uncle ben-learning material-guide

Post on 12-Jan-2017

258 Views

Category:

Education

3 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

4

A B

A B

A B

A

B

A B

A B

A B

A B

BBA

ANG PINILI NI(Maikling Kwento ng Nigeria)

UNCLE BEN

BUOD NG MAIKLING KWENTO

MGA TAUHAN

UNCLE BEN-isang klerk sa Niger Company-umiibig kay Margaret

Mga Katangian• maprinsipyo• progresibong lalaki• mahilig sa

kasiyahan, inuman at sayawan

MARGARET-babaeng puti, mataas at manilaw-nilaw ang balat

-hinahangaan ni Uncle Ben

MAMI WATA-isang diwata ng tubig

-tagapagbigay ng maginhawang buhay

-ang babaeng nadatnan ni Uncle Ben sa kanyang kwarto.

MATTHEW OBI

-ang kaibigan at may-ari ng bahay na tumanggap kay Uncle Ben nang siya ay tumakbo palayo kay Mami Wata

Nagsimula ang kwento sa isang kakaibang karanasan ni Uncle Ben. Isang gabi nang minsan siyang umuwi galing sa kasiyahan ay agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto.

Hindi na niya inapuhap ang ilawan dahil agad na siyang humiga sa kanyang katre. Maya-maya’y napansin niyang mayroong babae sa loob ng kanyang silid.

Madilim sa loob ng kwarto. Paulit-ulit niyang tinanong ang babae dahil akala niyang ito ay si Margaret.

Ikaw ba yan Margaret?

Hindi ito sumasagot ngunit nang siya ay makanti nito ay bigla siyang napaigtad at napasigaw, “Sino ka?”

Naliliyo at nanginginig siya sa takot. Nang matunugan ng babae na kinakapa niya ang posporo ay nagsalita ito at sinabing

Sino ka?

“ Biko akpakwana oku.”

Matapos marinig, nagbanta siya na kung hindi siya magpapakilala ay sisindihan niya ang posporo.

“Halika rito sa katre at sasabihin ko sa iyo,” ang muling tugon ng babae.

Pilit niyang kinikilala ang boses na ngunit hindi niya magawa.

Halika na rito Benny..hi! hi!

hi!

Sa sobrang takot ay sinto-sinto siyang kumaripas ng takbo papunta sa bahay ni Matthew Obi. Nadatnan niya itong may hawak na gulok.

Bumagsak siya sa sahig. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nagkaroon ng malay.

Inilahad niya ang buong pangayayari at sa kanilang pag-uusap ay kanyang naunawaan na si Mami Wata ang bumisita sa kanya.

Ayon kay Matthew, hindi niya masabi kung tama ang ginawa ni Uncle Ben na takutin si Mami Wata. Kung yaman ang hanap niya ay nagkamali siya sa kanyang ginawa at dahil pamilya ang mas pinili niya ay malugod siya nitong binati.

MGA GABAY NA TANONG

1. Sino si Uncle Ben? Ilarawan ang kanyang katangian.

2. Saan ang naging tagpuan ng kuwento?

3. Sino si Mami Wata? Ano ang kanyang papel na ginampanan sa kwento?

4. Paano nagsimula ang suliranin sa kwento?

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Uncle Ben, ano ang gagawin mo kung sakaling madatnan mong mayroong estranghero sa loob ng iyong kwarto? Bakit?

6. Tama ba ang naging desiyon ni Uncle Ben na piliin ang pamilya kaysa kayamanan? Bakit?

GAWAIN (THINK-PAIR-SHARE)1.Maghanap ng kapareha.

2.Suriin ang isang sitwasyon sa ibaba at magbigay ng kongkretong sagot sa tanong.

Sitwasyon:Si Angelina ay isa sa pinakamatalik mong

kaibigan sa loob ng klase. Isang araw nakita mong ninakaw niya ang mamahaling make-up sa bag ni Sophia. Upang iba ang mapagbintangan, inilagay niya ang panyo ng kaaway mong si Mikaela. Nang malaman ni Sophia na ninakaw ang kanyang make-up ay agad niyang pinagbintangan si Mikaela dahil sa panyong nagsilbing ebidensya. Dahil sa pangyayaring ito ay ipinatawag si Mikaela sa opisina ng prinsipal at nabalitaan mong siya ay masususpende sa klase. 

Ano ang gagawin mo?

PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang iyong saloobin hinggil sa sumusunod na sitwasyon sa loob ng limang pangungusap. (16 pts)  

Kung ikaw ay bibigyang pagkakataong makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa ibang bansa subalit kapalit naman nito ay ang paglayo sa iyong pamilya. Ano ang iyong pagpapasiyang gagawin? Bakit?

Rating scale:

4– lubos na naisakatuparan3 – naisakatuparan2 – hindi masyadong naisakatuparan1 – Hindi naisakatuparan

Mga Pamantayan Puntos

1. may kaugnayan sa paksa  2. maayos at organisado ang mga ideya  3. binubuo ng limang pangungusap  4. maayos ang gramatika  

Kabuuan:  

TAKDANG-ARALIN1. Basahin ang akdang Handa Akong Mamatay.2. Alamin at tukuyin ang paksang nakapaloob sa talumpati.3. Batay sa binasang akda, magtala ng tatlong karanasan ng mga African na tinutulan ni Mandela.4. Magtala ng tatlong pagkakaiba ng mga African at Puti sa South Africa.5. Isulat ang sagot sa isang kalahating papel.

 Sanggunian: Baybayin 10 nina Remedios Infantado, et.al.

pp. 254-256

MARAMING SALAMAT!

top related