anekdota

13
Pagsulat ng Kontemporaryong Anyo ng Sulatin (Anekdota) April M. Bagon-Faeldan Mindoro State College of Agriculture and Technology

Upload: april-m-bagon-faeldan

Post on 19-Nov-2014

1.273 views

Category:

Documents


76 download

DESCRIPTION

anekdotacompiled by:aprilmbagon-faeldanmindoro state college of agriculture and technology

TRANSCRIPT

Page 1: Anekdota

Pagsulat ng Kontemporaryong Anyo ng Sulatin

(Anekdota)

April M. Bagon-FaeldanMindoro State College of Agriculture and Technology

Page 2: Anekdota

Anekdota ni Rizal

Pauwi si Jose Rizal sa Calamba mula sa Maynila na lulan ng isang lantsa. Bata pa siya noon. Naglalaro siya sa may hulihan ng lantsa. Nahulog sa tubig ang kanyang kabiyak na tsinelas. Maliksing inihulog ni Jose ang isa pa niyang tsinelas sa tubig na malapit sa kinahulugan noong una. “Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong ng isang lalaking katabi niya.

“Maaaring ang kabiyak na tsinelas na nahulog ay matagpuan ng isang maralitang mangingisdang may anak na kasinlaki ko. Iyo’y hindi niya pakikinabangan kung wala ang isa pang kabiyak,” ang tugon ni Rizal.

Page 3: Anekdota

Ano nga ba ang Anekdota?Ito ay isang maikli at kawili-wiling kwento na hinango sa mga dating karanasan. Ito ay payak na katotohanan ng buhay na kinagigiliwang pakinggan. Walang nakaaalam kung bakit , pero ang alam natin na nasisiyahan tayo kapag naiuugnay natin ang ating mga karanasan at natututo tayo mula sa mga kuwento.

Page 4: Anekdota

Kung pinipili na gamitin ang anekdota sa iyong pagsulat, makadaragdag ito ng personal at pantaong dimensyon na maaaring hindi mapigilan at kaakit-akit.

Pero ang mga anekdota ay kinakailangang maging kapani-paniwala at buhay na buhay- at maaari rin itong maging emosyonal at dahil ang mga anekdota ay mula sa tutuong kuwento ng buhay kaya nagiging kapani-paniwala na maaring makapagdagdag ng awtoridad sa iyong sinulat.

Page 5: Anekdota

Paano mo magagamit ang anekdota? Magagamit mo ang anekdota sa:

1. Pagsulat upang manghikayat. Maaari mong itong gamitin bilang pagpapatunay sa iyong mga pananaw nang sa gayon ay madali mong mahikayat ang mga tagapakinig o mambabasa.

Page 6: Anekdota

2. Pagsulat ng kuwento upang mang-aliw. Sa paggamit ng anekdota magiging interesante at kapani-paniwala ang iyong kuwento na makapagdudulot ng aliw sa mambabasa.

3. Pagsulat para magbigay ng impormasyon. Ang pagbibigay ng mga opinyon at katotohanan ay isang susing aspekto ng pagsulat para makapagbigay impormasyon.

Page 7: Anekdota

4. Sa pagsulat para magpaliwanag, magsuri o magkomento. Sa uri ng pagsulat na ito, madalas kinakailangan itong maging payak at malinaw ang isyu. Sa pamamagitan ng paggamit ng personal na kuwento na maaaring gamitin sa paghahambing ng isyu, magagawa nating mas maging interesante at kapaki-pakinabang ang iyong sinulat.

Page 8: Anekdota

5. Pagsulat para magpayo. Kinakailangang maging maingat sa pagbibigay ng payo pero sa pamamagitan ng anekdota na nagpapakita kung paano haharapin ng isang indibidwal ang isang pangyayari na kailangan niyang malagpasan.

Page 9: Anekdota

Katangian ng Anekdota Ito ay maikli at payak na kuwento. Nagsasalaysay lamang ng isang pangyayari. Nagsisimula ito sa malapit at pinakasentral na

ideya. Kinapapalooban ng mahahalaga at

kongkretong detalye. Nagtataglay ito ng maraming sipi (quotes).

Page 10: Anekdota

Natatapos agad pagkatapos ng kasukdulan. Nangangailangan ito ng tamang oras ng

pagbitiw sa mganagpapatawa o nagbibiro.

Page 11: Anekdota

Pagtataya

Sa maikling pagpapaliwanag…1.Ilahad ang mga katangian at kahalagahan ng

anekdota sa pagpapahayag.2.Paano nagiging popular ang isang artikulo o

pahayag?

Page 12: Anekdota

Takdang-Aralin

Ano ang maikhaing di-piksyon?Anu-ano ang kinakailangan sa pagsulat ng

maikhaing di-piksyon?

Sanggunian: Masining na Pagpapahayag Escoto, Mary Ann C. et.al pp. 256-

258

Page 13: Anekdota

Maraming Salamat!!!

April M. Bagon-FaeldanGuro sa Filipino