series 6, no. 1 - · pdf fileng mga alagang hayop gaya ng kalabaw at pato. mapangangasiwaan...
Post on 06-Feb-2018
261 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Ang Small Farm Reservoir (SFR) ay isang uri ng water harvesting technology o maliit na imbakan ng tubig na kumukulekta ng tubig-ulan. Nasa P20,000-30,000 ang karaniwang gastos para sa isang SFR.Inirerekomenda ito sa mga sakahang hindi lalampas ng 2 ektarya.
Piliin ang uri ng lupa na loam, sandy loam, sandy clay loam, o clay loam para maging imbakan ng tubig.
Mas mainam gumawa sa patag o nasa 3-8 porsyento ang kiling o slope na lupa.
Magsukat ng nasa 1,500 metro kwadradong luwang at maghukay ng hindi lalampas sa 5 metro ang lalim.
Mainam na bulldozer o backhoe ang gamiting panghukay kung higit pa sa isang SFR ang itatayo.
Maaaring gumamit ng PVC pipes o tubo at bombang de makina para magpatubig.
Paggawa ng SFR
Series 6, No. 1
Sinuri ni: Fe A. dela Peña, Crop Protection Division
Pansamantalang imbakan ng tubig-ulan. Ito ay magagamit sa panahon na kulang ang patubig lalo na kung tag-araw at sa mga sakahang sahod-ulan.
Makapagtatanim ng iba pang halaman tulad ng mga gulay at punong-kahoy.
Nagsisilbing palaisdaan at tampisawan ng mga alagang hayop gaya ng kalabaw at pato.
Mapangangasiwaan ang malayang pagdaloy ng maraming tubig-ulan patungo sa mga sakahan.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa SRF, maaring direktang makipag-ugnayan sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM).
Benepisyo
Series 6, No. 1
top related