q3, m1 kilusan para sa kasarinlan

Post on 18-Jan-2015

11.058 Views

Category:

Documents

9 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

KILUSAN PARA SA KASARINLANSA ILALIM NG

IMPERYALISMONG AMERIKANOQUARTER 3, MODULE 1

PANIMULA

Matapos ang 333 taong paghahari’t pananakop ng Spain sa Pilipinas ay…….

ipinahayag ang kalayaan nito noong ika-12 ng Hunyo, 1898 ni Emilio Aguinaldo. Sa kauna-unahang pagkakataon para sa mga Pilipino ay kanilang naiwagayway ang bandila, tinugtog ang pambansang awit at binasa ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas.

Pagsapit ng Enero 1899, pitong buwan matapos ang pagdedeklara ng kalayaan, pinasinayanan ng Saligang Batas ng Malolos ang Republika

Nagsumikap ang pamahalaang Pilipino na makilala at igalang ang ating kasarinlan ng ibang bansa. Subalit naging kapansin-pansin na bagamat paunti-unting lumilisan mula sa Pilipinas ang dating mananakop ay siya namang pananatili at higit pagdami ng bilang ng mga sundalong Amerikano. Bilang reaksyon, ipinadala ng Pilipinas si Felipe Agoncillo bilang kinatawang diplomatiko sa United States.

Ngunit isang lihim na Kasunduan ang naganap sa pagitan ng United States at Spain noong ika-10 ng Disyembre, 1898. Ito ay kinilala bilang Kasunduan sa Paris. Dito nakasaad ang paglilipat ng mga kolonya ng Spain, kasama ang Pilipinas, sa kamay ng United States kapalit ng halagang 20, 000, 000 dolyar.

IMPERYALISMO AT UNITED

STATES: MANIFEST DESTINY

Sa pagsapit ng mga huling bahagi ng ika-19 na siglo ang Spain ay nasadlak sa samu’t saring mga suliranin at usaping domestiko. Lubos na naapektuhan ang kakayahan ng bansa upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa mga sakop na teritoryo (kolonya) partikular sa bahagi ng Pasipiko.

Sa kabilang dako, ang United States ay nagsisimulang kumilos at magpalakas ng kanyang pwersa. Ang pagkakasangkot nito sa isang digmaan sa may bahagi ng Cuba noong 1895, isang kolonya ng Spain, ay ang hudyat ng kanyang intensyong makilahok sa paligsahan upang maging isang “pandaigdigang kapangyarihan”. Sa pagsabog ng barkong Maine ng America na nasa pantalan ng Havana, Cuba ay ang nagbigay-daan sa Digmaang Amerikano-Kastila.

Itinuturing ng mga Amerikano na nakatadhana sa kanila ang pagkakaroon o pagbuo ng isang imperyo. Naniniwala ang ilan sa kanila na nakaatang sa puting lahi ang pagsakop sa mga bansa upang turuan ang mga ito na maging sibilisado.

Nakaatang sa kanila ang misyong proteksyonan at arugain ang mga mahihinang bansa (White man’s burden), tulad ng Pilipinas at Cuba, mula sa pang-aalipin ng mga mas makapangyarihang bansa. Nais din nila na palaganapin ang ideya ng malayang pamamahala (demokrasya) tulad ng umiiral sa kanilang bansa. Ang mga ito ay bahagi ng konsepto ng tinatawag nilang “Manifest destiny”.

MANIFEST DESTINY

paniniwala ng mga Amerikano na sila ang itinadhana ng diyos upang magpalaganap ng demokrasya at gawing sibilisado ang mga bansa sa mundo.

MANIFEST DESTINY

Bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Amerikano ay nagsimula na ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno para sa kalayaan laban sa Spain. Ang alok na tulong ng United States, tulad ng ginawa nito sa Cuba at Puerto Rico, para kay Pangulong Aguinaldo ay daan lamang upang agarang makamit ang minimithing kalayaan.

MANIFEST DESTINY

Bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Amerikano ay nagsimula na ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno para sa kalayaan laban sa Spain. Ang alok na tulong ng United States, tulad ng ginawa nito sa Cuba at Puerto Rico, para kay Pangulong Aguinaldo ay daan lamang upang agarang makamit ang minimithing kalayaan.

Sa paniniwalang tutuparin ng United States ang kanyang pangako, tinanggap natin ang kanilang pakikipagkaibigan. Subalit, sa paglabas ng proklamasyong Benevolent Assimilation (Mahinahong Pananakop) ni Pangulong William Mckinley dito sa Pilipinas noong ika-4 ng Enero, 1899 sa pamamagitan ni Heneral Elwell Otis nakumpirma ang totoong layunin o motibo ng United States. Isang matibay at matapang na protesta ang ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo noong ika-5 ng Enero, 1899.

PRE – ACTIVITIES

PAKIKISANGKOT NG AMERIKA SA

DIGMAANG KASTILA - FILIPINO

GAWAIN 1 – CONCEPT MAP

Panuto: Magtala ng mga salitang may kaugnayan sa nasyonalismo at kalayaan at gamitin ito sa pangungusap.

KalayaanNasyonalismo

Ano ang kaugnayan ng nasyonalismo sa kalayaan?

GAWAIN 2 – FACE TO FACE

Panuto: Suriin ang larawan.

GAWAIN 2 – FACE TO FACE

Gabay na Tanong:1. Sinu-sino ang nasa larawan?

GAWAIN 2 – FACE TO FACE

Gabay na Tanong:1. Sinu-sino ang nasa larawan?2. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?

GAWAIN 2 – FACE TO FACE

Gabay na Tanong:1. Sinu-sino ang nasa larawan?2. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?3. May kaugnayan ba ang dalawa sa isa’t isa? Sa paanong

paraan?

GAWAIN 2 – FACE TO FACE

Gabay na Tanong:1. Sinu-sino ang nasa larawan?2. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?3. May kaugnayan ba ang dalawa sa isa’t isa? Sa paanong

paraan?

4. Paano nakaapekto sa ating kalayaan ang pagdating ng

mga Amerikano sa Pilipinas?

ENABLING ACTIVITIES

PAKIKISANGKOT NG AMERIKA SA

DIGMAANG KASTILA - FILIPINO

GAWAIN 1 – TIME LINE

Panuto: Magpabuo ng time line sa pakikisangkot ng Amerika sa digmaang Kastila- Pilipino sa Pilipinas gamit ang mga sumusunod na pahayag.

TIMELINE OF JOSE RIZAL

• 1848, June 28 -- Rizal’s parents married in Kalamba, La Laguna: Francisco Rizal-Mercado y Alejandra (born in Biñan, April 18, 1818) and Teodora Morales Alonso-Realonda y Quintos (born in Sta. Cruz, Manila, Nov. 14, 1827).

• 1861, June 19 -- Rizal born, their seventh child.• 1861, June 22 -- Christened as José Protasio Rizal-Mercado y Alonso-Realonda• 1870, age 9 -- In school at Biñan under Master Justiniano Aquin Cruz.• 1871, age 10 -- In Kalamba public school under Master Lucas Padua.• 1872, June 10, age 11 -- Examined in San Juan de Letran college, Manila, which,

during the Spanish time, as part of Sto. Tomás University, controlled entrance to all higher institutions.

• 1872, June 26 -- Entered the Ateneo Municipal de Manila, then a public school, as a day scholar.

SAMPLE

GAWAIN 2

Panuto: Ipasuri ng guro ang sipi. Punan ng impormasyon ang tsart mula sa sipi ayon sa hinihingi.

SIPI NO. 1

1. Bakit nasa Hongkong si Aguinaldo at ang mga Amerikano?

2. Paano nagkakilala ang mga Amerikano at si Aguinaldo?

SIPI NO. 2

1. Paano nakarating ang mga Amerikano sa Pilipinas

2. Bakit nahikayat si Aguinaldo na makipagkasundo sa mga Amerikano?

GAWAIN 3 – STORY LOG

Mula sa siping binasa, gumawa ng pangkasaysayang buod sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na tanong na nasa bituin.

Mga Gabay na Tanong sa gagawing pag-uulat : (Pamprosesong Gawain)1. Bakit sa Hongkong piniling magpunta ni Aguinaldo matapos ang kasunduan sa Biak na Bato ?2. Paano nasangkot ang mga Amerikano sa digmaang Pilipino- Espanyol?3. Kasama ba tayo sa plano ng mga Amerikano sa pakikipaglaban nila sa mga Kastila? Patunayan.

GAWAIN 3 – STORY LOG

Mga Gabay na Tanong sa gagawing pag-uulat: (Pamprosesong Gawain)1. Bakit sa Hongkong piniling magpunta ni Aguinaldo matapos ang kasunduan sa Biak na Bato ?2. Paano nasangkot ang mga Amerikano sa digmaang Pilipino- Espanyol?3. Kasama ba tayo sa plano ng mga Amerikano sa pakikipaglaban nila sa mga Kastila? Patunayan.

CULMINATING ACTIVITIES

PAKIKISANGKOT NG AMERIKA SA

DIGMAANG KASTILA - FILIPINO

GAWAIN 1PANANAW MO, IPAKITA MO!

Panuto: Batay sa naging talakayan at mga impormasyong tinalakay, gumuhit ng sariling pananaw tungkol sa relasyon ng Pilipinas sa Amerika sa mag-aaral.

Rubric ng Larawan Katumbas na Marka

Antas 5 – Pinakamahusay 30

Antas 4 – Mahusay 25

Antas 3 – Medyo mahusay 20

Antas 2 – May kahusayan ngunit kulang 15

Antas 1 – Hindi mahusay 10

GAWAIN 2 - BALIKATAN EXERCISE: SERBISYO O PERWISYO?

Panuto: Itanong sa mag-aaral kung ano ang kanilang masasabi nila sa larawan. *Ano ang Balikatan Exercise?

GAWAIN 3Hatiin ng guro ang klase sa dalwang pangkat para sa isang debate, : maaring

itanong ang sumusunod:• May naitutulong basa atin ang Balikatan exercise? Patunayan• Anu- ano ang mga negatibong epekto ng Balikatan Exercise sa ating kapaligiran?

Sa ating mga mamamayan?Rubric ng Larawan Katumbas na Marka

Antas 5 – Napakahusay Malinaw na nasusunod ang tagubilin sa gawain, kumpleto ang ideyang hinahanap, masiglang naipahahayag ang paksa

Antas 4 – Mahusay Nasunod ang tagubilin ngunit hindi kumpletong naipahayag ang ideyang hinahanap, bagamat masiglang naipahahayag ang paksa

Antas 3 – Katamtaman Di- gaanong nasunod ang tagubilin , di kumpletong naipahayag ang ideyang hinahanap, bagamat masiglang naipahahayg ang paksa

Antas 2 – Hindi gaanong mahusay Di gaanong nasunod ang tagubilin, may kalabuan ang mga ideyang naipahayag.

Antas 1 – Hindi lubhang mahusay Malabo ang ideyang ipinapahayag, hindi nasunod ang tagubilin

GAWAIN 4 – PANALO O TALO?

Bilugan ang simbolo na nagpapahayag ng iyong saloobin ukol sa pagkakasangkot ng mga Amerikano sa Pilipinas.Sagutin ito ng buong katapatan.

GAWAIN 4 – PANALO O TALO?

Isinuko ni Aguinaldo ang mga armas ng Katipunan, at nanawagan ng pagsuko sa mga Katipunero. Paglilipat ni Aguinaldo sa pamahalaang rebolusyonaryo sa Hongkong. Pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa tropa ng mga Amerikano. Tinalo rin ng mga Amerkano ang hukbong Español sa Cuba. Pagpapahayag ng Pagkampi ng mga Ilustrados sa mga Amerikano.

LAYUNIN NG AMERIKA SA

PANANAKOP SA PILIPINAS

PRE – ACTIVITIESBENEVOLENT ASSIMILATION

GAWAIN 1 AMERIKANO: SAKLOLO O AMO?

Panuto: Punan ang tsart ng KWLS batay sa kaalaman at pananaw sa pagdating ng Amerikano sa Pilipinas.

Know Pagkakakilala sa mga Amerikano

WantMga nais malaman tungkol sa mga Amerikano

LearnMga natutunan sa layunin ng Amerikano batay sa Benevolent Assimilation

SignificanceKahalagahan ng mapanuring kakayahan sa tunay na motibo ng tao

GAWAIN 2 – PICTURE PICTURE

Panuto: Suriin ang larawan.

GAWAIN 2 – PICTURE PICTURE

1. Itala ang mga bagay at kaisipan na makikita sa kahon sa itaas.

2.Ang mga ito ba ay likas sa kulturang Pilipino? Bakit?

3.Saang bansa ang pinagmulan ng mga nasa larawan?

4.Paano nakapasok ang mga ito sa kulturang Pilipino?

GAWAIN 3 – BUUIN MO

Panuto: Buuin ang pangungusap.

Pilipinas amin pagsamantalahan

para ay Ang hindi

GAWAIN 3 – BUUIN MO

Panuto: Buuin ang pangungusap.

Ang Pilipinas ay hindi amin para pagsamantalahan

GAWAIN 4 – OBVIOUS BA?

Panuto: Subukinng guro ang kakayahan ng mga mag-aaral na kilalanin ang pahayag ng pagparito ng Amerika sa Pilipinas, ayon sa Benevolent Assimilation. Lagyan ng bituin ( ) ang nagsasaad ng tunay na layunin ng Amerikano sa Pilipinas at bilog ( ) ang hindi.

1. Pangalagaan kayo at ang inyong mga ari-arian sa abot ng aming kapangyarihan.2. Magkaroon kami ng tagabili ng aming mga produkto.3. Mabigyang proteksiyon ang inyong karapatan.4. Magkaroon kami ng mapagdadaungan sa Pasipiko para sa aming kalakalan. 5. Kayo ay sanayin naming makapagsarili.6. Mabigyan kayo ng kalayaan sarelihiyon at tulungan sa paghahanapbuhay.7. Magkaroon kami ng mapagkukunan ng karagdagang buwis.8. Makapagpalawak ng aming kapangyarihan sa Pasipiko.9. Ipatupad ang makataong mga patakaran sa pamamahala.10. Makakuha ng mga hilaw na materyales para sa aming pamumuhunan.

ENABLINGACTIVITIESBENEVOLENT ASSIMILATION

Si William McKinley, pang-25 pangulo ng United States, ang kasalukuyan noong nanunungkulan nang ang ating bansa ay mapasailamim sa United States of America.

Noong ika-21 ng Disyembre, 1898, ipinalabas ni Mckinley ang kanyang proklamas yong Benevolent Assimilation kung saan isinaad ang saloobin ng United States sa pagsakop sa ating bansa. Isang kopya ng binagong bersyon nito ay ipinadala ni Gen. Elwell Otis kay Pangulong Emilio Aguinaldo noong ika-4 ng Enero, 1899 upang mas maging katanggap-tanggap sa mga Pilipino ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Gayunpaman, nanatili ang paninindigan ni Aguinaldo sa pagpapatuloy ng kanyang malayang Republika. Isang buwan ma tapos ipahayag ang proklamasyon ay sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano.

Hindi pa man gaanong nagtatagal ang tagumpay ng mga Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan ay naharap muli ang batang Republika sa panibagong hamon.

Hindi pa man gaanong nagtatagal ang tagumpay ng mga Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan ay naharap muli ang batang Republika sa panibagong hamon.

Naging palaisipan ang pananatili ng pwersa ng mga dayuhang Amerikano sa bansa. Dama ang tensyon sa pagitan ng mga Pilipino at mga sundalong Amerikano. Ang dating karamay at kakampi ang siya ngayong bagong banta sa kalayaan. Ang insidente sa Tulay ng San Juan del Monte noong ika-4 ng Pebrero, 1899 na nauwi sa pagkakapaslang ni Private William W. Grayson, isang sundalong Amerikano, sa isang Pilipinong tumatawid sa tulay ang naging hudyat ng simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Tunghayan ang timeline sa ibaba para sa mga mahahalagang kaganapan sa Digmaan sa pagitan ng Pilipinas at United States.

Sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas iba’t-iba ang naging tugon ng mga Pilipino may mga naniwala na makakatulong ang Amerika upang magkamit ng Pilpinas ang kalayaan sa kamay ng mga Espanyol ang iba naman naniniwala na sasakupin din ng Amerika ang bansa. Ano nga ba ang tunay na layunin ng Amerika sa Pilipinas? Narito ang mga dokumento na nagsasaad ng layunin ng Amerika sa Pilipinas.Basahin at suriin mo ang nilalaman nito at pagkatapos ikaw ang magpasya kung ito ay makatuwiran o hindi.

GAWAIN 1: PAGSUSURI NG DOKUMENTO

Nabasa at nasuri mo na ba ang dalawang dokumento? kung handa ka na sagutan ang mga sumusunod na tanong:1. Ano ang nais ipahayag ng may akda sa dalawang dokumentong iyong binasa?2. Paano napasakamay ng Amerika ang Pilipinas batay sa naunang dokumento?3. Ano-ano ang mga layunin ng Amerika sa pagsakop sa Pilipinas?4. Ano ang Benevolent Assimilation?5. Ano mga panghihikayat ang ipinahayag ni Pangulong Mackinley upang

mapagtibay na walang hangarin ang Amerika na sakupin ang Pilipinas?6. Bakit mahalaga ang Pilipinas at pacific sa Amerika?7. Paghambingin ang dalawang dokumento? Ano ang pinatutunayan nito?8. Makatuwiran ba para sa mga Pilipino ang layuning ito ng Amerika? Bakit?

GAWAIN 2: THINK TANKSagutin ang mga katanungan at ihayag ang inyong saloobin1. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa at masuri ang proklamasyon ni Pangulong MciKinley? Bakit? 2. Kapani-paniwala ba ang mga dahilan ni Pangulong McKinley tungkol sa kanilang pananakop sa ating bansa? Bakit?3. Maituturing mo ba na tunay na kaibigan ng Pilipinas ang

United States? Bakit?4. Ano ang ipinahiwatig ng Benevolent Assimilation sa ating

bansa?

GAWAIN 3: BUBBLE MAP

Itala ang dahilan ng pagparito ng mga Amerikano.

GAWAIN 4: DISCUSSION WEB

Ayon sa mga binanggit na layunin ng Amerika sa tuluyang pananakop sa Pilipinas, ibigay ang iyong katwiran sa pahayag na nasa ibaba.

Utang natin sa mga Amerikano

ang ating kalayaan

Hindi kasi…Oo dahil……

Maging ang United States ay nahati sa dalawang panig (pro-imperialist at anti-imperialist) dulot ng usapin sa pananakop sa mga dating kolonya ng Spain partikular ang Pilipinas. Ang political cartoon na ito ay isa lamang sa maraming lumabas na political cartoons noong 1898 na naglalarawan sa Benevolent Assimilation (Mahinahong Pananakop) ni Pangulong McKinley sa Pilipinas.

GAWAIN 5 – POLITOON

Maging ang United States ay nahati sa dalawang panig (pro-imperialist at anti-imperialist) dulot ng usapin sa pananakop sa mga dating kolonya ng Spain partikular ang Pilipinas. Ang political cartoon na ito ay isa lamang sa maraming lumabas na political cartoons noong 1898 na naglalarawan sa Benevolent Assimilation (Mahinahong Pananakop) ni Pangulong McKinley sa Pilipinas.

GAWAIN 5 – POLITOON

Tukuyin at itala ang mga tauhan, bagay at mga salita na makikita mula sa cartoon.

MGA TAUHAN O BAGAY MGA SALITA O PARIRALA

GAWAIN 5 – POLITOON

Bigyan ng kahulugan o simbolismo ang mga tinukoy na tauhan, bagay at mga salita mula sa cartoon. Isulat ang pakahulugan sa mga kahon.

GAWAIN 5 – POLITOON

Isulat ang emosyon ng bawat tauhan at bigyan ito ng kahulugan. Pumili mula sa nakatalang emosyon.

GAWAIN 5 – POLITOON

Ano ang mensahe ng cartoonist sa kanyang likhang ilustrasyon? Ikaw ba ay umaayon sa kanyang mensahe? Bakit? Isulat sa kahon ang iyong sagot.

CULMINATINGACTIVITIESBENEVOLENT ASSIMILATION

GAWAIN 1 – KARTUN MO, GAWA MO

Gumuhit ng sariling political cartoon na nagpapakita ng iyong saloobin bilang isang Pilipino tungkol sa Benevolent Assimilation o Mahinahong Pananakop ng United States sa iyong bansa. Ibahagi ito sa klase. (Maaring gawing gabay ang rubric sa pagsasaalang-alang sa pagbuo ng sariling political cartoon).

GAWAIN 2 PAGSULAT NG REFLECTION

Balikan ang mga sanggunian sa modyul. Sumulat ng isang reflection sa iyong journal batay sa sumusunod na tanong.  1. Anong aral ang iyong natutuhan sa pananakop ng United States sa

Pilipinas?2. Bakit kailangang pangalagaan ang pagiging malaya ng ating bansa? 3. Bakit mahalaga na hubugin ang sarili bilang isang mapanuring

mamamayan?4. Ano ang iyong papel na gagampanan upang mapangalagaan ang

kalayaan ng bansa?5. Aling pagpapahalaga o katangian ang dapat taglayin ng isang

responsableng mamamayan? Sumangguni sa tseklis.

GAWAIN 2 PAGSULAT NG REFLECTION

GAWAIN 3 MAGPABUNGA TAYO

Panuto: Gamit ang puno hayaan ng guro ang mga mag-aaral na magdikit sa katawan ng puno ng mga nabanggit na layunin ng Amerika sa Pilipinas ayon sa Benevolent Assimilation, at sa mga bunga ang mga epekto nito.

GAWAIN 4 PANINGNINGIN MO AKO

Panuto: Iaatas ng guro ang pagpapaningning sa araw na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga kahalagahan ng “Benevolent Assimilation” sa mga Pilipino.

TRANSISYON SA SUSUNOD NA

MODYUL

Bagaman hati ang United States sa isyu ng imperyalismo at nakahanap ang Pilipinas ng kakampi sa mga kasapi sa Anti-Imperialist League ay nabigo pa rin na pigilan ang tuluyang pananakop sa ating bansa.

Sa susunod na modyul ay pag-aaralan mo ang mga primaryang sanggunian tungkol sa pagpapatupad ng Pilipinisasyon, mga mahahalagang batas na nagtatakda ng patakarang kolonyal at pagsupil sa nasyonalismong Pilipino.

MGA SANGGUNIAN

• CENTRAL OFFICELearner’s Module (Q3, M1) pp. 1 – 38

• CENTRAL OFFICETeaching Guide (Q3, M1) pp. 1 – 26

• DIVISION OF RIZALLearner’s Module (Q3, M1) pp. 1 - 18

KEY ANSWERS

DOWNLOAD LINK

http://www.slideshare.net/jaredram55

E-mail: jaredram55@yahoo.com

All is wellMay the odds be ever in your favorGood vibes =)Break a leg (Good luck)

Prepared By:JARED RAM A. JUEZANTeacher I, AP 7October 12 - 13, 2013

Thank you very much

top related