relihiyong islam
Post on 20-Jan-2017
549 Views
Preview:
TRANSCRIPT
GROUP II
Magandang hapon po sa ating
lahat!
ISLAM• isa sa pinakabatang relihiyon sa mundo.• nakabatay sa mga katuruan ni Mohammed> tungkol
sa pagsamba at pagsunod sa iisang diyos na si Allah.• umusbong ang relihiyong ito sa Saudi Arabia
partikular sa Mecca.• sinisimbolo ito ng crescent moon
at bituin.• sa kasalukuyan, ang islam ang
pangalawang relihiyon na may pinakamaraming tagasunod at pinakamabilis na bahagdan ng paglaki ng populasyon.
MOHAMMED (571 ce – 632 ce)• dakilang propeta ng mga Muslim at tagapagtatag
ng relihiyong Islam.• ipinanganak sa Mecca na matatagpuan sa
kanlurang bahagi ng Saudi Arabia.noong 610 CE• sinabi niya na nakatanggap siya ng mensahe mula
sa Diyos at sa kanyang anghel na si Gabriel.• ipinahayag niya na walang dapat na sambahin
kundi si Allah at ang kanyang mga utos lamang ang dapat na sundin.
Hindi tinanggap ng mga matataas na tao ang
mga aral ni Mohammed at nais siyang ipahamak nito. Dahil dito, nagtungo siya sa Medina at
ipinagpatuloy ang kanyang pangangaral dito. Muli siya nagbalik sa Mecca at nagtagumpay na
maging isang pamayanang Muslim ang lugar. Tinanggap ng mga tao ang monoteismong
paniniwala ni Mohammed at nagpatayo ng gusali kung saan nakalagay ngayon ang Ka‘bah.
Ito ang pinakabanal na lugar para sa mga Muslim.
Hindi inaasahan ang pagkamatay ni Mohammed noong
632 CE ngunit ang kanyang mga katuruan ay may malawak
na impluwensiya sa pandaigdigang relihiyon.
Larawan ng ka’bah sa mecca
Lumaganap ang Islam sa kanlurang Asya at Africa noong ikapito at ikawalong
siglo. Pagkaraan ng 100 na taon ng pagkamatay ni Mohammed, maraming
pamayanang Muslim ang naitatag mula India hanggang sa Spain sa Europe.
Larawan ng mga muslim na sumasamba
Aral at katuruan ng islam• ang Islam ay karugtong ng relihiyong Judaism
at Kristiyanismo.• paniniwala na si Abraham, Moses, at Hesus
ay pawang mga propeta lamang na sugo ni Allah upang ihatid ang kanyang mensahe sa mga tao.
• ang lahat ng tao ay daraan sa huling paghuhukom. Paniniwala na may langit at impiyerno.
Qur’an (koran)• pinakabanal na aklat ng mga
Muslim.• nangangahulugan ito na
recitation.• naniniwala ang mga Muslim na ang bawat salita na
nakasulat sa Qur’an ay nagmula sa salita ni Allah.• dahil dito, hindi pinayagan ng mga Muslim na
maisalin ang mga salita ng Qur’an sa ibang wika.• binubuo ito ng 114 na surah o kabanata kung saan
nakatala ang rebelasyon ni Allah sa lahat ng tao.
Apat na pangunahing paniniwala sa qur’an1) Nilikha ni Allah ang lahat ng bagay sa
mundo.2) Nasa pangangalaga ni Allah ang lahat ng tao.3) Nararapat lamang na sundin ng tao ang nais
ni Allah.4) Gagantimpalaan ni Allah ang mga mabubuti
at parurusahan ang mga masasama.
Limang haligi ng mga muslim
i Shahadah - paghayag ng pananampalataya na walang ibang kinikilalang diyos maliban kay Allah, at si Mohammed ang kanilang propeta.
s Salat - pagdarasal ng mga Muslim ng limang beses sa isang araw. Karaniwang nagdarasal sila na nakaluhod sa lupa at nakaharap sa direksiyon ng Mecca.
l Sawn - isang buwan ng pag-aayuno sa isinasagawa sa pamamagitan ng Ramadan. Ito ay tuwing ikasiyam na buwan sa kalendaryong Muslim. Ipinagbabawal ang pagkain, inumin, at mga kasiyahan.
a Zakat - pag-aabuloy sa mga mahihirap at nangangailangan. Pagkaloob bawat taon ng 1/40 ng lahat ng pag-aari ng isang Muslim para sa mga mahihirap.
m Hajj - pilgrimage o paglalakbay sa Mecca. Inaanyayahan ang lahat ng Muslim na may kakayahang maglakbay sa Mecca minsan sa kanilang buhay. Isinasagawa ito tuwing ika-12 buwan sa kalendaryong Muslim.
• Shahadah - paghayag ng pananampalataya na walang ibang kinikilalang diyos maliban kay Allah, at si Mohammed ang kanilang propeta.
• Salat - pagdarasal ng mga Muslim ng limang beses sa isang araw. Karaniwang nagdarasal sila na nakaluhod sa lupa at nakaharap sa direksiyon ng Mecca.
• Sawn - isang buwan ng pag-aayuno sa isinasagawa sa pamamagitan ng Ramadan. Ito ay tuwing ikasiyam na buwan sa kalendaryong Muslim. Ipinagbabawal ang pagkain, inumin, at mga kasiyahan.
• Zakat - pag-aabuloy sa mga mahihirap at nangangailangan. Pagkaloob bawat taon ng 1/40 ng lahat ng pag-aari ng isang Muslim para sa mga mahihirap.
• Hajj - pilgrimage o paglalakbay sa Mecca. Inaanyayahan ang lahat ng Muslim na may kakayahang maglakbay sa Mecca minsan sa kanilang buhay. Isinasagawa ito tuwing ika-12 buwan sa kalendaryong Muslim.
*TATAK ASYA
Alam mo ba na ang Dome of the Rock sa Jerusalem, Israel na isang gusali na mahalaga sa
mga Hudyo, Kristiyano, at Muslim? Pinaniniwalaan ng mga Muslim na dito dumalaw sa kalangitan si Mohammed noong 619 CE. Para naman sa mga
Hudyo at Kristiyano, dito na dating nakalagay ang templo nina Solomon at Haring Herod.
MARAMING Salamat po sa pakikinig!
GROUP IIDEXTER WASIN
RUFFA MAE DONATODAPHNE BALAWAG
ANGELICA MAE AFALLAGINALYN GISMUNDOSANIATA MEA BUBOD
JOHN MAURERAchrysteen joyce gazzingan
THANK YOU!
KEEP SMILING
top related