sistemang pulitikal sa tsina at taiwan

Post on 22-Jul-2015

1.639 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Sistemang Pulitikal sa

Tsina at Taiwan

Prediksyon ni Mao Tze Tung

“Hindi magtatagal at ang milyong magsasaka ay magbabangong parang unos; isang pwersang magiging napakarahas na hindi makakayang pigilan. Tatapusin nila ang lahat ng pahirap na nakahahadlang sa kanila…”

“Ang isda ay hindi nabubuhay ng walang tubig. Hayaang ang mga tao ay magsilbing tubig at ang mga sundalo ang magsilbing isda”.

Pagwawagi ng Komunismo sa Tsina• Matapos ang digmaang sibil sa Tsina,

iprinoklama ni Mao Tze Tung noong Oktubre 1, 1949 ang People’s Republic of China na nakakiling sa komunismo.

• Pinangarap ni Mao na magtatag ng isang matatag at industriyalisadong bansa patungo sa isang bagong lipunang walang bahid ng nakaraang kasaysayan nito.

Ipinakalat ni Mao ang kanyang mga ideyang komunista sa pamamagitan ng mga radyo at loud speaker kahit saang lugar o sulok ng Tsina. Ang ulat ay nagpamulat sa mga Chinese ng buhay komunismo. Ang balita o anumang bagay na may kinalaman sa pagpapalakas ng pamahalaang komunismo ay palagian nang nakasunod sa pandinig ninuman mula sa istasyon ng sasakyan, sa loob ng sasakyan hanggang marating ninuman ang kanyang pupuntahan.

Alam Mo Ba?

Ang Pamahalaang Komunista ng TsinaTatlong Pangunahing Suporta ng Rehimen:1. Ang Partido• Ito ang siyang kumokontrol sa pamahalaan,

sa hukbo, at sa masang bumubuo sa selda ng partido

• POLITBURO STANDING COMMITTEE-binubuo ng apat hanggang siyam na kalalakihan na nagpapasya sa mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa buong bansa.

2. Ang Pamahalaan• Ang pamahalaan ang naglalabas ng mga

isyu at nagpapatupad ng mga patakaran ng partido sa pamamagitan ng State Council.

• KONSEHO NG ESTADO (State Council)

-pangunahing awtoridad sa bansa na namamahala sa mga lalawigan.

• NATIONAL PEOPLE’S CONGRESS (NPC)

-pinakamataas na sangay ng kapangyarihang estado na naghahalal ng pangulo, pangalawang pangulo, konseho ng estado at Sentrong Komisyon ng Militar sa bansa.

3. Ang Hukbo (People’s Liberation Army)• tagapangulo ng komisyon ang Punong

Komandante ng hukbong sandatahan at nangangasiwa sa PLA. Ang hukbong sandatahan ng Tsina ay kilala bilang RED ARMY.

KORTE SUPREMA (Supreme People’s Court)-pinakamataas na korte ng People’s Republic of China(PROC)

top related