the challenge of following christ

Post on 24-Jan-2015

553 Views

Category:

Spiritual

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Welcometo the

Doctrine Seminar!

Ang Hamon ng Pagsunod kay Kristo

(Kabanata 14 / Session 11)

Part IPananampalataya at

Moral na Pamumuhay

A. Ang Kaharian ng Diyos:1. Kundisyon: Pagbabalik-loob at

pagbabagong buhay.2. Kalikasan: Pagiging Alagad, o ang

pagsunod kay Kristo.3. Buhay na Likas: Pamumuhay sa pag-ibig.4. Pamantayan: Ang Batas ng Espiritu.5. Alituntunin: “Ang Mapapalad”

Pagbabalik-loob

• “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos” (Mateo 18:3).

Pagiging Alagad• “Ang naghahangad na magligtas ng

kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon” (Markos 8:35).

Pamumuhay sa Pag-ibig• Ang pagtupad sa utos na “Ibigin

mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” (Roma 13:9) ay lumilikha ng sambayanang nagsasama-sama, ang “pakikipag-isa ng Espiritu Santo” (2 Cor 13:13).

Batas ng Espiritu SantoHindi ang panlabas na anyo kundi ang uri

ng puso ang mahalaga. “Ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya” (Markos 7:20).

Ang “lalong mahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan” (Mateo 23:23) ay mas pinahahalagahan sa Kristiyanong moral na pamumuhay.

“Ang Mapapalad”Ang “Pangaral sa Bundok” ay

nagbibigay sa atin ng alituntunin o ng pananaw ng Kaharian ng Diyos.

Inilalarawan nito ang mukha ni Kristo na nasasalamin sa larawan ng mga alagad.

B. Tugon sa Kaharian ng Diyos

1. Paggalang sa kahalagan ng iba2. Pakikiisa sa lahat3. Katapatan sa Diyos at sa isa’t isa

1. Paggalang sa Kahalagahan ng Iba

• Ayon kay San Pablo: “Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid… Makigalak kayo sa mga nagagalak, makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng loobin. Huwag kayong magmataas, kundi makisama sa mga aba” (Roma 12:10-16).

2. Pakikiisa sa Lahat

Hindi tayo nararapat sumamba at mag-alay sa Diyos hangga’t hindi tayo nakipagkakasundo sa ating nakaaway na kapatid (Mateo 5:24).

Dapat nating makita ang ibang tao bilang ating “kapwa” na ating kabahagi at kapantay, sapagkat sa piging ng Diyos, tayo ay magkakapantay.

3. Katapatan sa Diyos at sa KapwaAng katapatan natin sa Diyos ay hindi

lamang isang minsanang pagpapasya, kundi isang patuloy na hamon sa atin.

“Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo ng kaaway ay parang leon na umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila. Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananalig sa Diyos” (1 Pedro 5:8-9).

K. Mga Talinhaga ng Kaharian

Mula sa Mateo 13:44-46,1. Ang Kayamanang Nakatago sa

Bukid2. Ang Mamahaling Perlas

Ang Moral na Pagtugon1. Pagtuklas kung saan kumikilos ang

Espiritu sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos.

2. Pagpaparaya sa sarili, o pagbabagong-loob na nagpapanibago sa buong pagkatao.

3. Pagkilos at pakikiisa sa biyaya ng Diyos para sa kabutihan ng lahat.

Part IIAng Simbahan at ang Moral na Pamumuhay

1. Ang Simbahan Bilang Kalalagayan

Ang gawain ng isang tunay na alagad ni Kristo, sa salita at gawa, ay matutupad lamang sa pamayanan.

Sa loob ng Simbahan, ng Kristiyanong Pamayanan kung saan tayo ay bininyagan, nakakatagpo natin at tinatanggap si Kristo sa mga Sakramento.

2. Ang Simbahan Bilang Sama-samang Pagtutulungan

Tatlong Gampanin:1. Tumulong sa paghubog ng Kristiyanong

moral na pagkatao.2. Maipagpatuloy at sumaksi sa

Kristiyanong moral na kaugalian.3. Maglingkod bilang sambayanan ng

Kristianong moral na pagtatalakayan.

3. Ang Simbahan Bilang Tagapaghubog ng Kristiyanong

PagkataoGinagawa ito ng Simbahan sa

pamamagitan ng paglalarawan ng Matandang Tipan ayon sa karanasan ng Bayang Israel. Sinusundan ito sa Bagong Tipan ng Mabuting Balita ni Jesus, sa kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay.

4. Ang Simbahan Bilang Tagapagdala ng

Moral na TradisyonSa pag-ugat sa mga moral na aral,

kaugalian at pamaraan ng pagkilos.Sa nilalaman ng moral na pamumuhay:

ang Sampung Utos, ang Pangaral sa Bundok, and Utos ng Simbahan.

Sa pagbibigay ng balangkas sa pananagutan bilang alagad ni Kristo.

5. Ang Simbahan Bilang Sambayanang Nagninilay Tungkol

sa Moral na Pamumuhay

Mahalagang batayan ng mga aral ng Simbahan ay ang mga minanang Turo ng mga Apostol, at hindi lamang batay sa pansariling pang-unawa o pagninilay.

Part IIIAng Misterio ng Kasamaan:

Kasalanan

Ano ba ang Kasalanan?Pagtangging sumunod sa tawag ng

sariling budhi tungo sa mabuti.Pagtatakwil sa Diyos, ang Manlilikha at

Panginoon, at sa ating tunay na sarili at sa iba, sa pamamagitan ng pagtalikod sa Diyos na tunay nating hantungan.

Paglabag sa mapagmahal na Tipan ng Diyos sa atin.

Ang Lahat ay Nagkasala. “Kung sinasabi nating tayo ay

walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili, at wala sa atin ang katotohanan… Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos at wala sa atin ang kanyang Salita” (1 Juan 1:8-10).

Ang kasalanan ng ating panahon ay ang pagkawala ng kamalayan

sa kasalanan.

Ang dahilan:1. Kamangmangan tungkol sa

relihiyon, at2. Impluwensiya ng makamundong

pag-uugali at pagpapahalaga.

Ang Kasalanan Ayon sa Matandang Tipan

1.Nalihis ng Landas2.Kawalan at malisya3.Paghihimagsik at Paglabag sa

Batas

Ang Turo ng Simbahan Tungkol sa Kasalanan

1. Ang kasalanan ay paikot-ikot na umaalipin sa atin sa nakahahawang sakit ng nakasanayang bisyo, at kumikilos katulad ng mikrobyo na nakakahawa sa panlipunang asal.

Ang Turo ng Simbahan Tungkol sa Kasalanan

2. Ang kasalanan ay isang sakit na kailangan ang pagpapagaling mula sa pagpapatawad ng kasalanan.

3. Ang kasalanan ay isang pagkahumaling, isang prosesong hindi natin kayang paglabanan habang ito ay patuloy na lumalalang udyok.

top related