ang alamat ng barangay mambulo nuevo.docx

Upload: robert-gabriel

Post on 25-Feb-2018

245 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 Ang Alamat ng Barangay Mambulo Nuevo.docx

    1/2

    Ang Alamat ng Barangay Mambulo Nuevo

    Kalikasan ang nagbigay nitong kapirasong lupa na tinawag nilang Mambulo

    Nuevo. Sagana ito sa mga kagubatan, bukal, mga natural na kanal, malinis na tubig namaraming isda, mga mababangis na hayop at mga damuhan na sagana ng mga ibat-

    ibang klaseng halaman. Ang mga matataas na bundok ng Tangkong Baka, ang

    pinakamagandang lugar para tirhan. Ang lugar na ito ay wala pang masyadong tao dahil

    sa kinatatakutan nilang napakalaking ibon na kumakain ng mga tao. Mayroon pang

    istorya na ang mga bundok dito ay puno ng mahika. Nakakita daw ang mga

    mangangaso ng nagliliparang mga kumot na parang isang nagigintuang mga baka,

    kaya tinawag nila itong Tangkong Baka.

    Taong 1700 hanggang 1800, dumaong ang mga Muslim sa mga baybayin dito.Ang mga tao ay nagsimula nang lumikas. Ang iba ay pumunta sa tinatawag na ngayong

    Pamplona, ang iba naman ay nasa gitna ng Libmanan at Pamplona na kung saan

    matatagpuan ang grupong KINOYOGAN na nagbibigay ng pangalang Mambulo

    pagkatapos ng salitang bulo Pagkaraan ng buwan, hinati ito sa dalawang distrito at

    dinagdagan ng Viejo (luma) at Nuevo (bago) sa Mambulo. Ang mataba nitong lupa

    ay tinamnan ng mga ibat-ibang uring halaman lalo na mataas nitong parte (Mambulo

    Nuevo). Nang ang Libmanan ay nasakop ng mga Espanyol, ang Mambulo Nuevo ang

    nagsilbi nilang tirahan. Ang ilan ay gumamit ng kaingin upang matustusan ang kanilang

    mga pangangailangan. Ang iba ay ipinagpatuloy ito sa matataas pang lugar. Ang mga

    tao ay umalis ng grupo dahilan upang makakita sila ng pagtatanim ng palay, pumunta

    naman sila sa mabababang lugar. Ang mga tao dito ay likas nang palakaibigan sila ay

    sumasayaw kapag may mga okasyon o pista ng kanilang patron. Meron silang

    tinatawag ng moral laws na kailangan nilang sundin. Ang mga bata ay palaging

    nagmamano sa mga nakatatanda.

    Mayroon silang responsableng lider, at sinusunod ng lahat. Lumipas ang

    panahon, sinunod nila ang mga tao na galing sa puweblo Pero hindi sila lumahok saeleksyon ng mga opisyales. Nagkaron sila ng isang assembleya na ginanap sa

    Mambulo Nuevo. Ang adyenda ng pulong ay para sa makagawa ng bagong baryo na

    maghihiwalay sa Mambulo Nuevo at Mambulo Viejo. Napagkasunduan nila na ang

    Mambulo Nuevo ay gawin nang pormal ng pangalan. Ang Mambulo Nuevo ay ang

    pinakamalaking barangay sa Libmanan

  • 7/25/2019 Ang Alamat ng Barangay Mambulo Nuevo.docx

    2/2