ratedpg 4- ano ngayon - ps vetty gutierrez- 7am mabuhay service
Post on 19-Mar-2017
65 Views
Preview:
TRANSCRIPT
10 Ayon sa nasusulat, “Walang
matuwid, wala kahit isa.11 Walang nakakaunawa, walang
naghahanap sa Diyos.
MgaTaga-Roma 3: 10-12
12 Ang lahat ay lumihis ng landas at
nagpakasama.
Walang gumagawa ng mabuti,
wala kahit isa.”
MgaTaga-Roma 3: 10-12
NAUUNAWAAN NG
DIYOS ANG SAKIT NG
PAGPAPALAKI NG ATING
MGA ANAK.
2Makinig ang kalangitan gayundin
ang kalupaan,sapagkat si Yahweh ay
nagsasalita,“Pinalaki ko't inalagaan
ang aking mga anak, ngunit
naghimagsik sila laban sa akin.
3 Nakikilala ng baka ang kanyang
panginoon,at ng asno kung saan siya
pinapakain ng kanyang amo;ngunit
hindi ako nakikilala ng Israel,hindi ako
nauunawaan ng aking bayan.”
11 Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao
na may dalawang anak na lalaki.
12 Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama,
ibigay na po ninyo sa akin ang
mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama
ang kanyang ari-arian.
13 Pagkalipas ng ilang araw,
ipinagbili ng bunso ang kanyang
bahagi at nagpunta sa malayong
lupain. Nilustay niya roon sa mga
bisyo ang lahat niyang kayamanan.
14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng
matinding taggutom sa lupaing iyon,
kaya't siya'y nagsimulang maghirap.
15 Namasukan siya sa isang
tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito
sa isang babuyan.
13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili
ng bunso ang kanyang bahagi at
nagpunta sa malayong lupain.
Nilustay niya roon sa mga bisyo ang
lahat niyang kayamanan.
16 Sa tindi ng kanyang gutom, at
dahil sa wala namang nagbibigay sa
kanya ng pagkain, halos kainin na
niya ang mga pinagbalatan ng mga
bungangkahoy na pinapakain sa
mga baboy
9 Kaya't mula nang marinig namin ito,
patuloy naming idinadalangin sa Diyos
na sana'y ipaunawa niya sa inyo nang
lubusan ang kanyang kalooban, sa
pamamagitan ng karunungan at pang-
unawang kaloob ng Espiritu.
10 Sa gayon, makakapamuhay na
kayo nang karapat-dapat at kalugud-
lugod sa Panginoon, sasagana sa
lahat ng uri ng mabubuting gawa, at
lalawak ang inyong pagkakilala sa
Diyos.
10 Aking anak, sakali mang akitin ka
ng mga makasalanan,huwag kang
papayag, tanggihan mo sila.
11 Kung sabihin nilang, “Halika't tayo
ay mag-abang,bilang katuwaa'y
daluhungin ang mga walang malay.
12 Sila'y ating dudumugi't walang
awang papatayin,at sila ay matutulad
sa patay na ililibing.
13 Ating sasamsamin ang lahat
nilang kagamitan,bahay nati'y
mapupuno ng malaking kayamanan.
14 Halika at sa amin ikaw nga ay
sumama,lahat ng masasamsam,
bibigyan ang bawat isa.”
15 Aking anak, sa kanila ay iwasan
mong makisama,umiba ka ng landas
mo, papalayo sa kanila.
71 Sa akin ay nakabuti ang parusang
iyong dulot,pagkat aking naunawang
mahalaga ang iyong utos.
At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.
“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa
matinding awa ay patakbo siyangsinalubong, niyakap, at hinalikan.
Ngunit si Yahweh ay naghihintay
upang tulungan kayo at kahabagan;
sapagkat si Yahweh ay Diyos na
makatarungan;mapalad ang lahat
ng nagtitiwala sa kanya.
TANONG NA PAGBUBULAY BULAYAN
1. May pagkakataon ba na ikaw ay
nagrebelde sa iyong magulang? Paano ka
ibinalik ng Panginoon?
2. Kayo po ba ang nagrerebelde sa
kasalukuyan? Ano ang iyong dapat gawin.
3. Ano po ang isang malaking natotonan
nyo sa ating pinagaralan?
FAITHWORKS CHRISTIAN CHURCH GLOBAL
Presented By:
Ps. Vetty Gutierrez
FCC Main San Mateo, Rizal, PH
7am Mabuhay Worship Service,
February 26, 2017
top related