ang aming mga gawain -...

92
ANG AMING MGA GAWAIN Gawaing Bahay Gawaing Pampamayanan Ispiritwal Pakikipagkapuwa

Upload: trantram

Post on 24-Feb-2018

1.497 views

Category:

Documents


47 download

TRANSCRIPT

Page 1: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

ANG AMING MGA GAWAIN

Gawaing Bahay Gawaing Pampamayanan

Ispiritwal Pakikipagkapuwa

Page 2: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

1

B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

Basic Literacy Learning Material

Page 3: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

Ang Aming Mga Gawain

Karapatang-Ari 2013

Bureau of Alternative Learning System

DEPARTMENT OF EDUCATION

Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang

bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa

organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Bureau of Alternative Learning System

Department of Education

3/F Mabini Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189

Page 4: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

i

Tungkol saan ang modyul na ito?

Bawat isa sa atin, bata man o matanda ay may kanya-kanyang

gawain upang maging kapakipakinabang sa ating pamayanan.

Nagiging maunlad ang pamayanan kung ang lahat ay

nagtutulungan at nagkakaisa. Bilang isang mamamayan, alam

mo ba iyong iyong mga gampanin? Mababasa sa modyul na ito

ang iba’t ibang gawain sa ating pamayanan.

Bukod dito, matututuhan mo rin sa mga aralin ng modyul na

ito ang pagsusulat, pagbabasa at pagbibilang.

Nahahati ang modyul na ito sa apat na aralin.

Aralin 1: Mga Gawaing Bahay

Aralin 2: Gawaing Pampamayanan

Aralin 3: Gawaing Ispiritwal

Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

Page 5: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

ii

Ano-ano ang matutuhan mo sa modyul na ito?

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, maisasagawa

mo na ang sumusunod:

1. natutukoy ang tungkulin ng isang indibidwal sa kanyang

pamilya, kapwa, pamayanan at maging pang-ispiritwal

2. nakababasa ng tatlo hanggang limang pantig na salita

3. nakababasa ng payak na pangungusap na tumutukoy

sa paksang tintatalakay

4. nakasusulat ng payak na pangungusap na tumutukoy sa

paksang tintatalakay

5. nakalulutas ng suliraning pamilang tungkol sa

pagdaragdag, pagbabawas

Page 6: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

iii

Ano-ano na ang alam mo?

Isulat sa sagutang papel ang tsek (ü) kung ang pangungusap

ay tama at ekis (X) kung mali.

1. Ang pagsunod sa alituntunin ng pamayanan

ay mabuting gawain.

2. Makiisa sa gawaing bahay at pampamayanan.

3. Huwag igalang ang pananampalataya ng iba.

4. Makilahalok sa mga proyekto ng pamayanan.

5. Magtanim ng mga gulay sa bakanteng lugar.

Page 7: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

1

Aralin 1: Gawaing Bahay

Napakasarap mamuhay sa isang tahanan kung ang

lahat ay ginagawa ang mga kanya-kanyang tungkulin. Lahat

ng gawain ay napapadali kung lahat ay kumikilos.

Matututuhan mo sa araling ito ang mga gampanin ng bawat

isa sa pamilya.

Matapos mong, basahin ang aralin ito, magagawa mona ang sumusunod:

• naipaliliwanag nang masusi ang mga ideya ng iba

hinggil sa iba’t ibang gawain sa bahay batay sa narinig

• naipaahayag ang mga praktikal na gawaing bahay

sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa mga

payak na salita

Page 8: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

2

• nakapagpapantig ng mga payak na salita na

tumutukoy sa mga gawaing bahay

• nakapagsusulat ng mga payak na salita na tumutukoy

sa gawaing bahay

Ano-ano na ang alam mo?

Isulat sa sagutang papel ang tsek (ü ) kung ang

pangungusap ay tama at ekis (X) kung mali.

1. Ang pagsunod sa alituntunin ng pamayanan

ay mabuting gawain.

2. Makiisa sa gawaing bahay at pampamayanan.

3. Huwag igalang ang pananampalataya ng

iba.

4. Makilahalok sa mga proyektong pamayanan.

5. Magtanim ng mga gulay sa bakanteng lugar.

Page 9: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

3

Ano-ano ang alam mo?

Iugnay ang larawan sa tamang salita sa pamamagitan

ng guhit.

pag-iigib

paglalaba

paglalampaso

pagwawalis

pagluluto

pagsisibak

pag-aalaga

paghahalaman

Page 10: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

4

Aralin 1: Gawaing Bahay

Pakinggan Natin

Sa umaga

pagkagising

Gawai’y iisipin

Tungkuli’y hahatiinBawat isa’y

may gagampanin

Page 11: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

5

Kilalanin Natin

Nakalarawan sa ibaba ang mga gawaing bahay.

Piliin sa mga ito ang kaya mong gawin.

Ikwento mo.

Page 12: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

6

Basahin Natin

Mga Gawaing Bahay

pagluluto paglilinis ng bahay

pagwawalis pagpapakain ng alagang hayop

paglalaba pagsisibak ng kahoy

paglalampaso paghuhugas ng kinainan

pag-iigib pag-aayos ng bahay

Page 13: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

7

Magsanay Tayo

A. Pantigin natin ang mga salita.

pag - lu - lu - to pag - li - li - nis

pag - wa - wa - lis pag - pa - pa - ka - in

pag - la - la - ba pag - si - si - bak

pag - la - lam - pa - so pag - hu - hu - gas

pag - i - i - gib pag - a - a - yos

B. Basahin ang buong salita.

pagluluto pag-iigib pagpapakain

pagwawalis paglalampaso pagsisibak

paglalaba pag-aayos paghuhugas

Page 14: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

8

C. Basahin ang sumusunod na pahayag.

Pagluluto ay aming magagawa.

Pag-iigib at pagwawalis ng paligid,

Paglalampaso’y magagawa rin

namin.

Pagsisibak ng kahoy sa tulong ni Itay,

magagawa rin namin.

Pagluluto, pamamalengke,

at paglalaba

Di ba, Inay kaya ko po.

Opo naman Itay, pagkat

pag-iigib at pagsisibak

ng kahoy magagawa

ko rin po.

Page 15: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

9

Mga gawaing bahay

kaya nating gawin

sa pagtutulungan natin

Gagaan mandin.

Page 16: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

10

Tandaan Natin

Mga gawaing bahay ay napakarami

Kaya tulong mo at tulong ko

ay mahalaga

Alinmang gawain

kaya mo, kaya ko

kung pag-aaralan.

Lahat ng gawain ay gagaan

kung ating pagtutulungan.

Page 17: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

11

Subukin Natin

Iugnay ang larawan sa tamang salita sa pamamagitan

ng guhit.

pag-iigib

paglalaba

paglalampaso

pagwawalis

pagluluto

pagsisibak

pag-aalaga

paghahalaman

Page 18: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

12

Isulat Natin

Sundan ang mga tuldok upang mabuo ang mga salita

sa ibaba. Gayahin sa sagutang papel.

Page 19: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

13

Sundan ang mga tuldok upang mabuo ang

pangungusap sa ibaba.

Page 20: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

14

Gayahin sa sagutang papel ang salitang sumusunod.

pagluluto

pag-iigib

paglalampaso

pag-aalaga

paglalaba

Page 21: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

15

Gayahin sa sagutang papel ang pangungusap na

sumusunod.

Sa gawaing bahay

kami ay tulong-tulong.

Nang maging magaan

gawain ni Inay.

Si Itay, si Kuya, si Nanay, si Ate,

at ako ay tulong-tulong.

Page 22: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

16

Kwentahin Natin

A. Pantigin ang sumusunod na salita.

Bilangin ang pantig at isulat sa sagutang papel ang

bilang.

Halimbawa: ga - wa - in 3

1. paglalaba

2. pag-iigib

3. pagwawalis

4. paglalampaso

5. kinainan

6. kahoy

Page 23: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

17

B. Bilangin ang mga salita sa bawat pangungusap.

Isulat sa sagutang papel ang bilang ng mga salita.

Halimbawa:

Katulong ni Nanay si Ate sa paglalaba. 7

1. Dalawang timbang tubig ang inigib ni Kuya.

2. Kaya kong gawin ang pagluluto, paglalaba, at

paglalampaso.

3. Mabibigat na gawain ang pag-iigib at pagsisibak

ng kahoy.

4. Ang pagwawalis ng paligid at paglalampaso ng sahig

ay pang-araw-araw na mga gawaing bahay.

5. Tinutulungan ni Tatay si Nanay sa paglalaba, at

pamamalantsa ng damit.

Page 24: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

18

Alam mo na ba?

A. Buuin ang mga salita. Isulat sa sagutang papel ang

nawawalang letra batay sa larawan.

pa g pa g

Page 25: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

19

pa g pa g -

pa g

Page 26: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

20

B. Basahin at kwentahin.

1. Maglalaba si Nanay. Bumili siya ng dalawang

paketeng sabon. Si Tatay ay bumili ng 3 paketeng

sabon. Ilan lahat ang pakete ng sabon na binili nina

Nanay at Tatay?

2. Iigib sa poso si Tano. Anim ang dala niyang timba.

Hiniram pa niya ang 2 timba ni Lolo. Ilan lahat angtimbang malalagyan niya ng tubig?

3. Sampung putol ang nasibak na kahoy ni Tatay, 5 ang

kay Kuya. Ilang putol ng kahoy ang nasibak nila?

4. Si Nanay at Ate ay naglaba ng 12 na pantalon at 8 t-

shirt. Ilang piraso ng gamit ang nilabhan nila?

Page 27: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

21

Aralin 2: Gawaing Pampamayanan

Ang mabilis na pag-unlad ng isang pamayanan ay

nakikita sa pamamagitan ng maayos, malinis na kapaligiran,

magandang pamamahala ng mga namumuno at ang

pakipikapagtulungan ng bawat isa na nakatira dito. Ikaw,

ano ang iyong nagagawang tulong upang mapaunlad ang

iyong pamayanan? Matututuhan mo sa araling ito ang mga

tungkulin ng bawat isa sa pamayanan.

Matapos mong, basahin ang aralin ito, magagawa mo

na ang sumusunod:

• naipaliliwanag nang masusi ang mga ideya ng iba

hinggil sa iba’t ibang gawaing pampamayanan batay

sa narinig

Page 28: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

22

• naipaahayag ang mga praktikal na gawaing

pampamayanan sa pamamagitan ng pagbibigay

kahulugan sa mga payak na salita

• nakapagpapantig ng mga payak na salita na

tumutukoy sa mga gawaing pampamayanan

• nakapagsusulat ng mga payak na salita na tumutukoy

sa gawaing pampamayanan

• nagagamit ang kaalamn sa pagdaragdag ng bilang

tatlumpu hanggang apatnapu na may kaugnayan

sa mga bagay na gamit sa mga gawaing

pamapamayanan

Page 29: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

23

Ano-ano ang alam mo?

Lagyan ng tsek (ü) ang puwang sa bawat bilang kung

tama at ekis (X) kung mali ang mga salita. Isulat sa sagutang

papel.

1. Maunlad ang pamayanan kung ang mga

tao ay nagtutulungan.

2. Ang paglilinis sa kapaligiran ay gawaingnagpapakita ng katamara.

3. Kapayaan at kaunlaran ay makakamtan

kung nagsisikap ang bawat mamamayan.

4. Ang kasipagan ay nagbubunga ng

kaunlaran.

5. Ang mabuting mamamayan ay sumusunod

sa mga alituntunin ng pamahalaan.

Page 30: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

24

Aralin 2: Gawaing Pampamayanan

Pakinggan Natin

Maunlad na

pamayanan

Makikita sa

malinis na

kapaligiran

Makikita sa kilos

at sigla ng

mamamayan

Makikita sa

kanilang

pagtutulungan

Page 31: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

25

Kilalanin Natin

Ikwento ang inilalarawan sa sumusunod na pamayanan.

Page 32: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

26

Pag-usapan Natin

Bakit maunlad ang pamayanan?

Ano ang katangian ng pamayanang ito?

Page 33: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

27

Basahin Natin

Basahin ang mga pangungusap. Bigyang diin ang mga

salitang may salungguhit. Basahin ito nang papantig,

pagkatapos ay basahin ng buo.

Ang mga kabataan ay nagtatanim.nag ta ta nimn a g t a t a n i mnag ta ta nimnagtatanim

Ang mga kababaihan ay naglilinis.nag li li nisn a g l i l i n isnag li li nisnaglilinis

Page 34: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

28

Ang mga lalaki ay nagkakaisa.nag ka ka i sa n a g k a k a i s anag ka ka i sanagkakaisa

Page 35: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

29

Tandaan Natin

Page 36: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

30

Subukin Natin

Isulat nang papantig ang sumusunod na salita.

nagtatanim

naglilinis

nagkakaisa

Page 37: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

31

Isulat Natin

Sundan ang mga tuldok upang mabuo ang

sumusunod na salita.

Page 38: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

32

Gayahin sa sagutang papel ang sumusunod na salita.

nagtatanim

naglilinis

nagkakaisa

nagtutulungan

nagsisikap

Page 39: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

33

Subukin Natin

Piliin ang tamang pantig sa kahon na bubuo sa salita.

Isulat ito sa sagutang papel ang nabuong salita.

1. nagli __ nis nis li nag

2. nagtata ___ nag ta nim

3. ___ kakaisa ka nag sa

4. ___ nim nim ka ta

5. wa ___ lis wa ta

Page 40: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

34

Kwentahin Natin

Pagsama-samahin ang mga bagay.

1. 30 basurahan

+ 23 basurahan

basurahan

2. 25 dahon

+ 32 dahon

dahon

Page 41: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

35

3. 15 walis tingting

+ 23 tambo

walis tingting at tambo

4. 34 babae

+ 12 lalaki

babae at lalaki

5. 33 punong mangga

+ 26 punong bayabas

punong mangga at bayabas

Page 42: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

36

Alam mo na na?

A. Ilarawan kung paano makatutulong sa kapayapaan at

kaunlaran ang ipinakikita ng sumusunod na gawaing

pam-pamayanan.

Page 43: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

37

B. Punan ng pangungusap ang mga kahon ayon sa hinihingi

ng nasa bilog. Gawing sanggunian ang mga larawan sa

pahina 35.

Mga Gawain

Tungo sa Kaunlaran

ng Pamayanan

Page 44: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

38

C. Sipiin sa sagutang papel ang mga pahayag na

nakatutulong sa kaunlaran ng pamayanan.

1. nagtatanim ng gulay

2. naglilinis ng kapaligiran

3. nag-aalaga ng aso

4. nagtatanim ng puno

5. nanghuhuli ng isda

6. nakikipaglaro

Page 45: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

39

D. Pagsama-samahin ang bilang ng mga bagay sa

larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. + =

2. + =

3. + =

4. + =

5. + =

Page 46: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

40

E. Ibigay ang kabuuan. Isulat sa sagutang papel.

1. 23 kabataang babae at 32 kabataang lalaki ay

naglinis ng baranggay. Ilan lahat sila?

______ + _______ =

2. 25 kalalakihan at 13 kabataang lalaki ang nagbuhat

ng bahay? Ilan lahat sila?

______ + _______ =

3. 12 kababaihan at 36 na kabataan babae ang

nagwalis sa paligid. Ilan lahat sila?

______ + _______ =

Page 47: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

41

Aralin 3: Gawaing Ispritwal

Ang bawat isa sa atin may kanya-kanyang paniniwalang

ispiritwal. Pinatitibay nito ang samahan ng bawat kasapi ng

pamilya at pinagbubuklod-buklod ang mga mamamayan.

Alam mo ba kung ano-anong gawaing ispiritwal ang

ginagawa ng inyong pamilya Matututuhan mo sa araling

ito ang mga gawaing ispiritwal ng mga Kristiyano at Muslim.

Matapos mong, basahin ang aralin ito, magagawa mo

na ang sumusunod:

• naipaliliwanag nang masusi ang mga ideya ng iba

hinggil sa iba’t ibang gawaing ispiritwal batay sa

narinig

Page 48: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

42

• naipaahayag ang mga praktikal na gawaing ispiritwal

sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa mga

payak na salita

• nakapagpapantig ng mga payak na salita na

tumutukoy sa mga gawaing ispiritwal

• nakapagsusulat ng mga payak na salita na tumutukoy

sa gawaing ispiritwal

• nagagamit ang kaalamn sa pagdaragdag ng bilang

apatnapu hanggang animnapu na may kaugnayan

sa mga bagay na gamit sa mga gawaing ispiritwal

Page 49: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

43

Ano-ano ang alam mo?

Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pahayag

sa bawat bilang ay tama at Mali kung ito’y mali.

1. Ang mga Muslin at mga Kristiyano ay magka-

pareho ang sinasambang Panginoon.

2. May kanya-kanyang pamamaraan ng

pagsimba ang mga Muslim at ang mga

Katoliko.

3. Ugaliin ang pagdarasal sa araw-araw.

4. Ang pakikinig sa salita ng Panginoon ay hindi

mahalaga.

5. Ang mga Muslim ay nagsisimba sa kanilang

Mosque.

Page 50: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

44

Aralin 3: Gawaing Ispiritwal

Pakinggan Natin

Isang Panalangin

Diyos na Makapangyarihan

Dakilang Lumikha

Tunay na kahanga-hanga

Iyong mga gawa

Ang Ika’y pasalamatan

Aking kaligayahan

Buhay ay may kabuluhan

Kung ito’y sa Iyo nakalaan

Page 51: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

45

Bibliya man o Qur’an

Oras ay ilalaan

Nang aking makamtan

Unawa’t katotohanan

Sa aking pagsamba

Ika’y nangunguna

Patuloy na ako’y gamitin

Sa dakila mong layunin

Ito ang aking panalangin...

Page 52: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

46

Ugaliin ang pagsimba o pagsamba.

Alalahanin at magpasalamat sa Dakilang Lumikha.

Page 53: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

47

Kilalanin Natin

nagdarasal

nagsisimba

nakikinig sa Pari,

Pastor o Imamnagbabasa ng

Bibliya o Qur’an

Ano ang

tawag

sa mga

gawaing

ito

Page 54: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

48

Pag-usapan Natin

May araw na itinalaga Araw, gabi’y kausapinUpang tayo’y magpunta Ang Dakilang LumikhaSa sambahan o kapilya sa atinUpang manalangin Upang magpasalamat

o sumamba. at humiling.

Nagsisimba Nagdarasal

Page 55: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

49

Ang Pari, Pastor o Imam Mga aral ng Dakilang

ang nagpapahayag Lumikha sa Bibliya o

ng mga aral ng Qur’an natin mababasa.

Panginoon.

Nakikinig sa Pari, Nagbabasa ng Bibliya

Pastor o Imam o Qur’an

Page 56: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

50

Basahin Natin

Basahin ang sinasabi tungkol sa larawan.

Ang babae ay nagsisimba.

nag si sim ba

n a g s i s i m b a

nagsisimba

Ang bata ay nagdarasal.

nag da ra sal

n a g d a r a s a l

nadarasal

Page 57: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

51

Ang lalaki ay nagbabasa ng Qur’an.

nag ba ba sa

n a g b a b a s a

nagbabasa

Nakikinig kami sa pangaral.

N a ki ki nig

N a k i k i n i g

Nakikinig

Page 58: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

52

Tandaan Natin

Ang Dakilang Lumikha

ang may gawa ng langit at lupa

Siya’y pasalamatan sa Kanyangmga biyaya sa atin.

Basahin ang kanyang mga aral.

Isabuhay ang mga ito.

Page 59: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

53

Subukin Natin

A. Punan ang mga patlang ng tamang letra upang

mabuo ang mga salita ayon sa makikita sa mga larawan.

1. n __ g d __ r __ s __ l

2. n __g s __ s __ m b __

3. n g b b__ s __

4. n __ k _ k _ n __ g

5. Q __ r’ __ n

e a o

i a e

o i a

i o e

u i a

Page 60: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

54

Isulat Natin

Sundan ang mga tuldok upang mabuo ang mga salita

ayon sa makikita sa mga larawan.

Page 61: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

55

Subukin Natin

Sipiin sa sagutang papel ang sumusunod na salita.

Page 62: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

56

Kwentahin Natin

Ilan silang lahat? Isulat sa sagutang papel ang bilang ng

bawat hanay at ang kabuuan nito.

1. 2.

_____ + _____ = _____ + _____ =

3. 4.

_____ + _____ = _____ + _____ =

Page 63: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

57

Subukin Natin

Basahin ang gawain sa gitnang kahon. Isulat ang titik ng

gawaing ipinakikita ng bawat kahon sa sagutang papel.

1. a. nag da ra sal 3.

b. nag si sim ba

c. nag ba ba sa

2. 4.

d. na ki ki nig

e. nag la la kad

Page 64: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

58

Kwentahin Natin

1. 35 lalaki ang sumamba noong umaga

+ 22 naman ang babaeng

naman ang babaeng sumamba o

nagsimba

2. 44 na Bibliya

+ 23 na Qur’an

aklat

3. 24 na upuan

+ 42 na upuan

upuan

Page 65: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

59

4. 33 hanay ng upuan

+ 22 hanay ng upuan

hanay ng upuan

5. 21 pumpon ng rosas

+ 22 pumpon ng orchids

pumpon ng bulaklak

Page 66: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

60

Alam mo na ba?

A. Isulat ang nawawalang letra sa mga salita sa loob ng

kahon upang mabuo ang sumusunod na pangungusap.

1. Kapag tayo ay

tayo ay papatnubayan ng Diyos.

2. Mahalaga na tayo’y

ng mga aral ng Dakilang Lumikha.

3.

tayo ng aral ng Panginoon.

g b b

n g d s l

N k k g

Page 67: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

61

4. Lagi silang

o

n g s s b

s m s b

Page 68: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

62

B. Ilan lahat sila?

1. 32 batang babae at 46 na batang lalaki ang sumali

sa palaro ng simbahan. Ilang bata ang sumali sa

palaro?

32 + 46 =

2. May 25 bata at 42 matandang nagsimba sa umaga.

Ilan lahat sila?

25 + 42 =

Page 69: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

63

3. May 13 kabataang babae at 34 na kabataang lalaki

ang bagong kasapi sa koro ng sambahan/simbahan.

Ilan ang bagong kasapi?

13 + 34 =

4. Ang mobile library ay may 34 babasahing ispiritwal. Sa

CLRC naman ay may 43 babasahing ispiritwal. Ilan lahat

ang babasahing ispiritwal na mababasa ng

mamamayan?

34 + 43 =

Page 70: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

64

5. Mangangaral ng simbahan si Mang Leon. 43

kababaihan at 25 kalalakihan ang nakapakinig sa

kanya sa loob ng ilang buwan niyang paglilibot sa

baranggay. Ilan lahat ang nakinig sa kanya?

43 + 25 =

C. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang pangungusap.

1. Magdasal tayo bago kumain.

2. Maglaan ng oras para sa Panginoon at oras para sa

hanapbuhay.

3. Magpalitan ng kuro-kuro habang nagsasalita ang

Pastor, Pari, o Imam.

Page 71: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

65

4. Mag-ukol ng panahon sa pagbabasa ng Bibliya o

Qur’an.

5. Napapalapit tayo sa Panginoon sa ating mga

gawaing ispiritwal.

Page 72: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

66

Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

Nainiwala ka ba sa kasabihang “No man is an island”?

Walang saysay ang ating buhay kung sarili lamang nating

ang iniintindi. Tayong lahat ay may tungkulin para paunlarin

ang ating sarili, pamilya, at maging sa ating pamayanang

kinabibilangan. Matututuhan mo sa araling ito ang

kahalagahan ng pakikipagkapwa.

Matapos mong, basahin ang aralin ito, magagawa mo

na ang sumusunod:

• naipaliliwanag nang masusi ang mga ideya ng iba

hinggil sa iba’t ibang gawaing pakikipagkapwa batay

sa narinig

Page 73: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

67

• naipaahayag ang mga praktikal na gawaing

pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagbibigay

kahulugan sa mga payak na salita

• nakapagpapantig ng mga payak na salita na

tumutukoy sa mga gawaing pakikipagkapwa

• nakapagsusulat ng mga payak na salita na tumutukoy

sa gawaing pakikipagkapwa

• nagagamit ang kaalamn sa pagdaragdag ng bilang

apatnapu hanggang pitumpu na may kaugnayan sa

mga bagay na gamit sa mga gawaing pakikipag-

kapwa

Page 74: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

68

Ano-ano ang alam mo?

Isulat sa sagutang papel ang J kung ang salita o pahayag

ay nagpapakita ng pakikipagkapwa, at L kung ito’y hindi.

1. pagtulong

2. Paglalakay

3. pakikiramay

4. pakikiisa

5. pag-aalaga ng maysakit na kapitbahay

6. pagdalo sa pagridiwang

7. pakiki-isa

8. pagdamot

9. pag-iwas sa tungkulin

10. pagnanakaw

Page 75: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

69

Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

Pakinggan Natin

Awit

Walang sinuman ang nabubuhay

Para sa sarili lamang

Walang sinuman ang namamatay

Para sa sarili lamang

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya.

Page 76: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

70

Kilalanin Natin

Kilalanin at ikwento ang isinasaad ng bawat larawan.

Ano ang

magagawa

mo?

Page 77: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

71

Pag-usapan Natin

Pagtulong Pakikiramay

Page 78: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

72

Pagbibigay ng

tulong

pinansyal

Pakikisama

Page 79: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

73

Basahin Natin

pagtulong

pag tu long

p a g t u l o n g

pagtulong

Pagtulong sa kapwa

pagbibigay

pag bi bi gay

p a g b i b i g a y

pagbibigay

Pagbibigay sa kapwa

pakikiramay

pa ki ki ra may

p a k i k i r a m a y

pakikiramay

Pakikiramay sa kapwa

pakikisama

pa ki ki sa ma

p a k i k i s a m a

pakikisama

Pakikisama sa kapwa

Page 80: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

74

Tandaan Natin

Ang pagtulong, pakikiramay,

pagbibigay at pakikisama ay mga

gawaing mahalaga sa

pakikipagkapwa

Page 81: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

75

Subukin Natin

Bilugan ang mga bagay na magpapakita ng iyong

pakikipagkapwa na angkop sa larawan sa kaliwa.

1.

2.

3.

4.

5.

Page 82: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

76

Isulat Natin

Bakatin o sundan ang mga tuldok upang mabuo ang

mga salita sa ibaba.

Page 83: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

77

Isulat na muli sa sagutang papel ang mga nakalimbag

na salita sa ibaba.

pagtulong pakikiramay

kapwa

pakikisama pagbibigay

Page 84: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

78

Kwentahin Natin

Pagsama-samahin ang mga tulong na ibibigay sa

nasalanta ng baha at sunog.

1. + = 2. + =

3. + = 4. + =

Page 85: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

79

Subukin Natin

A. Ayusin ang mga pantig upang makabuo ng salita

sa bawat bilog. Isulat nang wasto ang salita sa

sagutang papel.

Halimbawa: kaibigan

ka

i bi

gan

pa

ki ki

ra may

Page 86: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

80

pag

tu

long

pa

ki ki

sa ma

pag

bi bi

gay

kap

wa

Page 87: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

81

B. Kwentahin ang mga tinanggap ng mga nasalanta ng

baha.

1. 34 na sako ng bigas

+23 na sako ng bigas

na sako ng bigas

2. 54 na piraso ng jaket

+16 na piraso ng t-shirt

na piraso ng mga damit

3. 62 lata ng sardinas

+13 lata ng gatas

na delata

Page 88: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

82

4. 44 saging

+12 mansanas

prutas

5. 25 sako ng asukal

+34 sako ng giniling na mais

sako ng asukal at giniling na mais

Page 89: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

83

Alam mo na ba?

A. Ano-ano ang mga gawaing mahalaga sa pakiki-

pagkapwa? Piliin ito sa kahon at isulat sa patlang.

pakikiramay pakikipag-away pagtulong

pagdadamot pagbibigay pakikisama

Mga Gawain sa Pakikipagkapwa

1. _______________ 3. _______________

2. _______________ 4. _______________

Page 90: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

84

B. Isulat ang titik sa sagutang papel ng uri ng pakikipag-

kapwa para sa bawat pahayag na nakatala.

1. Kaarawan ng a. pakikiramay

iyong kumare

2. Namatayan ang b. pagtulong

kapitbahay mo

3. Maysakit ang anak c. pakikisama

ng kapitbahay mo

4. May pulubing d. pagbibigay

lumapit sa iyo

5. Nasunugan ang e. paghingi

isang barangay

Page 91: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

85

C. Kwentahin

Magkano ang nalikom na donasyon sa bawat kahon?

1. 2. 3.

Donasyon

Php22.00

+ Php34.00

Donasyon

Php52.00

+ Php25.00

Donasyon

Php33.00

+ Php23.00

Page 92: ANG AMING MGA GAWAIN - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/.../5/0/8/0/50800379/ang_aming_mga_gawain.pdf · Aralin 3: Gawaing Ispiritwal Aralin 4: Gawain sa Pakikipagkapwa

86

4. 5.

Donasyon

Php53.00

+ Php24.00

Donasyon

Php45.00

+ Php33.00