdig at panrelihiyon gaya ng UN at ASEAN
Ugnayan sa Kasalukuyang
Panahon Sa pakikipag ugnayang panlipunan, naman, makikita ang pagkakasundo ng Pilipinas at ng ibang bansa upang makipag paitan ng mga kuro-kuro, karanasan, kaalaman, nang mas
mapaunlad pa ang kasaysayan ng sambayanan.
Ang panrelihiyon naman, ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa pinuno at ministeryo ng iba’t-ibang
relihiyon kagaya na lang ng pakikipag-ugnayan natin sa Roma (vatican City)
top related