run the race 3 - sis. donna tarun - 7am mabuhay service

Post on 13-Apr-2017

241 Views

Category:

Spiritual

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

PAGLUWALHATI KAY CRISTO

EFESO 3:10-1110 Ginawa Niya ito upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipakilala ngayon sa mga pinuno at mga may-kapangyarihan sa sangkalangitan ang walang hanggang karunungan ng Diyos na nahahayag sa iba’t-ibang paraan.

11 Ito’y alinsunod sa Kanyang layunin bago pa man likhain ang sanlibutan. Tinupad Niya ang layuning ito sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

EFESO 3:10-11

Ang pagsamba ay ang hangaring maluwalhati

ang Panginoon sa pamamagitan ni

Cristo.

Mga bagay ukol sa ating pagsamba na hindi

maaring ipakipagtawaran:

1. KABABAANG-

LOOB

Ang Panginoon lamang ang nag-iisang sentro ng ating

pagsamba.

KAWIKAAN 22:4Ang paggalang at pagsunod

kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay

nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.

SANTIAGO 4:6

…Ang Diyos ay laban sa mapagmataas ngunit

nalulugod sa mga mapagpakumbaba.

2.KATIMTIMANG-

LOOB/KATAPATAN

Ang pakahulugan ni Cristo sa tunay na pagsamba ay ang nagmumula sa ating

kalooban at hindi sa panlabas na pamamaraan.

JUAN 4:24

Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat Siyang sambahin sa espiritu at katotohanan.

3.KALINAWAN

Ang pagsamba ay ritmo ng kapahayagan at

kasagutan.

SANTIAGO 1:22Mamuhay kayo ayon sa

Salita ng Diyos. Kung ito’y pinapakinggan lamang

ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

4.PAMAYANAN

Tayo ay nananambahan bilang isang pamayanan hindi isang indibidwal

lamang.

•Makasarili•Manonood lamang

SULIRANIN SA MAKABAGONG

PAGSAMBA

PANGKALAHATANG PANANAMBAHAN

• May pagpapalakasan• May pagkakaisa• Matatag na

naipagpapatuloy ang pananampalataya sa mga sumusunod na henerasyon

• May pagsasama- sama sa espiritwal

na pakikipaglaban

HEBREO 10:25Huwag nating kaligtaan ang

pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng

ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng

isa’t-isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na

ang araw ng Panginoon.

5.PAGKAKAIBA

Naisasalarawan sa pamamagitan ng ating

pagsamba ang pagkakaisa at pagkakaiba sa

kalangitan.

1 CORINTO 12:12Si Cristo’y tulad ng isang katawan ng may maaming

bahagi. Kahit na binubuo ng iba’t-ibang bahagi, ito ay

nananatiling isang katawan.

Ang pagsamba sa Diyos ang siya nating

nagsisilbing lakas at siya ring tanging layunin ng

ating takbuhin.

PANGWAKAS

Sa pamamagitan ng mga mananampalataya

naihahayag sa sanlibutan ang walang hanggang karunungan ng Diyos.

(Efeso 3:10)

PANGWAKAS

top related