prinsesa ng siyudad ng usok...balong malapit sa kanilang tahanan at inilagay ang mga buto dito. 16...

Post on 20-Aug-2020

19 Views

Category:

Documents

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Prinsesa ngSiyudad ngUsokLamis AsaliLamis Asali

1

Pabalik-balik, nagtungo siRaymie mula sa silangan nglawa patungo sa kanluranmula pa ng madalingaraw. Ang iniisip langniya ay makahanap ngparaan upang makipag-usap sa aerospotics. Angaerospotics ay may tirahanmalapit sa Sistema Solar.Sinabi nila sa kaniya namayroon silang solusyon sakaniyang problema.

2

Sinabi nilang maaari niyangmarating ang kanilangbuwan; ang Bulang buwan,sa pamamagitan nglagusan. Ngunit saan niyamatagpuan ang lagusan?

3

Habang hinahanap niya anglagusan, dumaan si Raymiesa ilang mga halamang mayulong palasong lila. Nanggalawin niya ang mga ito .. .

4

. . . nadulas siya atbumagsak sa isang mauodna kumunoy.

5

Nang lumabas siya sa butasmula sa kabilang dulo,nalaman niyang nahulogsiya sa isang magaspangna mabuhanging lapagna gumasgas sa kaniyangtuhod. Isang milyong mgamata ang sumilip sa kanyaupang tingnan mula sa mgapalumpong na puno.

6

Isa sa mga nilalang anglumapit sa kaniya at sinabi,”Di Di iaka buaz creamo?’Isinalin ng awtomatikongtagasalin sa kaniyangpulso, ”Sino ka at sino angkailangan mo?”

7

Sinabi ni Raymie, ” Akoang prinsesa ng Siyudadng Usok. Puno ng karbondioksido ang amingkapaligiran. Inuuboang mga tao araw atgabi. Hindi kailanmantumitigil ang mga sirena atnarinig naming mayroonkayong solusyon sa amingproblema.”

8

Sinabi ng nilalang, ”Ako siMabula, pinuno ng Bulangbuwan. Bilang katunayan,sinadya ko ring dumaan samauod na kumunoy, upangdalawin ang iyong siyudadat akuin ang solusyon saiyong problema.”

9

”Bibigyan kita ng mgamahiwagang buto.. Lilinisinng mga ito ang inyonghangin. Tutubo ang mgabuto kung diniligan.”

10

At lumingon ng tatlongbeses at sinabi, ”Tutuboang mga puno at uubusinang mga karbon dioksido.Ang gagawin ninyo langay bigyan kami ng karbonna kakainin ng mga punosa pamamagitan ng butasna ito papunta sa amingbuwan. Wala kaming sapatna karbon dioksido upanglanghapin at ito ay banta saaming mga buhay.”

11

Masayang-masaya si Raymiengunit sabi ni Mabula, ”Ngunit hindi sapat ang mgabutong nasa akin upanglinisin ang inyong hangin.Kailangan ninyong bawasanang anumang bagay namagbubuga ng karbondioksido sa inyong siyudad.Kinuha ni Raymie ang mgabuto at nagmamadalingnagtungo sa mauod nakumunoy. Marami siyangkailangang gawin!

12

Nang makarating siya,tinawag niya ang lahat parasa isang agarang pulongsa dakilang bakuran. Lahatsa Siyudad ng Usok aydumating. Tumingin silasa paligid habang nag-iisipkung ano ang mangyayari.

13

Sinabi ni Raymie, ”Mayplano akong linisin angating hangin. Kailanganng matigil ang mga pag-ubo. Sinalungat siya nglahat at sinabi ni G. Noam, ”Imposible ito, ganito na tayong ilang taon.” Tumangoang lahat sa pagsang-ayon sa opinyon ni G.Noam. Sinabi ni Raymie, ”Kung tayo ay sama-sama,magagawan natin ngparaan ito. Pangako ko

14

magiging maayos ang lahat,”

15

Ibinigay ni Raymie angmga buto sa mga bata.Nagmadali silang sa lahatna tumungo sa mga lawa atbalong malapit sa kanilangtahanan at inilagay ang mgabuto dito.

16

Nainis ang mga matatanda.Inulit nila, ”Mga puno satabi ng mga bahay, bakuranat sa ibabaw ng ating mgagusali! Hindi maaari! Hinditayo nasanay sa ganyan.”Sinabi ni Raymie, ”Ngunitang pagbabagong ito aypara sa ating ikabubuti.”

17

Iniayos at inutusan niRaymie ang mga robotupang alisin ang mgapabrika at ilipat samalalayong lugar. Hinakotng mga robot ang mga itong malalaking trak.

18

Tumutol ang mga may-ari ng pabrika at sinabi, ”Bakit kailangan namingmagdagdag ng oras atmaging masikap upangpumunta sa aming mgapabrika, Hindi kami nasanaydito.” Sinabi ni Raymie, ”Ngunit ito’y para sa atingikabubuti.”

19

At gumamit si Raymie ngmga sasakyang de-kuryentesa halip na mga sasakyanggumagamit ng gasolina.

20

Sinabi ng mga may-aring sasakyan, ”Hay naku!Masyadong mabagalang mga sasakyang de-kuryente. Hindi tayosanay dito. Hindi tayokumportable sa mgaganitong pagbabago.”Sinabi ni Raymie, ”Ngunitito’y para sa ating ikabubuti.”

21

Ang paglipat sa mgapabrika sa mga malalayonglugar at paggamit ng mgasasakyang de-kuryenteay nagpababa ng carbondioxide sa siyudad. Hindipa rin ito sapat upangmagkaroon ng malinis nahangin. Umuugong pa rinang mga sirena sa palibotng siyudad at marami pa rinang inuubo.

22

Kailangang lumaki agad angmga puno upang higupinang mataas na bahagi ngcarbon dioksido sa hangin.Pero bakit hindi pa lumalakiang mga puno? Hinintay nglahat sa Siyudad ng Usok naang mga puno ay lumaki.Nais nilang lumanghap ngpreskong hangin. ”Bulok baang mga buto? Niloko baako ng mga aerospotics?” naisip ni Raymie. Nangbiglang . . .

23

. . .bahagya nang marinigang mga sirena sa mgakalsada. Hindi sanay siRaymie sa pagbabagong ito.Nanginig siya nang sinabi,”Hindi ko na marinig angmga sirena, hindi ako sanaysa pagbabagong ito.”

24

At sinabi ng lahat ng mganasa Siyudad ng Usok, ”Bahagya na nating marinigang mga sirena. Benepisyonatin ito. Ibig sabihin nitona ang antas ng karbondioksido ay bumaba.Naging 1:1000 na lang.Ngayon tumataas na muliang antas ng oksihenohanggang 21 porsiyento.Lumaki ang mga puno atkinain ang karbon dioksidoat naglabas ng oksiheno...

25

Yey!!!

26

Nawala ang usok at nagingmalinaw at malinis anghangin. Makikita na sawakas ang takipsilim sakalangitan. At tumigil nanglubusan ang mga sirena. Nasanay si Raymie sapagbabago. Ang totoo,napakasaya niya sanangyaring pagbabago.

27

Natupad niya ang kanyangpangako sa mgaaerospotics. Tumigil din angmga sirena sa pag-ugong saBulang buwan. Tumaas angkarbon dioksido at nagingsadyang mabuti ang lahat.

28

ANG WAKAS

Brought to you by

Let’s Read is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asia program that fosters young readers inAsia. booksforasia.org

To read more books like this and get further information about this book, visit letsreadasia.org

Original StorySmoke City Princess, author: Lamis Asali . illustrator: by Lamis Asali. Released under CC BY-NC-SA 4.0.

This work is a modified version of the original story. © The Asia Foundation, 2019. Some rights reserved. Released underCC BY-NC-SA 4.0.

For full terms of use and attribution, http://creativecommons.org/licenses/by-nc-sa/4.0/

Contributing translators: Reynald Ocampo

top related