wika ng saliksik - depedbataan.com · ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda,...
Post on 29-Aug-2019
297 Views
Preview:
TRANSCRIPT
28 August 2018
Publications
WIKA NG SALIKSIK
by:
Ronalene Grace A. Tapang Teacher III, Mariveles National High School – Poblacion
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto 2018, inilunsad and temang
“Filipino: Wika ng Saliksik” na naglalayong ipakilala ang paggamit ng wikang
pambansa bilang instrumento sa pagsulat ng mga teksto o manuskritong pang-
akademiko. Ang pambihirang pagkilala na ito ay nagbibigay-daan din upang isulong
ang intelektwalisasyon ng Filipino, ang ating sariling wika.
Ang pananaliksisk ay isang masusi at sistematikong paraan upang pag-aralan
ang iba’t-ibang paksa. Dahil dito ay nakakakalap ng malaking bahagi ng datos o
impormasyon kung saan tiyak na naipapaliwanag at nalilinaw ang mga inkwiri tungkol
sa sari-saring suliranin. Ang paggamit ng sariling wika bilang midyum ng pag-aaral at
pananaliksik ay patungo sa tiyak na pag-unlad ng edukasyon, komunikasyon, at
ekonomiya.
Importanteng maintindihan natin ang bawat punto at batayan kaya’t kinilala ang
Filipino bilang wika ng saliksik gayun din ang epekto nito. Malaki ang gampanin ng
paggamit ng wika sa larangan ng edukasyon. Ang mabilis na pagproseso ng
impormasyon ng mga mag-aaral ay nakakatulong sa intelektwalisasyon ng anumang
uri ng kaalaman.
Ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda, ay may
kapangyarihan at tungkulin na hindi masukat. Ilan sa mga dahilan nito ay una,
naipapahayag nito ang damdamin, pananaw, opinyon, at personalidad ng isang
indibidwal. Pangalawa, nalulubos ang gamit ng wika sa mga akdang pampanitikan
kung saan nilalapat ang gawang masining o estetiko. Pangatlo, naipaaalam nito ang
napakaraming datos o informasyon hatid ng mundo sa paraang mas maiintindihan.
28 August 2018
Publications
Pang-apat, gamit ang midyum na mas nauunawaan ng nakararami, nababatid niyang
kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at sumagot, magnigay-
kahulugan, makipagtalo at pumuna--mga punto patungo sa pagnanais o
pangangailangan na manaliksik.
Ang wikang Filipino ay may direktang epekto din sa ekonomiya. Ayon sa isang
pag-aaral nila Baaco, et al. mula sa Facultad ng Sining at Panitik sa Universidad ng
Santo Tomas, napatunayan na ang paggamit ng sariling wika ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Ang wikang Filipino, bukod sa
paghahandog ng pagkakakilanlan sa mga mamayan, ay may positibong epekto sa
ekonomiya ng bansa. Sa paggamit ng ating sariling wika sa bawat transaksyon sa
gobyerno at iba pang pribadong sektor sa lipunan ay lalong nakakapagbigay sigla sa
kadahilanang mas madaling gamitin at magkaintindihan ang mga tao.
Malayo pa ang ipaglalaban upang tuluyang makamit ang intelektwalisasyon ng
Filipino. Ngunit ang hakbang na ito, ang pagkilala na ang Filipino ay Wika ng
Pananaliksik, ay mabuting simulain upang ito ay makamit.
References:
Davao Catholic Herald (2018). Ang Filipino: Wika ng Saliksik.
http://www.davaocatholicherald.com/2018/07/ang-filipino-wika-ng-saliksik/
Jeffrey De Leon. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
https://www.scribd.com/doc/147232061/KOMUNIKASYON-SA-
AKADEMIKONG-FILIPINO
28 August 2018
Publications
Baaco et al. (2013). Ang Kahalagan at mga Kadahilanan kung bakit Wikang Filipino
ang ating Wikang Pambansa at ang Kaugnayan Nito sa Unlad Pang-ekonomiya
https://www.scribd.com/doc/109042737/Ang-Kahalagan-at-Mga-Kadahilanan-
Kung-Bakit-Wikang-Filipino-Ang-Wikang-Pambansa-at-Ang-Kaugnayan-Nito-Sa-
Unlad-Pang-ekonomiya
top related