paluwas sa malaking lungsod - global storybooksnayon. maya-maya lang tutulak na ito pa-silangan....

Post on 12-Feb-2020

1 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Paluwas sa malaking lungsodPaluwas sa malaking lungsod

Lesley Koyi, Ursula Nafula Brian Wambi Arlene Avila tagalog nivå 3

Siksikan ang tao at punung-puno ang mga bus saterminal. Sa labas ng bus, mas madami panghindi naikakargang mga gamit. Sinisigaw ng mgakonduktor kung saan sila papunta.

2

“Lungsod! Lungsod kayo riyan! Mga pa-kanluran,dito na!” sigaw ng isa. Doon ako dapat sumakay.

3

Halos puno na ang bus pero marami pa ringustong sumakay. Nilagay ng iba ang bagahe sailalim ng bus. Ipinatong naman nung iba ang mgagamit nila sa mga lalagyan sa loob.

4

Hawak ng mga bagong pasahero ang tiket nilahabang naghahanap ng upuan. Hinahanda ngmga nanay ang kanilang mga anak para samahabang biyahe.

5

Sumiksik ako malapit sa isang bintana. Mukhangkinakabahan ang katabi ko. Hawak niyangmahigpit ang berdeng plastic bag. Luma na angkanyang damit at tsinelas.

6

Tumingin ako sa labas. Iiwan ko na ang akingnayon, kung saano ako lumaki. Luluwas akopapunta sa malaking lungsod.

7

Nakaupo na ang mga pasahero at naikarga naang mga bagahe. Pero marami pa ring mgamanlalako sa loob ng bus. Sinisigaw nila angkanilang binibenta. Nakakaaliw ang mgaginagamit nilang salita.

8

May bumili ng inumin. May bumili ng kakanin atnagsimulang kumain. Tulad ko, may iba nananood lang dahil walang pambili.

9

Napatigil ang lahat ng bumusina ang drayber.Pinalabas ng konduktor ang mga naglalako dahilaalis na ang bus.

10

Nagtulakan sila palabas. Nagsukli ang iba peromeron pa rin nagpupumilit makabenta.

11

Pagtulak ng bus, dumungaw ako sa bintana.Babalik pa kaya ako dito?

12

Habang kami ay bumibiyahe, nagingmaalinsangan sa loob ng bus. Pinilit kongmakatulog.

13

Pero laging lumilipad ang utak ko pauwi.Magiging mabuti kaya ang kalagayan ni nanay?Mabibili kaya ang mga kuneho? Maaalala kaya ngkapatid kong diligan ang mga punla?

14

Isinaulo ko na lang ang address ng tiyo ko sasiyudad. Nakatulog akong bumubulong bulong.

15

Pagkatapos ng siyam na oras, nagising ako samga kalabog at sigaw ng konduktor. Nagtatawagna siya ng mga pasahero pabalik sa nayon.Tumalon ako palabas ng bus dala ang bag.

16

Mabilis na napupuno ang bus na pabalik sanayon. Maya-maya lang tutulak na ito pa-silangan. Pero ang mas mahalaga ngayon,mahanap ko ang bahay ni tiyo.

17

Barnebøker for NorgeBarnebøker for Norgebarneboker.no

Paluwas sa malaking lungsodPaluwas sa malaking lungsodSkrevet av: Lesley Koyi, Ursula Nafula

Illustret av: Brian WambiOversatt av: Arlene Avila

Denne fortellingen kommer fra African Storybook (africanstorybook.org) og ervidereformidlet av Barnebøker for Norge (barneboker.no), som tilbyr barnebøkerpå mange språk som snakkes i Norge.

Dette verket er lisensiert under en Creative Commons Navngivelse 4.0 Internasjonal Lisens.

18

top related