talaan ng mga tagapag-alaga sa nsw
Post on 21-Nov-2021
8 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Talaan ng mga Tagapag-alaga
sa NSW
Pagtatanghal para sa mga Tagapag-alaga Itong pagtatanghal ay isang patnubay upang makatulong ang mga nakatalagang ahensiya na
magbigay ng magkakaparehong impormasyon sa mga awtorisadong tagapag-alaga, mga
aplikante para maging tagapag-alaga at ang kanilang mga pamilya tungkol sa Talaan ng mga
Tagapag-alaga (Carers Register).
Ito ay nagbabalangkas ng mga tungkulin at responsabilidad ng Office of the Children’s
Guardian, mga nakatalagang ahensiya, mga awtorisadong tagapag-alaga, mga aplikante para
maging tagapag-alaga at ang mga kabahay nila.
Itong pagtatanghal ay kailangang kasama ng:
* Mga pahina ng katutuhanan at listahang pang-alaala saTalaan ng mga Tagapag-alaga
(www.kidsguardian.nsw.gov.au)
* Mga patakaran at pamaraan ng nakatalagang ahensiya
2
Office of Children’s Guardian (OCG) ng NSW Ang OCG ay isang malayang, naayon sa batas na awtoridad na: * Magtataguyod sa pinakamagandang kapakanan ng mga bata at kabataang nasa mga paalagaan sa-labas-ng-tahanan (OOHC) • Magbibigay-katiyakan na ang mga karapatan ng mga bata ay naipagtatanggol at
naitataguyod • Magmamanman at kumikilala sa mga ahensyang nagbibigay ng naaayon sa batas na
OOHC ng NSW • Magkikilala sa ang mga nagbibigay ng mga serbisyong ampunan na di-gobyerno sa NSW • Magrerehistro at magmamanman sa mga boluntaryong pangangalaga sa-labas-ng-
tahanan ng NSW • Mangangasiwa sa ‘Working With Children Check’ (WWCC) • Magkokontrol sa pagkaka-empleyo ng mga bata sa natatanging lugar • Maghihikayati sa mga samahan na maging ligtas sa mga bata • Mangangasiwa sa ‘NSW Child Sex Offender Counsellors Accreditation Scheme’ • Mangangasiwa sa Talaan ng mga Tagapag-alaga.
3
Pangangalaga sa labas-ng-tahanan
• Ang mga tagapag-alaga sa ampon, kamag-anak at katribo ay mahalaga sa sistemang pangangalaga sa labas-ng-tahanan. Sila ay nagbibigay sa mga bata at kabataan ng isang tahanan kung ang mga sinilangan nilang pamilya ay hindi nagbibigay ng karapat-dapat na pangangalaga sa kanila. Walang mas higit pang pinakaimportanteng gampanang papel sa ating lipunan kundi ang pag-aruga sa isang bata sa isang ligtas at mapagmahal na kapaligiran.
• Ang mga nakatalagang ahensya na nangangasiwa ng pangangalaga sa labas-ng-tahanan ay may
katulad ding napakamahalagang responsabilidad sa pagbibigay katiyakan na ang mga tagapag-
alaga ay karapat-dapat silang mag-alaga sa ilang madaling-masaktang mga bata sa New South
Wales. Ang mga kabahay ng tagapag-alaga ay dapat karapat-dapat din. .
4
Talaan ng mga Tagapag-alaga sa NSW
Ang OCG ay may ginawa at pangangasiwaan ang sentralisadong Talaan ng mga Tagapag-alaga na awtorisado, o nag-aaplay na mabigyan ng awtorisasyon (at kanilang mga kabahay), upang makapagbigay ng naaayon sa batas o suportadong pangangalaga sa labas-ng-tahanan sa NSW.
Ang Talaan ng mga Tagapag-alaga ay ginawa upang matiyak na may
maaayos na paglilipat at pamamahagi ng mga may-katuturang
impormasyon tungkol sa kasaysayan ng tagapag-alaga sa mga
nakatalagang ahensya. Ito ay partikular na mahalaga dahil ang FaCS ay
naglilipat ng mga bata mula sa kanilang paalagaan papunta sa di-
gobyernong sektor.
5
Ang sanggunian at pag-unlad ng Talaan ng mga Tagapag-alaga • Ang Carer Register Interagency Working Group, na may kinatawan mula sa Office of
the Children’s Guardian, Department of Family and Community Services, di-
gobyernong sektor, ang Ombudsman’s Office, ang Office of the Privacy
Commissioner at ang mga samahan ng mga tagapag-alaga ay nagbibigay ng mga
mahahalagang payo upang ipag-alam ang mga kaunlaran ng Talaan.
• Ang mahalagang konsultasyon ay ginawa sa mga pangunahing kasosyo sa sektor ng
OOHC upang matiyak na ang sistema ay dinisenyo at maisagawa upang sagutin ang
pangangailangan ng sektor.
• Ang mga pagsusuri sa awtorisasyon ng tagapag-alaga sa pinakamadaling
pagpapatunay ng katapatan ay makapagsasabi sa Inter-agency Carer Screening
(Probity) Roundtable, na pinulong ng Office of the Ombudsman noong 2011.
6
Ang mga Layunin ng Talaan ng mga Taga-alaga • Maitaguyod ang kaligtasan, kapakanan at kabutihan ng mga bata at kabataan
na naaayon sa batas o suportadong pagkaalaga sa labas-ng-tahanan sa pamamagitan ng pagsusuporta sa nararapat na awtorisasyon ng tagapag-alaga.
• Mapaunlad ang karapat-dapat na awtorisasyo ng mga tagapag-alaga sa NSW.
• Magkaroon ng isang sentrong mapagkukunan kung saan ang lahat na mga nakatalagang ahensya ay kailangang magamit nila sa pamamahagi ng mga may katuturang impormasyon tungkol sa mga awtorisadong tagapag-alaga, mga aplikante para maging tagapag-alaga at ang kanilang mga kabahay.
• Upang makatiyak na ang isang taong kasali sa isang kaugnayan sa isang nakatalagang ahensiya ay hindi maaaring magpresenta sa ibang nakatalagang ahensiya na hindi muna pinag-usapan ng dalawang ahensya ang pagkarapat-dapat nito bilang isang tagapag-alaga o kabahay ng tagapag-alaga.
7
Ang tungkulin ng OCG Ang OCG ay responsable sa pagtatag at pangangasiwa ng Talaan ng
mga Tagapag-alaga, isang sistema ng paglilisensiya sa pagbibigay
awtorisasyon sa tagapag-alaga at aplikante para maging tagapag-
alaga na nag-aaplay ng awtorisasyon (at ang kanilang mga kabahay),
magbigay ng naaayon sa batas o suportadong pangangalaga sa labas-
ng-tahanan sa NSW, sa ilalim ng Children and Young Persons (Care
and Protection) Act 1998 at ang Children and Young Persons (Care
and Protection) Regulation 2012.
8
Ang tungkulin ng mga nakatalagang ahensiya
Ang isang nakatalagang ahensiya ay isang ahensya na binigyang
awtorisado ng OCG upang magbigay ng naaayon sa batas na OOHC sa
NSW.
Ang mga nakatalagang ahensiya ay may ilang mga pananagutan, kasama
ang pagtasa at pagbigay awtorisasyon sa mga tagapag-alaga at ang
pagtasa sa kaangkupan ng kanilang mga kabahay.
Ang mga nakatalagang ahensiya ay responsable sa paglagay at
pagmementena ng mga datos sa Talaan ng mga Tagapag-alaga mula sa
oras ng pormal na pag-aaplay ng isang indibidwal na maging isang tagapag-
alaga.
9
Ang Talaan ng mga Tagapag-alaga ay • gagana bilang isang lugar na limitado ang makakagamit, may mga mahigpit na pagpipigil
dahil sa pagkapribado
• babawas sa ang peligro sa hindi tamang awtorisasyon ng tagapag-alaga
• mag-uulat lamang ang mga mahalagang impormasyon
• mangangailangan sa mga ahensiya na magpatunay na ang mga tagapag-alaga at may
katuturang mga kabahay, ay pumasa sa mga pagtasa ng katapatan at pagkarapat -dapat
• gagamitin bilang isang panglisensiya – magbibigay sa isang indibidwal ng numero ng
pagka-awtorisado bilang tagapag-alaga na kung wala ito ay hindi siya maaaring
makapagbigay ng pangangalaga sa labas-ng-tahanan sa isang bata o kabataan
• susuporta sa pagtutulungan sa trabaho ng mga ibat-ibang ahensya at magpapalitan ng
impormasyon
• tatawag ng pansin sa mga ahensya tungkol sa mga maaaring problema
10
Ang Talaan ng mga Tagapag-alaga ay hindi-
• nag-uulat ng mga detalye ng mga bata at kabataang nasa paalagaan, ngunit kung
ang isang kabataan ay patuloy na nakatira sa bahay ng isang tagapag-alaga kahit
sila ay may 18 na taong gulang na ay matatawag na isang kabahay
• susuporta sa pagkakatugma ng posisyon
• papalitan ang mga mas detalyadong proseso at sistema ng nakatalagang ahensiya
para sa pagtasa at pag-awtorisasyon ng mga tagapag-alaga at ang kanilang mga kabahay
• naglalaman ng mga detalyadong ulat – Ang Talaan ng mga Tagapag-alaga ay hindi
magtatala ng mga detalye ng bawat pagtasa sa katapatan at pagiging angkop, ang
naging resulta lamang (halimbawa: kung kasiya-siya o hindi kasiya-siya)
11
Kinakailangang impormasyon Ang Talaan ng mga Tagapag-alaga ay imbakan ng mga mahahalagang
impormasyon na itinakda ng batas tungkol sa mga awtorisadong tagapag-alaga,
mga aplikante para maging tagapag-alaga at lahat ng mga kabahay nila.
Ang mga tagapag-alaga (at mga kabahay nila) na awtorisado na bago ang mga
pagbabago sa batas ay iuulat sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag na
‘back capture’.
Ang mga awtorisadong tagapag-alaga at mga aplikante para maging tagapag-
alaga ay kinakailangang magpayo sa nakatalagang ahensya sa anumang
pagbabago sa kanila o mga kabahay. Ang nakatalagang ahensiya ay kailangang
gawing napapanahon ang Talaan ng mga Tagapag-alaga.
Para sa kinakailangang mga datos, tingnan ang ‘Caraer Register Fact Sheet3’
www.kidsguardian.nsw.gov.au
12
Pagtatala ng impormasyon • Ang mga nakatalagang ahensiya ay kinakailangang mag-ulat sa mga awtorisadong tagapag-alaga
at mga aplikante para maging tagapag-alaga (at ang kanilang mga kabahay) na ayon sa batas,
ang kanilang impormasyon ay kailangang mailagay sa Talaan ng mga Tagapag-alaga.
• Hindi kinakailangan ang pagpapayag mula sa mga awtorisadong tagapag-alaga at ang kanilang
mga kabahay para ang kanilang impormasyon ay mailagay sa Talaan ng mga Tagapag-alaga,
ngunit ang nakatalagang ahensiya ay kailangang sabihin sa kanila kung anong impormasyon ang
maitatala.
• Sa paggawa ng aplikasyon para mabigyan ng awtorisasyon, ang mga aplikante at ang kanilang
mga kabahay ay sumasang-ayon na ang kanilang impormasyon ay maitatala sa Talaan ng mga
Tagapag-alaga.
• Tingnan ang ‘Carers Register Fact Sheet 2’ www.kidsguardian.nsw.gov.au
13
Mga kinakailangang datos sa ‘Back Capture’
Ang mga tagapag-alaga na dati nang awtorisado Ang mga tagapag-alaga (at ang kanilang mga kabahay) na awtorisado ng isang nakatalagang ahensiya upang magbibigay ng naaayon sa batas o suportado ng OOHC sa NSW bago nagbago ang batas.
14
Kabuuan ng ‘Back Capture’
Ang mga nakatalagang ahensya ay maaaring magbigay ng kopya ng ‘Back Capture Summary’ sa mga tagapag-alagang awtorisado na.
15
Ang Aplikante Para Maging Tagapag-alaga – ang mga kinakailangang datos
Ang aplikante para maging tagapag-alaga ay ang taong nag-aplay sa isang nakatalagang ahensya upang maging isang awtorisadong tagapag-alaga.
16
Mga Kabahay (ng aplikante para maging tagapag-alaga)- mga kinakailangang datos
Ang kabahay ay ang taong palaging nakatira sa bahay ng awtorisadong tagapag-alaga o ng aplikante para maging tagapag-alaga, at mga bisitang maninirahan sa bahay ng tatlong linggo o mahigit pa. Posible na ang isang tao ay maaaring manirahan sa mahigit sa isang bahay.
17
Kabuuan ng Aplikasyon
Ang mga nakatalagang ahensiya ay kayang magbigay ng isang kopya ng ‘Application Summary’ sa mga aplikante para sila ay magiging tagapag-alaga kapag nakapasa ang kanilang aplikasyon.
18
Kung awtorisado na, ang mga sumusunod na impormasyon tungkol sa isang indibidwal ay maaaring magbago
Indibidwal = awtorisadong taga-alaga, aplikante para maging taga-alaga o kabahay
19
Kung awtorisado na, ang mga sumusunod na impormasyon ay maaaring mabago tungkol sa kabahay Ang mga kabahay
20
Pakikipagpalitan ng Impormasyon
• Mga nakatalagang ahensiya ay kinakailangan ayon sa batas na
makikipagpalitan ng impormasyon sa ibang nakatalagang ahensiya na kilala
bilang may kaugnayan sa awtorisadong taga-alaga, aplikante para maging
tagapag-alaga o ang mga kabahay nila.
• Ang Family and Community Services ay makikipagpalitan din ng mga
makabuluhang impormasyon tungkol sa mga indibidwal na kasama ng
nakatalagang ahensiya.
• Layunin ng pamamahagi ng impormasyon ang pagsuporta sa tamang
awtorisasyon ng mga tagapag-alaga at mga kabahay nila.
21
Sino ang maaaring makakabasa sa Talaan ng mga Tagapag-alaga?
Ang Talaan ng mga Tagapag-alaga ay gagana bilang isang piling-pili lamang ang makakagamit (restricted access). Sino ang makakagamit: • Ang mga itinalagang tagapag-alaga ay makakagamit lamang ng impormasyon tungkol sa
kanilang mga tagapag-alaga o mga taong nag-aplay sa kanila upang mabigyan ng awtorisasyon (at ang kanilang mga kabahay)
• Ang NSW Family and Community Services (Community Services) • Ang NSW Ombudsman's Office • Ang Office of the Children’s Guardian • Ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas at nag-iimbestiga sa anumang
nasasakupan, at pagtatanggol sa mga bata o mga ahensiya ng OOHC sa ibang nasasakupan na aprobado ng Ministro
• Ang mga indibidwal (mga awtorisadong tagapag-alaga/mga aplikante para maging taga-alaga /mga kabahay) ay may karapatan na makita ang impormasyon tungkol sa kanila sa Talaan ng mga Tagapag-alaga o ang kanilang mga anak na kulang pa ang edad sa 18 at maaaring magsumbong sa OCG upang mabigyan kayo ng pansin.
22
Para sa karagdagang impormasyon:
• makipag-usap sa isang kinatawan ng iyong itinalagang ahensiya
• mag-email sa OCG carers-register@kidsguardian.nsw.gov.au
• bumisita sa www.kidsguardian.nsw.gov.au
Ang mga nilalaman ng mga pahina ng katutuhanan at mga pamatnubay na listahan sa
Talaan ng mga Tagapag-alaga:
1. Mga pagsuri ng katapatan at pagiging angkup ng mga tagapag-alaga at mga kabahay
2. Impormasyon sa mga tagapag-alaga at mga kabahay: Ano ang mga datos na naitala?
3. Impormasyon sa mga itinalagang ahensiya: Ano ang mga datos na naitala?
4. Impormasyon na dapat ibigay ng mga itinalagang ahensiya sa mga tagapag-alaga, mga
aplikante para maging tagapag-alaga at ang kanilang mga kabahay..
23
Mga tanong
24
top related